#4
Pagkauwe ko ng Condo ko. Oo may sarili akong condo. Sabi kase nung peste kong manager kailangan ko daw masanay na magisa. Ang sama diba? Mag 14 pa lang ako eh >< Sa Feb 24 Pero si Manager katapat lang nung condo ko.
"Bilisan mo maligo. May fan meeting ka ngayon." Walang sali-salita pumasok na ako sa Cr. Bahala sya dyan ><
"Hoyy! *katok* Anu ba? *katok* " Putekk!
Binuksan ko yung pinto "Oo! Alam ko nman!" Sabay sara ng pinto. Nasabi ko ba sa inyo na Babae ang manager ko? Oo babae sya. Maton nga eh.
--
Bakit ba sila ganun? Inaakusahan nila na magnanakaw si Iris? Eh wala nman silang patunay na nagnakaw si Iris.
"Alden *toktok* Tapos ka na ba? *toktok* Oy. Bilisan mo ha!"
Sa totoo lang hindi pa ako nakakabihis. Naka pants na ako ah. Tinatamad lang talaga ako at GUTOM na ako! Tsk. Hindi pa kase ako pinapakain ng epal kong manager.
*Beep beep*
From: Mngr
Bilisan mo! May pagkain na dito sa Kotse! ma la-late ka na!
Nung nakita ko yung word na pagkain sinuot ko na yung polo ko. Hayst. Ganto talaga pag gutom.
"Ayos ah. Bilis bumaba! Basta pag may pagkain. So dapat pala hindi kita pinapakain pag inis ka saken para pag ayaw mo sumunod pagkain lang ang kapalit." Bungad sakin ng magaling kong manager.
"Tss. Ewan ko sayo!" Pumasok na ako sa kotse. Lintak! Gutom na talaga ako "Hoyy! Pagkain ko?"
"Maka hoyy ka akala mo hindi mo ko mngr ah!"
"Yaan mo lang! Ate lang nman kita sa totoong buhay" Oo ate ko sya. Half-sister. Pareho kame ng tatay.
"Tss. Bilisan mo!"
--
Normal POV
Habang papunta si Alden sa fan signing event paalis pa lang ng bahay si Iris. Oo, pupunta sya sa event. Kahit papano hindi pa rin nya matiis ang bestfriend nya. Pero hindi sya nagpakita dito dahil alam nyang pag nagpakita pa sya baka ay gulong mangyari.
Syempre ayaw nyang mangyari 'toh sa bestfriend nya dahil alam nyang pinaka hihintay nya 'tong event na 'toh. Alam nyang napaka importante ng event na 'to sa bestfriend nya.
--
Pagdating ni Alden umupo na sya sa may stage. Madami na ring tao sa fan signing event nya pero may hinahanap sya. Siguro kilala natin kung sino 'toh. Nag promise kase si Iris kay Alden na dadating ito.
Flashback
"Waah! AA! May fan signing event ka na? GASH! Sikat ka na talaga bespren!" Sabay yakap ni iris kay alden
"Oo nga eh. na E-excite tuloy ako!"
"Bespren ako rin!"
"Punta ka ah! Gusto ko pag dating ko dun ikaw ang una kong makikita"
"Hahah! Grabee nman yun! Pero pupunta ako!"
"Promise ah!"
"Yup! PROMISE!"
--
"The newest hearthrob, ALDEN!"
"Kyaaaaaaah!!"
"OHMAYGASHHHHH!"
"ALDEN! ANG GWAPO MU!!"
"AYLABYUU!"
"WE LOVE YOU ALDEN!!!"
Ganyan kabaliw ang mga fangirls ni AA. Masaya ang naging fan meeting nito. Pagkatapos ng kung anung chuvaluhan.. May mga random questions na tinanong sa kanya ang mga fans sya...
Pero sa lahat ng tanong may kaisa-isa syang hindi masagot...
Kaisa-isang tanong na umabot pa na mag o-overtime na..
Kaisa-isang tanong na nagpa-gulo sa isipan nya...
Tanong na hanggang sa paguwi nya tinatanong pa rin nya sa sarili nya..
"Did you fall in love?"
--
''Hoyy! Ang lalim ng iniisip mo?!" Biglang tanong ng manager ni Alden..
"Iniisip mo yung tinanong sayo nung huling fans na nagtanong sayo 'noh? Ikaw ha! Kung ako sayo... Wag mo munang isipan yan! Bata ka pa nman eh! Wag kang lumande ng maaga!"
Sa payong yun ng Ate nya - slash - manager natauhan nman sya. Bakit nga ba iniisip nya yun? Masyado pa syang bata para sa love-love na yan. Sakit sa ulo lang yan!
A/N: May pinaghuhugutan! Lols
--
Katulad ni Alden na inisip ang tanung sa kanya nung isa nyang fan... Tinanong din ni Iris sa isip nya ang katanungan iyon...
Na-inlove na nga kaya si Alden?
Kanino nman kaya?
"Kung meron 'man. Ang swerte nung babae sa bestfriend ko"
Pero may something na inisip nya...
Sana ako yung babaeng yun...
--
UPDATED!
VOTE/S PLS! :3

BINABASA MO ANG
Oh My Boy! [HIATUS]
Teen FictionInspired of: Korean Tv Show's Missing you and MaBoy. Read the Prologue! - Pink