SU 4: The Tree

3.1K 97 2
                                    

Maine's POV

Sinundan ko si Cherry papunta sa lagi niyang pinupuntahan kapag malungkot siya. Ayun, nakita ko na nga siya. Nakaupo siya sa ugat ng isang napakalaking puno.

Nakaukit sa puno na yun ang pangalan nilang dalawa ni Angelo.

Cherry + Angelo = CheLo

Always, Forever.

Narinig ko ang mga hikbi ni Cherry. Lalapitan ko ba siya? Hays, bahala na. Kakapalan ko nalang ang pagmumukha ko.

"Cherry..." tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya sa 'kin at nakita ko na ang mukha niya. Umiiyak nga siya. "Ayos ka lang ba?" tanong ko. Mas malala pa ata ang naging epekto ng break-up na yun kay Cherry kesa sa 'kin. Ako kasi, after 5 months dun na ako nakamove-on kay Niel.

"Oo, ayos lang ako Maine. Sorry ah kung pinag-alala pa kita." sabi niya at pinunasan ang luha niya.

"Okay lang, sorry din sa nasabi ni Patricia kanina." sabi ko naman at hinagod ang likod niya.

Yumuko siya at kinusot ang mga mata niya. "Wala namang alam si Patricia sa mga nangyayari kaya ayos lang.." aniya at ngumiti ng pilit.

Tumingin siya sa likuran ko at nanlaki ang mata. I know she's looking for Patricia.

"Cherry, 'di ko na sinama si Patricia. Kasi naman—" 'di ko na natuloy nang sumabat si Cherry.

"That's not what I mean." sabi niya. Napakunot-noo ako at napalingon ako sa likuran ko.

Parehong nanlalaki ngayon ang mga mata namin ni Cherry. Kahit ako ay nagulat sa nakikita ko ngayon, si Angelo. Naglalakad siya at mukhang papunta rin siya sa puno kaya kumilos agad kami ni Cherry.

"Anong gagawin na 'tin?" pagpa-panic na tanong ko.

"Kaya kong mag teleport, dali!" hinawakan niya yung kamay ko at nagteleport kami. Napunta kami sa isang madilim na lugar kung saan makikita at madidinig pa rin namin si Angelo.

Papalapit na sa puno si Angelo nang biglang nagsalita si Cherry. "Ano kayang gagawin niya diyan?" bulong niyang tanong.

"Miss na miss na kita. Kung ikaw lang ang puno na 'to, ako na ata ang pinaka-swerteng lalaki sa mundo. Kasi hindi mo 'ko iniiwan, naka-steady ka pa rin diyan. Kaya lang, iniwan mo na ako. Hinihintay ko na sana magtagpo tayo sa mismong lugar na ito." nakayuko at parang umiiyak si Angelo. Naririnig ko kasi yung hikbi niya. "Sana sa pagkakataon na yun, nakapagmove-on na ako sa 'yo. Para kapag nalaman kong may iba ka na, hindi na masyadong masakit. I wish you all the best Che." umiiyak nga siya.

Nakayuko kasi siya kaya kita ko kung paano magsituluan ang mga luha niya. "Sana kahit hindi na tayo. We're always be pair in your heart. Sana buo pa rin sa puso mo ang CheLo." sabi niya. Nakarinig ako ng hikbi sa likuran ko kaya tinignan ko si Cherry. Tumutulo na yung mga luha niya.

"Cherry, kung gusto mo siyang puntahan. Just go." sabi ko sa kanya sabay ngiti. She smiled back. Kaya ang ginawa niya, nag-teleport siya mag-isa at pumunta sa pwesto ni Angelo.

Cherry's POV

Nag-teleport ako para madaling makapunta kay Angelo. Nasa harap niya na ako ngayon pero hindi niya ako nakikita kasi nakayuko siya. Ang bobo talaga nito kahit kalian. Bobo pero mahal ko.

"Angelo..." tawag ko sa kanya. Parang natigilan siya sa pag iyak at tumingala. Ngayon nakikita ko na kung paano bumagsak ang mga luha niya.

"Che..." nakangiti niyang tawag sa 'kin.

Tumawa ako, "Para kang tanga diyan. Umiiyak ka sabay ngiti?" kahit na naiiyak na naman ako, pinigilan ko lang.

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya niyakap ko rin siya pabalik.

"I love you Che. I love you, I love you, I love you. Miss na miss na kita." sabi niya habang hinahalikan ang pisngi ko. Kumalas na ako para makapag-usap kami ng maayos.

"Angelo, I'm sorry." tumulo na ng tuluyan ang luha ko. 'Di ko na kayang pigilan. "I'm sorry kung nakipag-break ako. Sorry kung hindi kita binigyan ng chance para makapag-explain. Sorry kung hanggang ngayon, mahal pa rin kita." napakunot noo naman siya dun.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Sorry, I don't deserve you Angelo. I'm not the right woman for you. Nasaktan na kita. Ayokong masaktan ka ulit." sabi ko. Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan.

"Che, kung masasaktan man ako edi masaktan. Bahagi ng pagmamahal yun Cherry." sabi niya. "Pero kung 'yan ang gusto mo, nirerespeto ko." sabi niya at akmang tatalikod na ng bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa rin ako bumibitaw. Parang ayaw ko ng bitawan si Angelo. Alam ko na hindi ako deserving para sa kanya. Kaya lang, mahal na mahal ko siya.

"Angelo, ayoko! Ayaw kong malayo ka sa 'kin. Ayaw kong may kasama kang iba." naiiyak kong sambit.

Kumalas si Angelo sa yakap ko. Pinunasan niya yung mga luha ko. "So tayo ulit?" tanong niya. Nakangiti na ulit siya. Hindi ko na siya nakitang ngumiti ulit pagkatapos naming magbreak.

Napangiti ako sa tanong niya. "Loko ka talaga pero, sige." sagot ko naman. Niyakap niya ulit kaya sabi ko "We're always be Pares."

Maine's POV

Ang drama talaga ng dalawang 'to. Kung ano-anong sinasabi. Pinapahirapan lang talaga nila ang mga sarili nila. Bumalik nalang ulit ako sa Hidden Garden at nakita kong may kausap na lalaki si Patricia kaya lumapit ako.

"Patricia!" tawag ko sa kanya. Agad naman siyang napalingon.

"Uy, nakakainis kayo ni Cherry ah. Iniwan niyo 'ko mag-isa. Buti nalang at tinulungan niya ako." sabi niya sabay turo sa lalaking kaharap niya. "Ay, Maine siya nga pala si Axel. Axel, this is Maine." dagdag niya at nagshake-hands kaming dalawa.

"Hi, nice meeting you." aniya. Nginitian ko lang siya. "So, mauna na ako sa inyo ah." nakangiting sabi niya kaya tumango kami ni Patricia.

Nang makaalis na yung Axel, tinanong ko agad si Patricia. "Hoy, ikaw'ng babae ka. Bakit ba nakikipag-usap ka sa kahit na sino ha?" inis na tanong ko.

"Bakit? He's so nice nga eh. Kaya anong problema dun?" tanong niya. Tsk! Pinagtanggol pa talaga.

"Di ka dapat nakikipag usap sa kahit na sino. Papaano kung kalaban pala na 'tin yun?" sabi ko.

"Kalaban?" nakakunot-noo niyang tanong.

"Nevermind." sabi ko at umalis nalang dun sa Hidden Garden. Papunta palang ako ng Dorm nang makita ko si Niel na may kasamang babae.

"Babe, ano ba. Baka may makakita sa 'tin." sabi nung babae. Dinig na dinig ko yung usapan nila mula sa pwesto ko.

"Wala yan. Tayo lang naman ang nandito eh." sabi ni Niel. Natigilan ako sa narinig ko. Bakit ganito? Bakit parang kinabahan ako? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bakit ganito?

"Babe naman eh. Mamayang gabi na kasi." malanding sabi ng babae.

"Sige na nga." sabi ni Niel. Narinig ko ang mga footsteps nila kaya nagtago ako. Nakita ko silang naglalakad at naka-akbay si Niel sa babae. Iba na nga talaga ang mahal niya.

"Hays." bulong ko sa sarili ko. "Balang araw, mahahanap ko rin yung taong magpapaligaya sa 'kin. Yung mamahalin ko at mamahalin ako." sabi ko sa sarili ko. May kaunting luha ang tumulo sa mata ko kaya pinunasan ko lang 'yon. 

______________________

A/N: Guys! Eto na update ko. Sorry kung natagalan. Nag SSG kasi ako kaya busy ako. Sorry to keep you waiting. Lol xDD. BTW, thanks sa mga naghintay kung meron man. Sorry sa mga lumisan na at nawalan na ng pag asa Hihihi.

-Morenarenaaa  

Secret UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon