Chapter 3- Cyian and Athena

15 1 0
                                    

*splllaaaasshhh*

Wala pa rin ako sa tamang pag-iisip.Marahil dahil ito sa pagkakabuhos ng juice sa akin ni Klein. Kung nasa tamang katinuan ako edi sana nanggagalaiti na ako sa galit.Pero hindi eh.Hindi ko maintindihan pero kahit alam ko na wala na si Klein ay pakiramdam ko nandyan pa rin sya.

Halos 7 minutes na nangyari yung "pag-sira" ko sa REPUTASYON ni Klein . Medyo humupa na yung tensyon at hindi na rin ako pinapanood ng mga tao sa paligid. Simula nung buhusan nya ako ay nakayuko lang ako.Hindi ako umiiyak, hindi rin ako natatakot at hindi ko alam kung bakit simula pa kanina ay nakayuko siguro dahil sa kahihiyaan na natanggap ko sa kanya.

Kahit ito si Angellu ay alam kong nagulat sa nangyari.Tahimik din sya tulad ko pero nabasag yun ng biglang nag-ring ang cellphone nya.Alam kong tumingin sya sa akin pero hindi nagtama ang mga namin dahil hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa mga kamay ko na nakalagay sa lap ko.Narining ko syang nag-sigh. Naramdaman kong umalis na sya at sinagot yung tawag.

Bakit ganon kahit gaanong kaingay dito sa canteen, napakatahimik ng paligid ko?Hindi pa rin ako tinitigilan ng curiosity ko.Lahat ng nangyari ngayon parang nangyari na dati pero hayss ayoko ng mag-isip.

May narinig akong yapak papunta sa akin.Baka si Angellu lang yun kaya di ko pinansin.Ilang saglit lang ay wala na akong narinig na yapak.Baka tumigil na sya.

Napagdesisyonan ko ng tumingala at nagulat ako ng may dilaw na panyo akong nakita sa harapan ko.Tinignan ko kung sino yung taong may hawak nun at pagtingin ko ay mas lalo akong nagulat.Literal na bumilog ang mata ko.

"Here."nakangiti sya habang binabanggit nya yung isang salita na yun sa akin.Ang cute nya.

Bakas pa rin sa mukha nya yung mga pasa na nakuha nya kay Clester.Oo sya yung taong sinuntok nung walang kwentang tao na yun.Hindi tulad kanina, hindi na dumudugo yung labi nya.

"Sorry di ako nakapag-thank you sayo kanina.Thank you talaga"nakangiti pa rin sya sa akin.Hawak hawak nya ang aking isang kamay.Kita ko sa mga mata nya na di sya tulad nya.

"Okay lang yun.At tsaka salamat din pala sa panyo." kasalukuyan kong ginagamit pangpunas yung dilaw na panyong ibinigay nya sa akin.

"Ako nga pala si Cyrus.........Cyrus Ian Shin."

Cyrus Ian Shin... hmmm nice name.

"Oh yeah nice name huh?" Sabay ngiti ko sa kanya. Bigla ko na lang nakalimutan yung mga nangyari kanina. At dahil yun dito sa lalaking nasa harapan ko.

"Haha really? Thanks." Omo?!?! He's really cute when blushing!! Oh my god...

" Oh by the way I'm Samantha.....Samantha Phasine Kim." I extend my hand and he gladly take it. We shake our hands.

"Nice meeting you Samantha."

"Ahm what do you prefer name when I'll call you? Cyrus or Ian?" I ask him. Sa totoo lang kasi di ko alam yung gagamitin sa dalawang yun eh.

Bigla naman syang napakamot sa batok habang nakangiti.

"Ahh that. Either Cyrus or Ian can do just don't call me other nicknames like what you called Klein a while ago. Mr Pathetic? Right?"

"Oh so is it okay if I call you Cyian?" Tanong ko. Ngumiti naman sya sa akin at tumango tango na parang bata.

"Haha it's cute. I like it."

Tawa lang kami ng tawa kaya di namin napansin na may lumapit pa lang isang lalake sa table namin. Tinignan ko sya pero di ko sya kilala. Tatanungin ko na sana sya ng nagsalita sya

"Hey buddy!" Bati nya. Ng nakita ni Cyian kung sino yung lalake ay tumayo sya at nakipag apir.

"Buddy! What's up?" tanong nya.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon