Scarlett

6 0 0
                                    

Name: Lalaine Crisostomo
Age: 18
3rd year college, AB Masscom

*FLASHBACK*

"Si Lalaine? Bakit mo hinahanap si Lalaine?"

"Nasaan nga kasi si Lalaine? Classmate mo siya diba? Wala ba siya d'yan sa room niyo?"

"Matagal nang 'di pumapasok si Lalaine. Ni-isa samin walang balita kung nasaan siya. Kaya, pasensya na Miguel, di ko rin talaga alam kung nasaang lupalop ng mundo si Lalaine."

*END of Flashback*

"Scarlett! Ano bang iniisip mo dyan?"

"Oh Sky, ikaw pala. Naalala mo ba yung time na pumunta si Miguel sa classroom natin dati?"

"Oo, bakit? Iniisip mo nanaman ba yun? Matagal na yun, Scarlett! Matagal nang wala si Lalaine. Isang taon na ang nakakalipas simula nung nawala siya. Bakit ba? Anong bumabagabag sayo?"

"Ang weird lang kasi. Hindi naman sila mukhang close ni Miguel. Tapos biglang hinanap ni Miguel si Lalaine. Don't you find it weird? Never ko pa silang nakita mag-usap dito sa school."

"Ewan ko sayo! Sa tingin mo ba may kinalaman si Miguel sa pagkawala ng kaibigan natin?"

"Siguro? Eh hindi naman kasi mapapasugod si Miguel dito sa AB building kung wala silang kind of relationship ni Lalaine eh. Sky, ano sa tingin mo? Kausapin kaya natin si Miguel."

"Mag-aaksaya lang tayo ng oras. Tsaka ano ba, isang taon na yun. Kung nasaan man si Lalaine ngayon, siguro naman masaya na siya... halika na, malapit magsimula ang afternoon class natin."

Lalaine, bakit ka ba nawala? Anong nangyari sayo? Hindi ako mapakali sa pagkawala mo. Hinahanap pa rin kita kasi ikaw lang naman yung nakakaintindi sakin. Namimiss na kita, mahal kong kaibigan. Tama si Sky. Isang taon na nga ang nakakalipas simula nung hindi ka na pumasok sa school. Marami nang nakalimot nang pagkawala mo. Pero ako, hindi. Umaasa pa rin ako na isang araw, makikita pa rin kita. Magpakita ka na please? 

"Okay, good afternoon! Mag-aattendance lang ako for today...  Sanchez ... Gomez ... Dela Vega ... 
Crisos-- ... President?"

"Sir! Bakit po?"

"Gomez, tama?"

"Yes, sir."

"Paki-alphabetized naman ng records niyo. And pakitanggal na rin ang pangalan ni Lalaine.  After that, go to the faculty room."

"Okay po, sir."

(to the whole class) "That's all for today."


*Scarlett fixing the records*

"Scar! Di ka pa tapos dyan?"

"Hindi pa, Sky. Baka gusto mo naman ako tulungan, noh? Para naman matapos na ako." 

"Wow, ang gaganda talaga ng records ni Lalaine." 

"Nakakamiss talaga yung babaeng yun noh? Dati siya taga-ayos nitong mga records na 'to e. Naalala ko pa nga, lagi siyang nagrereklamo sakin na bakit hindi nalang daw online ang records natin para naman makasabay tayo sa technology."

"Hahaha, tinatamad lang talaga magsulat si Lalaine pag ganon. How ironic. Nasa AB pero hate magsulat."

"That's her. Wala tayong magagawa dun. Haha."

"Scar, tignan mo oh." 

"Ang alin?"

*flips another page of the record book, sees a picture of Miguel and Lalaine together*

Di ko alam kung bakit may picture ang bestfriend ko at ang ex-boyfriend ko. Ano ba talagang meron sakanilang dalawa? Di ko maintindihan...

"Sky, ikaw nalang magbigay neto kay Sir Garcia. Itanong mo na din kung may iba pa siyang sasabihin. basta ikaw na bahala." (Scarlett runs)

"Oy, teka! SCARLETT!!! ... pambihira tong babaeng to... SCARLETT, IBALIK MO YUNG PICTURE! 

ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon