Chapter 2.

295 7 0
                                    

----------

Daniel's POV

Kakatapos lang namin magbasketball ng mga kaibigan ko kaya napagisipan muna naming magpahinga at tumambay sa may malapit na tindahan.

Nagtatawanan kami at nag-aasaran ng may biglang nagpunta dito sa tindahan. Bibili ata.

Pinatahimik ko yung barkada ko. Ang ingay kasi eh. Ang ganda nung babae. Parang anghel na galing sa langit. Psh. Okay ang baduy -.-

Pero seryoso. Maganda talaga siya. Morena at mahaba ang buhok. Simple lang siya, walang make-up sa mukha. Di tulad nung iba. Puno ng make-up yung mukha, pwede ng gawing clown.

Naka-suot siya ng uniform ng Levigne Academy. Yung kalaban ng school namin. Dun siguro siya nag-aaral. Hhmm. Alam ko na! I have a plan. Haha :D

Di siya tumitingin samin. Pero ako nakatitig lang sa kanya. Sa napaka-ganda niyang mukha. Tae. Love at first sight na ba to?! Ang bakla shet. -.-"

"Ate pabili nga ng bottled water. Tsaka paload na rin po." Ang sabi niya kay ate tindera.

*TING!*

May bright idea ulit ako. Hahaha :D

Pagkatapos niyang bumili at magpaload umalis na siya. Sayang.

Maya-maya nagkayayaan ng umuwi. Magdidilim na din kasi eh.

"Kuya! Uwi na tayo." -JC. Kapatid ko.

"Una na kayo. Mamaya na ko uuwi."

"Oy tol! Hihintayin mo bumalik yung chix no? Hahaha." -Seth.

"Hindi na babalik yun Seth. Natakot sa mukha mo kanina eh. Hahah-.. Aray!" -Kats. Yan tuloy nabatukan pa ni Seth. Haha.

"Tengene ka tol! Mas nakakatakot mukha mo no!" -Seth.

"Psh. Basta ako gwapo." Sabat ni Lester na nakapoker face lang.

*Silence...*

*KROO. KROO.*

"AAHH! ARAY!"

*PAK!*

*BOOG!*

*BAM!*

Binatukan nila si Lester sabay-sabay. Kawawang tao. Wala na ngang laman yung ulo, nabatukan pa. Hahaha. Biro lang :D

"Mga gago kayo. Umuwi na nga kayo! Hahaha." Natatawa na lang ako sa kanila eh.

"Haha. Sige pre. Goodluck na lang sayo." -Seth.

Pero bago pa sila umalis binatukan muna nila ulit si Lester sabay takbo ng mabilis.

"HOY! NAKAKARAMI NA KAYO AH. BUMALIK KAYO DITO. HOY!" Sigaw ni Lester sabay habol dun sa 3 kumag. Hahaha.

Pagka alis nila tsaka ako lumapit dun kay ate tindera. Hahaha.

"Hi." Bati ko sa kanya with my killer smile.

"He-Hello DJ." Sabi naman niya na halatang kinikilig na. Grabe talaga charms ko oh. Haha :D

"Pwede favor?" Tanong ko at hinawakan ang kamay niya. Ang gaspang ah. Haha. Biro lang.

"A-Ano yun?"

"Bigay mo naman sakin yung number nung nagpaload kanina oh." Sabi ko sa kanya with matching puppy eyes.

"Ah. Yu-yun lang ba? Eto oh." Tas inabot niya sakin yung pinagsusulatan ng number kapag magpapaload ka. Basta yun. Di ko alam tawag eh.

Kinuha ko na agad yung number at binalik dun sa tindera yung papel.

"Thankyou ah." Sabi ko at hinalikan yung kamay niya. Halatang kinikilig na yung nagtitinda. Pulang pula na yung mukha niya eh. Haha.

Bago pa siya magsalita ulit umalis na ako at umuwi ng may malaking ngiti. Haha. Ang baduy talaga. XD

Pagkauwi ko kumain muna ako at naligo. Nagcomputer muna saglit at nahiga na sa kama.

Pero bago pa ko makatulog. Nagtext muna ko.

To: Soon-to-be-gf :)

Goodnight Ms. Beautiful :* :)

SEND!

Pagkasend ko nung message natulog na ko. It's gonna be a long day tomorrow. Weekend na at marami akong kailangang gawin at ayusin. :)

--------------

Kath's POV

Nagising ako dahil sa liwanag sa bintana ko.

Tumingin ako sa bedside table ko. 9:30 na pala. Tinanghali na pala ako ng gising. Okay lang, wala namang pasok ngayon.

Hindi muna ako bumangon. Tinatamad pa ko. Haha ^.^

Chineck ko muna yung phone ko. 15 messages. Mga GM lang galing sa barkada at classmates ko. Pero may isang message ang naka-agaw ng pansin ko. Isang unregistered number.

From: 0917*******

Goodnight Ms. Beautiful :* :)

Okay. Sino to? -.-

---------------

BE A FAN PO.

COMMENT AND VOTE ALSO. :)

-DN.

Just Like My... Bestfriend. (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon