Prologue: Welcome To Kim Residence!

31 1 0
                                    

[Riza's P.O.V.]

Kasulukuyan akong kumakain ng muffins.

Tumitikim lang pala.

Nagsisilbi akong test subject ng aking mother dear sa kanyang bine-bake.

Ni hindi niya nga lang sinabi kung para saan eh.

At doon na ako na-curious.

"Mader, para saan ba 'tong niluluto mo? Hindi ko naman birthday ngayon."

"Malamang para sa mga bagong lipat. Oh, tapos na pala ako, ikaw na magdala doon sa katapat na bahay. Tinatamad kasi ako." Sagot niya at linapag yung niluto niyang muffins na nasa loob ng tray sa mesa.

"Ma naman eh! Si kuya nalang! Ako nalang palagi mong inuutusan!" Pagrereklamo ko.

Sana umubra pls.

"Aba! Nagrereklamo ka pa ha!" Sambit niya at muntik na ihampas yung hawak niyang walis sakin kaso nakailang ako.

Agad naman akong lumabas at pumunta sa sinasabing bahay.

Nasa gate ka palang, alam mo na agad na mansyon 'tong bahay na 'to.

Ang laki laki kasi, kasing laki ng lupa ng bootcamp ng mga militar.

Jk, pero infairness malaki.

Lupa palang siguro 1 million na yung binayad.

Kung sana ako nalang yung nakatira dito no.

Pero bago ako mag pantasya pumasok na ako.

Mas malaki pa pala sa loob tignan.

Puro white yung features ng bahay tsaka maraming chandelier.

Naglakad lakad ako hanggang sa umabot ako sa kusina.

Dahan dahan ko namang nilagay yung tray ng muffins sa glass table.

Nag ikot ikot pa ako sa bahay hanggang sa may naramdaman akong tumama sa likod ko.

Aba putangina.

Ang sakit nun ah.

Lumingon naman ako at may nakita akong bata na maikli ang buhok.

Nakita ko naman na may dala siyang slingshot, so bato pala ang tumama sa akin.

Sino ba 'to? Isa rin ba 'to sa lumipat dito?

"Hi, anong pangalan mo?" Tanong ko at medyo lumapit sa bata.

"Sabi ni papa wag ko daw kakausapin yung mga hindi ko kilala." Sagot niya at medyo lumayo.

"Ahh, sige ganito nalang. Magpapakilala nalang ako. Ako nga pala si ate Riza." Sambit ko habang nakangiti.

Nahawa siya sa ngiti ko kaya ayun, ngumiti na rin.

"Ako po si Jake." Sagot niya.

Ginagago mo ba ako.

"Jake as in J-A-K-E?" Tanong ko at spinell.

Tumango naman siya.

Ha? Eh bakit yung buhok niya hanggang sa balikat niya? Tapos kulay brown pa?

Infairness ang ganda niyang lalaki ha.

"Ate Riza laro po tayo!" Aya niya at naglaro naman kami ng habulan.

Ako yung taya kaya hinahabol ko siya, nang hindi ko sinasadyang basagin yung glass vase.

"Lagot." Bulong ko.

Living With 14 MenWhere stories live. Discover now