#3
Iris' POV
Tama nman yung nagawa kong decision diba? Kung sa inyo hindi.... sa akin tama. Mahal ko si Alden.. as a besrfriend ahh. Kaya ko ginawa yun. Matagal na nyang pangarap yung pagiging artista. Kaya kung sumabay akong umuwi kahapon. Malamang sira ang career nya ng dahil saken. Siguro ngayon laman na kame ng news paper ng School.
Ngayon. Hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Si ate nakapasok na. Wala nman kaseng problema sa kanya eh. Hindi kame magkaparehas ng school. Paano na?
Haist. Bahala na...
--
Pagdating ko. Wala ng tao sa Quadrangle baket? Kase late ako. Sinandya ko talaga para kaunti lang yung makakakita saken. Anu ng gagawin ko ngayon? Bukas? o sa makalawa. Siguradong mapapatalsik ako sa school na 'toh dahil sa ginawa ni papa.
Papa-akyat na ako sa Classroom namin. May nakaka-sabay ako pero umiiwas sila saken. Anu bang meron saken? Wala nman akong sakit diba? Wala nman akong nasabi sa inyo. At hindi nman ako yung nagnakaw eh. Hindi ako.Si papa yun. Hindi ako!!
Napapaiyak tuloy ako ng wala sa oras...
--
Nang malapit na ako sa Classroom nmin. Napaisip ako. Aish. Una ko nga palang madadaanan ang room nila AA. Tsk tsk. At isa pa. Lalo pala akong mapapahiya kase late ako. UGH. Bobo! Bat hindi ko naisip yun >< Nakuu. Bahala na!
Naglakad ako ng naka yuko. Alangan nman tumingala pa ako diba? Ramdam na ramdam ko na may nakatingin sa akin sa classroom nila AA. Kita talaga ako dahil naka bukas ang window nila. Pagdating nman sa classroom nmin. Na maingay naging tahimik na.
"Ma'am. Sorry po kung late ako"
"Ahh.... Ano.. Uhh. Umupo ka na lang" Pati ba teacher kailangan akong iwasan? Diba sila ang pangalawang nanay? Dapat andyan sila pag kailangan sila ng kanilang studyante.
"Salamat po" pagkaupo ko. Wala atang mga pintura at bubble gum na naka-dikit? Himala?!
Buong klase nakayuko lang ako. Isa nga sa teacher napagkamalan akong si sadako eh. Kaya ang kinalabasan pinag tawanan ako. Nung tumingala na ako bigla silang napahinto sa pagtawa. Takot saken?
Lumipas ang apat na subject Vacant na. Ako nalang ang naiwan sa classroom. Dali-dali pa nga silang nagsilabasan eh. Paano nman ako lalabas neto? Bakit nga nman pala ako lalabas eh may pagkain akong binaon.
Habang kumakain ako, rinig ko yung mga usapan nila. Rinig ko kung anu ang pinag chi-chismisan nila. Yung iba nman kase sa kanila nasa may pintuan. May mga bodyguards na pala ako?
"Grabee. Pumasok pa sya"
"Hindi ata nahiya sa ginawa ng magaling nyang tatay"
"Oo nga. Kung ako sa kanya magtatago na rin ako katulad ng ginawa ng tatay nya"
"Hindi pa ba nahahanap? Nakuu. Siguro kasabwat sya. Ayaw na sigurong ipakulong yung tatay nya."
"Well. Sino bang anak ang gustong makulong yung tatay diba? Kaya malamang alam nya kung nasan" tsk tsk. Kelan ba sila hihinto sa pange-ngealam ng may buhay ng may buhay?
Tinago ko na yung baunan ko at umubob. Sa mga oras na 'toh katabi ko na si AA at nakikipag tawanan na sya. Pero sa ginawa ko. Wala na. Alam kong gal...
"Hindi ako galet" Haist. Pati yung isip ko kabisado na talaga yung boses nya.
"Totoo ako." Pagbangon ko.... O.o Kanina pa sya dyan???

BINABASA MO ANG
Oh My Boy! [HIATUS]
Novela JuvenilInspired of: Korean Tv Show's Missing you and MaBoy. Read the Prologue! - Pink