This is not yet the ending

9 0 0
                                    

2 years na rin pala ang nakakalipas mula ng iniwan mo kami. Kamusta ka na? Alam kong masaya ka na sa piling ni God. Para na din kitang bestfriend. Di ko makakalimutan yung pinagsamahan natin.

"Luke!"

Wait lang ha? Tinatawag na pala ako ng mahal ko.

"Yes mahal?"

"Yuck. Mahal ka diyan"

"Leah oh. Inaaway ako ni Yanna"

"Hello Leah. Wag kang maniniwala sa damulag na to ha? Hindi pa kami niyan."

Siguro iniisip niyo na kung bakit nakakausap ko pa si Yanna.
Ganito kasi ang nangyari.

*Flashback*

"Leah. Leah. Anong nangyayari sayo? Leah. Lumaban ka. Doc! Doc!"

Nagpapanic na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Luke. Sorry ha? Naging selfish ako. Pagod na ko Luke. Gusto ko ng magpahinga. Pakisabi nga pala kay Yanna I'm sorry. Mahal kita Luke"

*teeeng*

"Leah. Leah. Doc! Doc! Gumising ka Leah."

Habang naghihintay ako sa labas ng operating room di ako mapakali. Feeling ko may mangyayari pang di maganda.

*ring, ring, ring*

Si tita Len tumatawag.(mommy ni Yanna)
Sinagot ko yung tawag.

"Hello Dad. Si Yanna Dad. Huhu."

Nang marinig ko ang boses ni tita na umiiyak nagsimula na kong kutuban.

"He-hello tita. Si Luke po ito"

"Lu-luke. So-sorry wrong number pala ako"

Ibababa na sana ni tita yung tawag ng bigla akong nagsalita.

"ti-tita a-ano pong nangyari kay Yanna?"

Hindi na sumagot si tita. May narinig na lang akong ingay sa kabilang linya.

"Doc Cruz a-ano na pong na-nangyari kay Yanna?"

*toot, toot, toot*

Bigla na lang naputol yung tawag sa kabilang linya.
Pagkababa ko ng phone. Nakita ko sina tita Alyssa(mommy ni Leah) na umiiyak. Lumapit ako sa kanya.

"Luke. Wa-wala na si-si Leah."

Dun na nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Bigla kong naalala yung tawag ni tita Len. May kilala akong doc Cruz at kahit di ako sigurado kung nandoon ba sina Yanna wala na kong pakialam. Ayokong pati siya ay mawala sa akin. Kaya naman pumunta ako sa ospital kung saan nagtatrabaho ang kilala kong doc Cruz.

Pagdating ko sa ospital hinanap ko agad ang kwarto ni Yanna. At tama nga ako nandito nga sina tita Len.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si doc Cruz na sinabing "time of death 4:52"

Dahil doon lalo pa akong napaiyak. Wala na. Wala na ang dalawang babaeng mahalaga sa akin. Ang babaeng mahal ako at ang babaeng mahal ko wala na.
Tinakpan na ng kumot si Yanna.

Habang umiiyak lumapit ako kay Yanna at hinawakan ko ang kamay niya. Wala na kong napapansin kundi ang babaeng wala ng buhay sa harap ko.
Hawak hawak ko lang ang kamay niya habang umiiyak.

Naramdaman ko na gumalaw ang kamay ni Yanna. Kaya naman napaangat agad ang ulo ko. At sa di inaakalang pagkakataon nagkaroon ng himala.

*end of flashback*

"Hello earth to Luke. Yoohoo"

Naalala ko na naman yung nangyari 2 years ago. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko na ngayon ang babaeng pinakamamahal ko.

"Wag mo kong titigan Luke. Baka mainlove ka pa lalo sakin niyan. Sige ka"

Hay! Mahal na mahal ko talaga ang babaeng to. Lord thank you. Alam kong di pa ito ang katapusan.

This Is Not Yet The EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon