Miguel

6 1 0
                                        

Name: Miguel Abella
Age: 19
3rd year college, BS CpE

"Miguel, kailangan nating mag-usap."

"Para saan, Scarlett?"

"Tungkol kay Lalaine... (pinakita ang picture kay Miguel) ... anong ibig sabihin nito? Bakit may picture kayong dalawa? Magkakilala ba kayo? Siya ba ang dahilan kung bakit iniwan mo ako, 2 months bago mawala si Lalaine?"

"Diba sabi ko wag mo na akong kausapin?" (walks out)

"Sagutin mo ang tanong ko, Miguel." (teary eyes)

"Bakit ba gusto mong malaman ang sagot? Higit isang taon na tayong tapos at isang taon na ding di nagpakita si Lalaine. Kalimutan na natin tong mga issue na to."

"Hindi ko makalimutan si Lalaine. Naniniwala akog babalik siya. Tsaka bestfriend niya ako. Isang taon akong nanahimik. Sinubukan kong kalimutan ang pagkawala niya. Pero araw-araw pa rin akong naghahanap ng sagot."

"Kaya ngayon, ano? Bakit sakin ka lumalapit?"

"Dahil dito sa picture na to. A picture is worth a thousand words. I wanna hear those words from you."

"Kanino mo ba nakuha yan?"

"Pinag-ayos ako ng records ni Sir Garcia, at nakita ko tong picture na to na nakaipit sa record book. Bakit ba, Miguel? Anong meron? Hindi naman mahirap sagutin yung tanong ko e."

"Ayoko nang maalala si Lalaine. Sa tuwing naaalala ko siya, nagiging miserable yung buhay ko. Wala na siya. Tanggapin mo nalang yun." 

"SAGUTIN MO YUNG TANONG KO!"

"Scarlett, pwede ba? Wala kang makukuhang sagot sakin. Please, umalis ka na. Wag ka nang manggulo dito sa Engineering Department."

"Aalis ako. Pero babalik ako, di kita titigilan hanggang sa magsalita ka. Nararamdaman kong may tinatago kang impormasyon dyan sa utak at puso mo. Ginagawa ko to para kay Lalaine. Lalapitan kita hindi dahil sa ex-boyfriend kita. Para kay Lalaine. Alam kong namimiss mo na rin siya. Sinasabi yun ng mga mata mo." 

Si Scarlett? Ex-girlfriend ko siya. And yes, magbestfriend nga sila ni Lalaine. 

Sino si Lalaine sa buhay ko? Siya yung... 

*FLASHBACK*

"..3 .. 2 .. 1 (sound of a camera) okay, this shot is good."

"Sir Garcia, pwede po bang makahingi ng kopya ng picture na yan?"-Lalaine

"Ayoko nga. Confidential ang mga pictures na nandito sa camera ko."

"Sir naman! Sige na, please?"

"Lalaine, akong bahala. Kukuha tayo ng kopya ng picture natin kay Sir. Hintayin mo nalang, okay? Sige po, Sir una na po kami ni Lalaine."

"Siya, sige. Ingat kayo."

That was our first picture together. February 2013, Comp Eng night will never be the same again. It was that month na naging kami. Officially in a relationship... in our own world. Hindi pa namin masabi sa iba na kami na dahil sa hindi pa kami handang malaman ng iba ang tungkol samin. Okay naman kami. We're good in that state. Months went on and we're still good. Until dumating yung time na bigla nalang nawala si Lalaine. 

July 26, birthday niya. Hindi siya pumasok nung araw na yon. Akala ko hindi lang talaga siya pumasok kasi birthday niya. Pero sumunod ang mga araw, hindi ko na nakikita si Lalaine sa AB building o kahit saan mang lugar sa school. Kaya isang araw, napasugod ako sa AB building at nagtanong sa ex-girlfriend kong si Scarlett kung nasaan si Lalaine. Pero mukhang siya ay wala ring alam sa biglaang pagkawala ng girlfriend ko. Hanggang sa lumipas na nga ang isang taon at nanumbalik lahat ng sakit dahil sa pagkawala ni Lalaine. 

Tama si Scarlett, sobrang miss ko na ang bestfriend niya. Isang taon din akong nanahimik. Iniisip kung pano ko siya makakalimutan at kung paano ko marereset ang buhay ko knowing na wala na siya. Pero ngayong naungkat nanaman tong issue na to, inaamin kong hindi pa rin ako nakakamove on. Simula nung nawala siya hanggang sa ngayon, inaamin kong miserable pa rin ang buhay ko dahil sa palaisipang pagkawala niya. 

*CONTINUATION OF FLASHBACK*

(phone rings)

"Hello?"

"Miguel!"

"Sino to? Bakit ka napatawag sakin?"

"Si Lalaine, nawawala."

"Japs? Ikaw ba yan?"

"Oo pre, ako to."

"Teka bakit? Nawawala talaga?"

"Oo pre. Maski mga magulang niya hindi alam kung nasaan si Lalaine."

*END OF FLASHBACK*

Lalaine. Madami akong gustong itanong sayo pagkabalik mo. Siguro oras na nga para magsalita ng mga bagay na maaring maka-figure out sa pagkawala ni Lalaine. Isang taon pa lang naman. Hindi pa din naman siguro huli ang lahat.

(Miguel calls Scarlett.* phone dialer/phone rings*)

"Scarlett. May sasabihin ako sayo."




ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon