Chapter 5

49 1 1
                                    

 

Chapter 5:

 

KEL's POV:

 

"Tol, marunong ka ba nung chords ng Passenger Seat?" tanong ko kay Nad, choirmate din namin ni LalaBebs at bestfriend ko.

"Oo tol, bakit?" sagot naman niya.

"Turuan mo nga 'ko tol."

"Luh! Bakit? May nililigawan ka na?"

"Agad-agad?! Hindi ba pwedeng gusto ko munang matuto nung chords nun kasi favorite ko?"

 

"Hoy Mikael Quijano, kilalang-kilala kita mulo ulo hanggang paa. Hinding-hindi mo pag-aaralan ang chords ng isang kanta kung walang value sa'yo yun!"

 

"Grabe ka naman tol..oo na. Favorite kasi ng crush ko yun eh."

"Sabi ko na nga ba eh... Sino ba yang crush mo?"

"Basta.."

"Huwaw! Ang gandang pangalan nun ahh.. Basta. Taga-san yun?"

"Ewan ko sa'yo Nad."

"Choirmate natin yung crush mo no?"

"Huh?"

"Bingi tayo tol? Bingi?"

"Hindi, hindi!"

"O, yun naman pala eh. e di sagutin mo yung tanong ko."

 

Pisti naman........ hindi talaga ako makakalusot nito kahit anung ninja moves pa gawin ko. Badtrip!

 

"Oo na, choirmate natin yung crush ko."

"Si Larissa yung crush mo, hindi ba?"

 

 

 

 

O_O

 

 

 

"Pa'no mo nalaman?" tanong ko sa kanya. Apo yata siya ng manghuhula? haha!

"Nakita ko kasi kayong magkausap nun sa labas ng choirloft. At nakita ko rin na hinalikan mo siya sa noo. At sa crush mo o girlfriend mo lang ginagawa iyon. Tama ba ako?"

"Hayy.... Oo tol. Crush ko siya, kaso bawal eh."

"Bawal dahil choirmate natin siya?"

 

"Hindi, pfft. Allowed naman na sa group natin yun eh, kaya nga mga pasaway tayo diba? Basta ba hindi tayo masyadong showy. Bawal lang kasi wala pang isang linggo, may ipinalit na kagad ako kay Jane. Ang pangit tingnan diba? Kasi magmumukha lang rebound si LalaBebs."

"Kung sa bagay........ Pero in fairness sa'yo tol ha, ang bilis mo maka-move on."

"Kasi wala naman kong dapat ipag-move on."

"Kasi hindi mo naman talaga minahal si Jane?"

 

"Oo."

"Pero may malaking problema ka ke Larissa, tol."

"??"

 

"Man-hater nga siya diba? Exception lang naman tayong mga choirmates niya dahil alam mo na, medio komportable siya sa atin. Pero alam mo naman din siguro na pagdating sa usapang lovelife, eh hindi kayo mag-ge-get along."

"Oo. Kaya nga nandito ako sa tabi niya eh. Para itama yung mali sa kanya at ayusin ang buhay niya. Pag nagawa ko na yun, saka ko na siya liligawan."

"So ang role mo ngayon e best friend?"

"Ganun na nga.."

"Haha, good luck tol kung magawa mo yan! E babaero ka pa man din!"

"Wow ha! Syempre dati yun, hindi na ngayon."

 

Kahit kelan talaga 'tong si Nad, maloko. Pero totoo yun, dati, babaero ako, pero natuto din akong magseryoso. 5 years na kaming mag-best friend ni Bernard Borromeo aka Nad. Sabay din kaming na-recruit sa choir. In fact, 3 years na kami dun. Ang love interest naman ni Nad ay si Sheila. Oo tama correct, si Sheila na choirmate din namin at best friend/classmate ni LalaBebs ko. :)

 

Sigurado ako, nung una pa lang ng story na 'to, nagtataka na kayo kung bakit nagkakaroon ng intimate relationships between choirmates.E baliwags din kasi 'tong author namin ehh!!! [HOY MIKAEL QUIJANO!! HINDI AKO BALIW NU!] Okay, okay, sabi ko nga hindi. Init naman ng ulo nito. Kelangan ba all caps talaga Miss BFMiSa?? [naman! para masaya!! haha! okay, nababaliw na ko.] Sus... exit ka na nga!! POV ko 'to diba? [OWCAKE!! eexit na nga eh! continue!]

 

Pfft.... kulit ni Miss BFMiSa nu? Kaya walang lovelife yan eh. Wahahahahahaha!!! *evil laugh*

 

Anyways, back to discussion [wow, parang teacher lang!]

Miss Author ano ba!! POV ko 'to diba?? [oo na.... zipper bibig, tapon lock!]

 

San na nga ba tayo? Ah, ayun. So sa mga choir groups kasi, bawal ang initmate relationships. Yun ang divine rule ng mga org sa simbahan. Bawal yun. At mas lalong bawal kapag nagka-bf ka-- girls, this is for you-- ng sacristan sa same church na pinag-se-serve-an mo. Yun ang pinakabawal. Sa choir namin, our choirmaster decided to allow those kind of relationship, alam niyo kung ano'ng reason niya? Ang feelings daw, kahit kelan hindi madidiktahan. Kahit na pgsabihan mo ang puso mo na wag kang ma-fa-fall sa kanya, kung ma-fa-fall ka, ma-fa-fall ka. Wala ka nang magagawa pag ang puso mo na ang nagsabi na mahalin mo yung taong yun. Kaya ayun, inallow na niya na makipag-relationship kami sa kapwa choirmate, basta ba hindi showy. ^_^ O ayan na ahh, na-explain ko na, labyu! Wahahaha!!!!

 

 

 

"Tol."

 

Psh... Istorbo talaga kahit kelan 'tong bespren ko nu? Sumingit daw ba sa convo ng may convo?

 

"Bakit?"

"Tingin mo sasagutin ako ni Sheila?"

"Oo naman. Bakit?"

"Wala lang..."

"Bakit? Nu problema?"

"E kasi diba #1 priority niya ang studies, given na yun, ayos lang kahit maghintay ako ng 10 years. Pero ang kinakatakot ko lang....... Paano kung may makilala siyang iba na mas magugustuhan niya sa akin?"

"Hindi naman ganung klaseng babae si She eh. Higit sa aming lahat, ikaw ang nakakaalam niyan. Mahal mo nga diba?"

"Oo, pero malay mo.... Marami din namang nagkakagusto sa kanya nu."

"Yun lang? E bopols karin pala eh!!!! Alam mo namang ikaw yung gusto nung tao diba? Sinabi na rin naman niya sa'yo na ikaw yung gusto niya, pero kailangan niyo lang talagang maghintay na matapos si She."

"Sorry naman diba."

"gets mo na? Basta't alam mo sa sarili mo na ikaw yung mahal niya, sapat na yun para maghintay ka sa kanya't ipaglaban mo siya, at para maipagtanggol mo siya laban sa mga ahas sa gubat."

"Naks tol, lalim nun ahh!! Singlalim ng Pasig River!! Pero seriously, salamat ha?"

"La yun. Haha, inlababo ang bespren mo kaya malalim mga sinasabi. Batsa ba tulungan mo ko ke Lala."

"Lala??"

"Tawag ko yun kay Larissa."

"Ah.... Oo naman, kaya nga bespren diba?"

"Salamat tol."

My Choirmate, My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon