CHAPTER 3

865 21 15
                                    

So.. Since marami talagang nag ri-request ng mga side stories. And since bumabalik ang jive ko sa pag susulat, I might continue this series. 5 chapters lang to. So 2 more chapters to go. I aleady written DONALD AND AVA'S side story. Alam ko yun ang hinihintay ng karamihan.

Enjoy reading!
--

KYD'S
Maaga akong nagising para ayusin ang mga pinag inuman ni Mama. Hanggang ngayon kasi sinisisi niya ako kung bakit kami iniwan ni Daddy.

"Bakit hindi ka pa lumalayas sa pamamahay na to ha? Wala ka namang silbi!" Sabay bato nito sa akin ng bote ng champagne.

"Ma, hindi kita pwedeng iwanan na mag isa." Tumayo ito at sinampal ako, "Huwag mo akong tatawaging mama! Dahil una sa lahat hindi kita anak! Wala akong anak na katulad mo! Kung alam ko na dahil sa'yo iiwanan ako ng asawa ko sana hindi na kita nilabas sa mundong ito!"

Anak kasi ako sa labas ni mama. Wala yatang araw na hindi ako sinasaktan ni mama. Walang araw na hindi niya ipinaalala kung anong klaseng anak ako. Kahit kailan hindi ko naramdaman na appreciated ako. Pero hindi ko magawang manlaban, dahil alam ko.. masakit lang ang loob niya sa nangyari.

"Ma,aalis na po ak--" Muli niya akong sinampal. I just took a deep breath. Lumabas ako ng bahay namin na may mabigat dito sa dibdib ko. I wanted to hate my life, pero ano pang magagawa ko? Andito na e.

Pumasok na ako sa L.A, bago ako makapasok nang tuluyan sa classroom. Hinatak ako sa isang tabi ni Law.

"Ano yang sa mukha mo boy? Nakipag basag ulo ka nanaman ba?" Tinignan ako ni Twaylem.

"Anong nangyare? Bat may kalmot ka sa mukha??" Hindi lang ako umimik at ngumiti hanggang sa maibalin sa iba ang atensyon.

"Nasaan si Riyee?"

"Nasa classroom nila Donald." Saad ni Twaylem. Nag paalam na ako sa mga ito,at nag punta na sa classroom nila Donald.

"Ang aga aga namang ligawan to.." pang aasar ni Donella. Ngumiti lang ako bilang pag tugon kay Donella.

Nakita ko si Riyee na tulala at hindi umiimik. Sinubukan kong kausapin si Riyee.. akala ko kasi hindi na naman ito kikibo. Mabuti naman at pumayag ito na makipag kwentuhan sa akin.

"Bakit ba takot na takot ka sa mga yun?" Tanong ko kay Riyee. "Bakit mo ba tinatanong? Ano bang paki mo?"

"Anong meron at may pag tataray na nagaganap dito?" Pang uusisa ni Doland. "Donald,please.."

Hinatak lang ito papalabas ni Ava.

"You can trust me Riyee, pwede mong sabihin lahat sa akin. Hindi mo kailangang matakot." Biglang may namuong luha sa mga gilid ng mga mata nito. "You will hate me."

Ginusot ko ang buhok nito.. "Everyone will hate you but not me Riyee."

"How can I asure that??" Tumingin ito sa akin. Potek na yan. Kinikilig ako. Pero syempre kailangan huwag masira ang momentum. Chill lang pogi. Chill.

"Just trust me." Ngumiti ito at hinawakan ang aking kamay. Nababading ako. Kinikilig ako. I know para akong bading, pero kinikilig talaga ako.

"Uhm, pwede ba kitang yayain lumabas mamaya?"

"Saan tayo pupunta??"

"Sa lugar kung saan pwede mong kalimutan ang lahat." Kumunot ang noo nito, "Ha?! THE HECK KYD!" nagulat ako ng biglang pumasok si Tao sa classroom.

"Pag first date huwag mo dalhin sa pulang hotel. Luh to." Namula ako bigla sa sinabi ni Friso.

"Tssk, manyakols ka talaga. Kaya di pwedeng ipag katiwala sayo yung kaibigan natin." Saad pa ni Twaylem.

"Te-teka nga! Ano bang pinag sasabi nyo?"

"Diretsuhin mo na kasi Kyd Hakeem Choi! Dami mo pang sinasabi." Lalo tuloy akong na pressure.

Pero walang mangyayare kung dadagain ako sa dibdib. I like her, and I need to man up or else.. mapupunta na naman sa wala 'to.

"Riyee Gonzales.. pwede ba kitang yayain mag date?" Nag hiyawan lahat sila sa classroom..

"Oo naman."

"Whooo!!! Alamat ka talaga Kyd!!! Whoo!!" Sigaw nilang lahat pa akin. Pakshet. It's official. Mag dadate na kami.  "So see you after class??"

"Okay." Tinapik ko ito sa balikat. At pa cool lumabas ng classroom. Nakangiti sina Twaylem sa akin na para bang for once may nagawa ako ng tama.

Pag labas ko ng classroom... nag lulundag ako sa gilid.

"Tangang 'to! Ang bading mong kiligin!" Sabay hampas ni Venos sa akin. "Wala kayong paki. P0ta! Kinakilig talaga ako. Parang sa sobrang kakiligan ko pwede kong lundagin tong building natin." Nag tawanan lang ang mga ito.

I'll be dating my long time crush later. Wish me luck? Damn son.

Kinagabihan...
"Omg! What that smell? Amoy banyo!!!" Pag rereklamo ni Donald. "Hindi nyo kasi alam ang amoy mayaman."

Wala pa rin tigil ang pag spray ko ng pabango sa katawan ko. "Napaka pogi ko talaga." Kinurut-kurot ko ang sarili ko.

Mayamaya pa'y dumating si Tao.

"Ano ba yang pabango mo Kyd! Amoy albatross ka! Mag palit ka nga ng pabango!!" Inamoy ko ang sarili ko. "Amoy pogi naman ako. Epal ka Yoshida! Doon nga kayo! Tsaka attracted ang mga girls sa pabango ng mga boys."

"Well kung ganyan ang amoy. Tuwag na lang! Mag bambini ka na lang." Pag papayo ni Twaylem habang naka takip ang ilong at bibig nito.

"Hi." Nanlamig ang buong katawan ko ng marinig ko ang boses na yon. "The hec...."

"Oo, dinaig mo pa si Riyee. Ang talandi mo rin naman kasi." Hatet talaga tong eskepik na to.

"Sino ba babae sa inyong dalawa??" Masungit na tanong ni Ava.

"Siya. Pero mas balidoso ako.. so.." nag tawanan na lang ang mga ito. Ano bang nakakatawa doon?

Linapitan ko na si Riyee. "Tara??"

Ibinigay nito ang kanyang kamay at sabay kaming lumabas ng secret room.

Bahala na si Batman.

Sa restaurant...
"Dito tayo kakain??" Tanong nito sa akin..

"Yep." Nag pupumilit ito na huwag pumasok.. "May problema ba??"

"Ayoko lang dito sa place na to. Madami akong bad memories na naalala. Please??" Humigpit ang hawak nito sa braso ko. "Sige.. pero promise me one thing."

Tumingin ito sa mga mata ko. "I promise.."

"Papayag ka na ligawan kita."

Bigla itong namula sa sinabi ko.

"ha???" Trinay nitong controlin ang kanyang emosyon. But Im dear serious this time. I like her, ito na rin ang tamang pag kakataon para ligawan siya.

Pag na basted ako.. magiging bading na lang talaga ako.

"Riyee Salazar. I like you, Will you be my girlfriend???"

....
To be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

L.A SIDE STORY#2:ALWAYS BE MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon