#Tadhana

18 0 0
                                    

Sadyang lupit ng tadhana kaibigan,
Nagmahal ka lang ng todo,
Ibinigay mo lang lahat-lahat sa taong mahal mo,
Ngunit ika'y iniwan at naging bigo,
Kaya yan, yan ang natatamo,
Kay ikaw ngayon ang gusto ng magtago.

Kaya ikaw kaibigan, mahalin mo kuna ang sarili mo.
Wa'g magtampo,
Dahil lahat ng ito ay para sa'yo,
Gamutin mo, ang sarili mong puso.
Tanging ikaw lamang ang makakatulong sa iyong sarili.

Wag munang balikan ang taon tanging sugat sa puso ang yong natamo,
Dahil puro hapdi at kirot lang ang dulot nito.

Ang nakatakda sayo kaibigan ay hindi ang taong tinuring mo na iyong mundo,
Baka kasi nasa tabi tabi mo lang siya,
Hindi mo lang nakita dahil may iba kang sinisinta,
Na ang tanging alam ay ang saktan ka.

Isipin mo muna ang iyong sarili at ang iyong pamilya,
Higit sa lahat ang ating Panginoong Ama.

May iba na sayo nakatadhana,
Kaya ikaw ay maghintay at wag mag alintana.

Mabuhay ng masaya,
Umibig ng tama; at
Tumawa totoo at tunay.

TANGA KA! Ngunit Hindi Ka Bobo :*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon