The truth

47 5 0
                                    

Matagal na tinitigan ni lea ang papel na binigay ng boss nya. Tsaka nya eto binasa.

**Meet me at 'Cafe Resto, 9:00 pm. You must be there.. see you later again**

'Yun ang nakasulat sa papel.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(sa boarding house)

Hindi mapigilan ni lea na mapasulyap sa relo nya. Alas sais palang ng gabi pero bakit parang may nag-udyok sa kanya na papuntahin na sya sa lugar kung saan sila magkikita dalawa. Hindi mapakali ang kaluuban nya. Hanggat umabot na ang tamang oras, uminom muna sya ng gamot, tsaka bumaba na ng kwarto at nag-abang ng jeep sa labas...

Pagdating nya sa Cafe resto, maraming tao ang nandun. Hindi sya sanay dito kaya nag-alinlangan syang pumasok sa loob. Ngunit may isang kamay na humawak sa kamay nya..

"lets go?", boses ng lalaki.

"Sir? ahh, 'huwag nyo na poh hawakan ang kamy ko. Ok lang poh ako, Mauna na kayo sir, sunod lang ako. Hindi kasi maganda tingnan kung mauna 'yung empleyado kaysa sa boss nya.", pilit na nginitian ni Le ang boss nya.

J: sos eto naman, walang mauuna o mahuhuli Le, magkasama tayong pumasok. OK?

Le: O...o.k po.

Pumasok na sila sa loob ng resto ng hindi naghihiwalay, hawak ni J ang kamay ni Le at hindi sya nakakaangal 'dun.

J: Have a seat lady.

Eto pa mismo ang nag-offer ng chair sa kanya.

Le: Thanks sir.

J: May tanong ako sayo Le.

Le: Ano poh 'yun sir?

J: Natupad mo na ba 'yung mga pinapangarap mo?

Le: Masyado nga pala talagang private 'tong topic natin..

J: owh sorry Le pero gusto kung malaman, masama ba?

Le: hindi naman sir.

J: Isa pa pala, pwede mo bang tanggalin 'yung "poh" mo sakin? at 'wag mo na ako tawaging sir. Pwede na 'yung Joe.

Le: Nakakahiya poh sir..

J: iniinsulto mo ba ako talaga?

Le: sorry sir pero malaki poh ang pagalang ko sa inyo. Sana hindi poh ninyo 'yun mamasamain.

J: Le, nakakainis ka rin ano?

Le: 'yun poh ba talaga gusto nyo?

J: hmmmmm. (Tumango lang eto, halatang naiinis na talaga)

Le: Ok poh sir Joe.. awhhh este Joe.

J: Ok good. Now, sagutin mo na ang tanong ko..

Le:  Definitely Yes, isang taon ko lang na pinaghirapan 'yun. Sa wakas, nakabili na rin ako ng lupa at nakapagpapatayo ng bahay para sa pamilya ko.

J: 'yun lang ba ang mga pangarap mo?

Le: Una ko talagang dream ay 'yung makatrabaho ng maayos. At maraming salamat poh sa inyo, dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi ko poh matutupad lahat na 'yun..

J: Walang anuman, wala kba pangarap sa sarili mo?

Le: sakin?? hmmmmm, wala. Isa lang ang gusto ko, 'yung maging masaya ang mga taong mahal ko..

J: Bakit Le?

Le: Ang alin Joe?

J: Since then kahit hindi kita kilala ng husto, napakabait mong tao.

Le: hindi naman po masyado.

J: kaya nga kita gusto eh, noon pa.

Nabingi si Le sa sinabi ni Joe, hindi nya naintindihan 'yun. Tuloy nakatulala na sya..

J: hoy Le?

Le: ahmmf sorry, ano nga poh ulit 'yung sinabi nyo?

J: Gusto kita... Malinaw naba 'yun sa'yo??

Le: oh.

J: May boyfriend ka nba? o asawa?

Le: boyfriend? wala. Mas lalo na 'yung asawa.

J: Bakit? Hindi ka ba nangangarap na magkapamilya??

May pangarap si Le na magkapamilya pero dahil sa kalagayan nya, kinalimutan na nya lahat 'yun. Dahil alam nyang hindi na sya magtatagal sa mundong ito.

Le: pwede poh ba change topic muna tayo?

Talaga lang na iibahin nya ang usapan nila dahil ayaw nyang mag-explain tungkol sa buhay nya. Ayaw nyang may iba pang tao ang makaalam sa kalagayan nya..

J: Ok, just wait. Punta muna ako ng comfort room. Stay here..

Le: ok.

Nang biglang nahulog ang wallet ni Joe. Hindi ito napansin ng lalaki, kaya't pinulot na lang ni Le ang wallet. Nang may napansin syang nakakaagaw ng atensyon sa kanya. Binuksan nya ang wallet nito at nakita nyang picture nya ang nakalagay sa wallet. Laking gulat nya sa nakita.. maraming katanungan sa isip nya ngayon na gusto nyang malaman. 

Nakita ni Le na pabalik na si Joe sa table nila kaya't agad nya itong inilagay sa mesa.

Le: Nahulog pala 'yung wallet mo.(sabay turo sa wallet na nasa mesa)

J: owh buti nakita mo..

Le: oo nga eh...

J: May problema ba?

Halata kasi nito na namumutla ang babae.

Le: Ba..bakit m..may picture ka sakin dyan sa wallet mo?

J: huh?

Laking gulat ni Joe sa sinabi ni le. Sigurado syang ngayon buking na sya...

J: Le, let me explain first.

Le: go explain it to me. All of this, dahil hindi ko na naintindihan lahat ng 'to.

J: Una sa lahat, pinaplano ko nato lahat. You know Le, kung hindi mo napansin na dati pa may pagtingin na ako sayo.. Manhid ka kasi eh..

Le: (aba hinuhusgahan pa ako nito).. Kaya pala nung nahimatay ako sa school kayo 'yung nagbabanatay sakin dun.. At kaya pala ako andito sa posisyon ko..

J: sa position mo ngayon, exempted yan.. May potential ka lang tlaga kaya kita hinire..

Le: Sir bakit ako?

J: stop calling me sir . Ok? i want to be part of your life. That's all..

Le: hindi pwede..

Hindi na napigilan ni Le ang sarili. Nagback-out na eto. Hindi nya gusto ang nangyayari ngayon. Kailangan nyang umalis sa lugar at magpakalayo.. 'Yung malayong malayo sa kanya at sa lahat ng tao. Kung bakit nya nararamdaman ito, hindi nya alam.. Nasasaktan lang sya. Ang tanong, papayagan kaya sya ni Joe sa gusto nyang mangyari ngayon?

Dream HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon