Meet the boss

50 4 0
                                    

4:00 am na ng dumating sila Lea at Clare sa City, nagkanya-kanya na ang dalawa. Si Lea patungo sa Boarding house nya at si Clare naman sa bahay niya. Pagdating ni Lea sa bh niya, umidlip lang sya sandali ng ilang minuto, pagkagising nya dagli syang naligo at nag-aasikaso ng mga dalahin nya. Kailangan syang maaga makapunta sa opisina, dahil 'yun ang bilin ni Ms. Chui sa kanya ...

.

.

.

(Sa opisina)

"Good Morning Ms. Chui.", bati ni Le sa secretary.

Ms. Chui: good morning din Le. Pasok ka na agad sa opisina mo, marami ka pang dapat gawin. Pero bago 'yan, may envelop ako na ipinatong sa table mo, buksan mo 'yun at basahin mo pagkatapos. Padala 'yun ng boss natin para sayo. Goodluck Le !!...

Namangha si Lea sa sinabi ng secretary, pilit nyang inintindi 'yun. Bigla syang kinabahan. Agad na pumasok na sya sa opisina kung saan sya na-asign...

Pagkapasok pa lang nya, nakita na nya ang maliit na pink envelope sa mesa nya. Umupo sya sa swivel chair at sinimulang buksan nya ang envelope. Huminga muna sya ng malalim bago nya kinuha ang laman nito. Kinabahan talaga sya... At ito ang nakasulat:

-------------------

Dearest Ms. Lea Santiago,

I know that you still don't know me. I'm your boss, that's what you only know from now. Pero hindi mo alam kung bakit kita nahire sa opisina ko, hindi lang sa may potential ka at qualified ka para sa posisyon na 'yan... To say you frankly, that's not the main reason. I'll tell you the truth Ms. Santiago, be prepared of yourself..

(...nagtataka si Lea kung bakit ganito ang nilalaman ng sulat. Ang akala pa naman nya ngayon may meeting sya.. pinagpatuloy na lang nya ang pagbabasa....)

I already know you since before, that's why i trust you to hold your position. For the reason that I wanted to be a teacher than to be a manager in the company. But I can't deny the reality to be stay close to you. I mean, to the company. Ms. Santiago, a few minutes from now, we will meet already. After you read this letter of mine, i want you to proceed in the meeting area. See you my student...

Care,

Boss J. 

---------------------

Nalilito na si Lea sa nabasa nya. Makikilala na rin nya ang boss nya ngayon, 'yun ang mas importante kaya hindi na lang nya inisip ang mga katanungan na nasa isip nya ngayon.. Before leaving her office, inaayos muna ni Lea ang sarili para maging presentable sya sa pagharap ng manager nya. 

.

.

.

.

.

(meeting area)

Nanginginig ang kamay ni Lea na pinihit nya ang door knob ng opisina. Masyado na syang nadala sa kaba na nararamdaman. Pati mga tuhod nya, nanginginig na rin. Parang himatayin na naman sya, pero pinapatatag nya ang sarili. Nakainom naman sya ng gamot kaya wala syang dapat ikabahala.

Pagkapasok nya, isa lang ang nakikita nya. Isang bulto ng isang mayaman at iginagalang na tao. Ito'y nakatalikod na nakatindig sa harap ng window glass. Ang akala pa naman nya marami sila na sasalubong sa boss nila. Pero nagkakamali pala sya.. "Ano to face-to-face?", sa isip nya..

"Good morning, sir?", bati ni Lea sa boss.

Agad naman itong lumingon sa kanya. At laking gulat nya na familiar nya ang lalaking ito..

"Si.....sir Lorenzo?", nasambit nya..

"Hello Le, nice to meet you again..", na may ngiti sa mga labi ni boss J.

Lea: h...hin..di ko poh to inaasahan na kayo pala ang manager ng company na ito.

J: Relax Le, namumutla ka yata... 'wag mong dsabihin na mahihimatay ka na naman ngayon?

Le: ..he he he.. Ok lang poh ako Sir. Nice to meet you again po pala...

J: Shall we seat Ms. Beautiful??

Le: ahmm, 'wag nyo poh ako tawagin ng ganyan, hindi poh nakakatawa..

J: ay sorry, hindi ka pa rin nagbabago noh, seryoso ka pa din.. pero may isang bagay lang ako na nagpapabago sa paningin ko, pumayat ka ata ahh..

Le: maupo na poh tayo sir..

Iniba ni Lea ang usapan dahil parang nag-iba ang ihip ng hangin...

J: Le, may kailangan kang malaman, pero masyadong private ito., eto ohh..

May inabot itong maliit na papel sa kanya..

J: you can go out now..

Le: Ok sir..

Dream HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon