Chapter 4: The Truth

391 9 2
                                    

*FLASHBACK*

Masayang masaya silang umuwi ni Elmo galing school, nagulat sila ng parehas na naka upo ang mga parents nila sa Living room.

"Oh mommy ang serious niyo naman" natatawang sabi ni Julie

"Ah mga anak umupo muna kayo, may sasabihin kami ng mommy niyo" parehas silang umupo sa harapan ng parents nila.

"Anak may kasalan si mommy at daddy sa inyo" sabay silang nagtinginan

"Eh mommy ano po un??" Kinakabahan na tanong ni Elmo

" Sorry kung itinago namin yung totoo sa inyong dalawa, ayaw lang namin kayong masaktan." Naiiyak na sabi ng mommy nila sa kanila.

"Julie, anak mahal na mahal ka namin..."napatingin si Elmo sa side ni Julie na naguguluhan na rin sa nangyayari.

"Mommy, Daddy ano po ba yun sabihin niyo na po kasi"

"Julie..ang totoo kasi niyan... hindi ka talaga galing sa tummy ni mommy..pero galing ka sa heart ko" naiiyak na sabi ng mommy niya

"Anak..oo tama yung naririnig mo dati na adopted child ka namin" nag start ng tumulo ang luha ni Julie.

"Mommy Daddy ano bang sinasabi niyo..so totoo nga na ampon si Julie??

"Yes anak..may isang kaibigan kasi kaming walang wala talaga then lumapit sa amin, binigay sa amin si Julie..sabi nila pag kaya na nilang palakihin at buhayin si Julie babalik sila." naiiyak na sabi ng mommy nila.

"What kukunin pa nila ako ulit sa inyo??? Hahah..so tuta lang pala ang tingin nila sa akin dito..NO ayoko silang makita hindi ako babalik sa kanila." Sabay tumakbo si Julie papunta sa kwarto nito.

Napa upo na lang ang mommy at daddy nila sa sofa, hindi nila mapigilang maiyak. Hindi alam ni Elmo kung matutuwa ba siya o masasaktan ba siya para kay Julie. Napadaan si Elmo sa harap ng kwarto ni Julie, kakatok sana siya pero pinigilan niya ang sarili dahil nararamdaman niyang nasasaktan pa rin ito sa nalaman.

Habang si Julie, hindi niya lubos maisip ang ginawa ng mga tunay niyang magulang. Pero hindi masama ang loob niya sa mga magulang ni Elmo dahil minahal siya ng mga ito ng sobra sobra. Pinalaki din siya ng mga ito na sagana sa lahat, never silang nagkulang. Sa sobrang pag iisip ni Julie naka tulog na siyang umiiyak pa rin. Hindi pumasok si Julie kinabukasan dahil sa puyat at sobrang maga ng mga mata nito. Gustuhin man niyang bumaba para mag almusal hindi niya magawa dahil hindi pa siya ready na makita ang mommy at daddy niya kahit si Elmo din. Nagulat siya ng may kumatok sa pintuan niya, nag abang siya kung sino ang papasok napa ngiti siya ng nakita niya si Elmo.

"Goodmorning baby..tinanghali ka yata ng gising ah..tara breakfast na tayo" yaya ni Elmo sa kanya habang naka ngiti ito sa kanya.

"Moe?? never ka bang nagalit sa akin ng ampunin ako nila mommy at daddy?" naiiyak niyang tanong kay Elmo. Lumapit si Elmo sa kanya para tabihan at yakapin siya.

"Baby, alam mo noong una oo kasi lagi ka nalang binibilihan nila mommy ng toys ako wala, pero nung lumalaki tayo naiintindihan ko na sila, na magkaiba taung dalawa kasi babae ka at lalaki ako alangan naman pag binilihan ka ng barbie meron din ako..hahaha"

"Moe naman eh..pero thank you kasi never kang nagalit sa akin feeling ko nga walang mang aaway sa akin pag nandyan ka" natatawa siyang pinupunasan ni Elmo ang luha niya.

"Ako pa, ako yata ang knight and shining armour mo" tumayo ito sa kama at nag macho pose, tawa ng tawa si Julie sa kanya..

"Hahhahaha..Hay naku Elmo thank you ha and I love you" sabay halik nito sa pisngi ni Elmo.

"Baby, ang drama mo talaga mabuti pa magbihis kana para makakain na tayo"

"Yes, sir oh sige na lumabas kana dun para makapag bihis na ako"sabay tulak kay Elmo palabas ng kwarto niya.

Pagdating ni Julie sa dining area nila, agad niyang niyakap ang mommy at daddy niya.

*END OF FLASHBACK*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly in Love (A JuliElmo FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon