Chapter 6 - Chenle

1 0 1
                                    

*kringgggg*

Uwaahhh ang sakit ng ulo ko. Second day of school pa lang pero gusto ko ng umabsent. Kasalanan ko ba yun? Kasalanan yun ng mga kaibigan ko. Hayst.

5 am na at kailangan ko nang magready para pumasok yung dalawa kong kasama mamaya ko na gigisingin. 7:30 pa naman ang pasukan namin. Sadyang maaga lang akong gumising.

Naglakad ako papuntang living room ng apartment ni Lesslie. Nandun pa rin yung mga kalat namin kahapon. Mamaya ko na lang lilinisin pag tapos kong maligo.

5:30 na nang natapos akong maligo. Hindi ko pa suot yung school uniform dahil baka madumihan lang dahil magluluto pa ako at maglilinis.

Naglakad ako papuntang living room ng may biglang sumulpot sa gilid ko.

"Ahhhhhhhh!!!!" tili ko.

Nagulat naman yung taong nasa gilid ko. Madilim kaya di ko masyadong makita yung mukha nya.

"Bakit? Bakit?? Nasan ang sunog??? Tumawag ka ng bumbero!!!!" tapos tumakbo sya. Teka si Anj ba yun????

"Anj?" tanong ko.

"Sam?? Sam ikaw ba yan????" sabi nya habang kinakapa-kapa nya ako.

"Hindi. Kidnapper ako. Kukunin kita at ibebenta. " sarcastic kong sabi. Naramdaman kong kinililabutan sya sa sinabi ko. Pano? Syempre nakahawak pa rin kasi sya sa akin eh.

"K-kidnapper?? Ibebenta? A-ako??? Bakit??!?!?" Sigaw nya. Aish!! Isa sa pinakaayoko sa kanya ay ang sigaw nya. Lalo na kapag sobrang lakas!

Wait!?! Wag mong sabihin na naniwala sya sa akin??? Euhahahahaha! Babo talaga si Anj.

"Bakit? Tinatanong pa ba yan? Dahil bully ka kaya you deserved to sell!" I told her. I'm trying to hold my laugh so hard to the point na baka mautot pa ako nito!

"Waahhh!! Sorry na po! Di na ako mangbubully! Magiging mabait na po ako kay Sam! Lagi ko na syang ililibre kalag gusto nya! Please wag nyo po akong ibenta!! Huhuhu" that's it! Di ko na kinaya.

"Hahahahahahaha!!!" I laugh really really loud.

"Sam???? Ikaw ba yan?" Tumingin sya sa akin at binuksan ko na yung ilaw. Pagkabukas ko, nakita ko yung pagbabago ng mukha ni Anj mula sa takot naging galit! Hahaha patay ako nito!

"Yah Anjeu unnie~ you know that its only a joke right? ^~^.." I said cutely.

Wala pa ring pagbabago sa mukha nya.

"I give you 5 seconds Samantha...." O-ow she give me 5 seconds. It only means.....

"Run!!!!" Tumakbo ako ng sobrang bilis! Pumunta ako sa kwarto ni L at lumundag sa kama nya. Sumunod sa akin si Anj at tumalon din sa kama. Naghabulan kaming dalawa sa loob ng kwarto ni Lesslie. Nung patakbo na ako palabas, natalisod ako at nahabol ako ni Angellu. Syempre di ako papatalo. Dahil mas malakas ako sa kanya. Binuhat ko sya at hinagis kay L. Tumayo ako at binuksan yung ilaw, pagbukas ko, bumuhos ang tawa ko dahil sa itsura nilang dalawa. Si L ang sama ng tingin kay Angellu samantalang si Angellu ayun hinhimas ang likod nya. Tinignan nya si L at sabay silang tumingin sa akin. Take note. Its a death glare.

O-ow again! I'm in danger.

'You in DANGER
You in DANGER
You in DANGER
You in DANGER'

Sakto namang tumunog yung ringtone ni Lesslie. Saktong sakto, sa sitwasyon ko ngayon.

"SAMANHA PHASINE!!!" Sabay nilang sigaw at nagmamadaling tumayo para habulin ako. Another round!!!

"Run!!!! Again!!!"

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon