Chapter 3

71 2 2
                                    

 

Chapter 3:

 

LALA'S POV:

 

7:05 na wala pa rin si Bebs. Sabi ko na nga ba eh.... hindi kayang tumupad ng mga lalaki sa sinasabi nila. Kanina pa nag-umpisa ang rehearsal para sa presentation. I was about to sing my part when someone interrupted. At yun pala yung taong kanina ko pa hinihintay. Spell badtrip: L-A-R-I-S-S-A. :/ [very good Lala!]

 

"Sorry guys, late ako." sabi ni Kel. Napansin ko lang, parang wla ata siya sa mood makipag-usap ngayon? Oh well, ano ba namang care ko kung wala siya sa mood? ~_^

"Okay lang kapatid, hindi pa naman sumasabak ang mga tenor eh." sabi ni ate Charlene. Si ate Charlene, a.k.a si "Master" ay ang president namin and of course, Alto Master. :)

 

Yun lang at nagsimula na siyang mag-practice. All thorughout the rehearsal,  ang tamlay niya, although nakikipagbiruan siya. Pero most of the time kasi talaga, ang tahimik niya. Nakakapanibago. Hindi ko na lang siya pinansin.

 

 

 

"Serious talaga?"

"Oo daw. Yung girl pa mismo nagsabi na wala na sila ni Kel."

"Kung sa bagay, maganda na rin yun. Hindi rin naman kasi good influence yung girl sa kanya eh."

"Pero may downside. Kaya daw sila nag-break is dahil may new love na daw si Kel."

"Naku, hindi totoo 'yan. Bitter lang kasi si girl kaya sinisiraan niya si Kel."

"Ewan ko. Basta ako, maganda na yan para mabawasan na ang stress ni Mikael."

 

Ito talagang mga choirmate ko, mahilig chumika. [parang ako hindi eh nu?] Pero... yun kaya yung dahilan kung bakit matamlay si Bebs? O baka naman dahil sa akin? Naku naman... Sabi ko ayoko ng gulo eh. Tss. Hinanap ko tuloy si Kel, na nandun lang pala sa may hagdanan sa labas ng choirloft. Umupo ako sa tabi niya.

 

"Uy."

"Uy, ikaw pala, LalaBebs." nginitian niya ko, pero halatang pilit lang.

"Sige, ikwento mo na. Makikinig lang ako." sabi ko sa kanya.

 

KEL'S POV:

 

Nag-hesitate muna ako bago ko sinabi kay LalaBebs ang nangyari. Huminga ako ng malalim saka ako nagkwento. Mula sa umpisa ng relationship namin ni Jane hanggang sa nangyari sa amin, at ngayon nga, itong huling pagtatalo namin. Si LalaBebs naman, literal na nakikinig lang sa kwento ko. At sa mga oras na ito, yun ang pinaka-kailangan ko. Isang kaibigang handang makinig sa mga hinaing mo.

 

"Ano na plano mo ngayon?" tanong niya.

"Ewan ko, hindi ko pa alam."

"Mahal mo pa ba siya?"

 

Na-corner ako dun ah. Ni hindi ko nganaitanong yan sa sarili ko kahit kelan eh. Mahal ko pa ba siya? Hindi na. Minahal ko ba siya?............................................. Na-realize ko na ang sagot sa tanong na iyon ay hinidi. Kaya pala wala akong makapang sakit nung nag-break kami. Nandun lang yung panghihinayang kasi 9 months din naging kami, pero yung sinasabing sakit? Wala. Wala talaga akong maramdaman kahit konti.

 

"Hindi na. At na-realize ko rin na hindi ko pala talaga siya minahal." sagot ko. Akala ko magugulat siya, pero ako pala ang nagulat dahil base sa expression ng mukha niya, mukhang iyon yung sagot na hinihintay niyang lumabas sa bibig ko.

"Sabi ko na nga ba."

"Bakit?"

"Kaya pala nung umalis tayo kahapon, nung sinabi kong baka magalit yung gf mo, hindi ka masyadong nag-alala. Ramdam ko rin kasi na hindi mo nga siya ganun kamahal."

"*sigh* Siguro nga.... Pero LalaBebs, salamat sa pakikinig ha? Ito kasi yung pinaka-kinailangan ko."

 

A/N : click at the music vid for this scene! :)) Keep Holding on by my idol, Avril Ramona Lavigne. :D

 

Hindi ko sinasadyang ma-kiss siya sa noo.

 

Tiningnan niya ako sabay sabing "Hindi ka ba mag-sosorry?"

 

Sinagot ko siya.

 

"Hindi. Dahil ang tunay na lalaki, hindi humihingi ng sorry kapag hinalikan niya ang babae, lalo na sa noo. Para kasi sa amin, ang  paghalik namin sa noo ng isang babae ay isang patunay na iginagalang ka naming mga lalaki."

"Ah.... okay." sabay umalis na siya.

 

---------------------------------------------------------------------------

a/n : hi guys! listen to avril lavigne's song, Keep Holding On, dedicated to friends. Dedicate ko to sa childhood and first bestfriend ko, Steve Lastimosa. :) i hope na magkabati na tayo Bes'Chubs, imissyou na. :(( anyways..... haha! enjoy! :)) vote na rin po kayo. :D God Bless!

My Choirmate, My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon