Her Lovelife

46 2 0
                                    

Hindi ko naman hinahangad na magkaroon ng lovelife.

Kumg meron eh daratingtalaga yan pero kung wala dapat tanggapin na lang kesa naman sa ipagpilitan ko pa. Maaari pa akong mapahamak kapag ipinilit ang hindi talaga para sa akin.

Isa lang naman ang gusto ko sa buhay eh. Ang umahon kami ng pamilya ko sa hirap.  Yung magkaron kami ng sarili naming bahay at lupa kahit na siguro wala ng sasakyan, okay na sakin yun.  Sa ngayon kasi nakikitira lang kami. Syempre para mangyari yun kailangan ko muna makatapos sa kolehiyo at pag nangyari na yun makakahanap na ako ng magandang trabaho na tutupad sa pangrap ko.

Lord kung bibigyan mo man ako ng lovelife sana career na lang muna pwede ba yun?

Ako naman yung taong di naniniwala sa love at first sight, soulmate, fairytales, destiny and whatsoever fantasy about love. Si Lord lang naman nakakaalam ng buhay ko at sya lang ang maaring makagawa nun.

Kaya di ako naniniwala sapagkat saksi na ako sa tunay na buhay yung walang fairytale. Ang iba naniniwala pa rin sa poor-rich-love.

Asus.

Hindi pwede makatuluyan ng mayaman ang isang mahirap.  Malulugi ang negosyo ng mayaman pag nagkataon.  Kaya nga nagkaroon ng arrange marriage ang mayayaman eh.  Gusto nila na mas lumago pa ang business nila at gusto rin nila na mas lalo pa silang yumaman.  Pag nagkaron ng mahirap sa angkan ng isang mayaman grabe ang matatanggap na pangaalipusta ng mahirap. Kesyo pera lang daw ang habol ng mahirap sa mayaman

Grabee~

Madadala ba nila sa hukay ang mga yaman nila?.

Sana kasi equal na lang lahat ng tao. Walang mahirap at mayaman lahat pantay-pantay!

Life is so UNFAIR.

She is AllisoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon