Hanggang Tingin Na Lang

276 2 0
                                    

Magmula pa lang ng ika'y aking makita
Ang puso ko ay nabihag mo na,
Sa unang beses ka pa lamang nakilala
Agad nagkagusto sa iyo sinta.

Sa tuwing ika'y malapit sa akin,
Di maiwasang sumulyap ng patago
At sa tuwing mahuhuli mo
Nagmamadali akong umiwas ng tingin sa'yo.

Sa tagal kitang nakasama
Bakit tila hindi pa rin kita kilala?
Pakiramdam ko'y napakalayo mo
Kahit na ika'y abot kamay ko.

Palagi na lang bang ganito?
Pagmamasdan na lang mula sa malayo
Papangaraping mahalin mo rin ako
Gaya ng tinatagong pagtingin ko sa iyo.

==========
Sana nagustuhan niyo po ang first HUGOT Poem ko.hihihi.

Hugot PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon