SU 6: Mysterious Woman

3K 97 8
                                    

A/N: At dahil may nag PM kay Author. Nainspired ulit ako. Plus may nag comment pa. May two updates ako ngayon araw. Enjoy! Dedicated po sa kanya kasi natawa ako ng bongga sa MHIAMB :) Ganda po, as in.

________________________

Patricia's POV

Matapos ang nangyari kahapon, hindi ako mapakali. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nagkapeklat pa ako kahapon sa kakagalaw ko nung kinukuryente pa kami. Tsk!

Bakit nga ba papatayin ng mahal na reyna ang batang yun? Bakit kailangan pa nilang magtago? Bakit kailangan pang idamay ang bata? May kasalanan ba sila? Hays. Kailangan ko na talagang itanong 'to kay Master para malinawan na ako.

Kaya nandito ako ngayon sa harapan ng opisina ni Master. Kumatok muna ako at iniluwa naman ng malaking pinto yung smurf na color pink.

"Anong kailangan mo?" tanong niya sa 'kin. Ang cute talaga eh!

"Nandyan ba si Master?" tanong ko pabalik.

"Oo, sandali lang ah." sabi niya at pumasok sa opisina ni Master.

Maya-maya pa ay dumating na yung smurf. Buti na nga lang at hindi ako nangawit kahihintay.

"Pwede ka ng pumasok." sabi niya at binuksan niya ang malaking pinto. Nilibot ko ang tingin ko at ang laki talaga ng lugar na 'to. Napapalibutan pa ito ng mga libro.

"Anong kailangan mo hija?" tinignan ko si Master na nakaupo sa isang sopa. Lumapit ako sa kanya at bigla akong nakaramdam ng hiya dahil mukhang naistorbo ko pa siya.

"May kailangan lang po akong itanong sa inyo." sabi ko. Tinignan niya yung smurf at pinaalis muna upang iwan kami ni Master.

"Ano yun?" seryosong tanong niya.

"Alam ko pong may asawa't anak kayo." nanlaki yung mata niya. "Sabi mo, papatayin ng Reyna ang anak niyo." nanlaki lalo yung mata niya sa gulat at napalingon-lingon sa paligid.

"Paano mo nalaman ang mga bagay na yan?" bulong na tanong niya sa 'kin.

"Kahapon po kasi, may kung anong kuryente na dumaloy sa katawan namin. Tapos biglang sumagi sa isip ko ang pangyayaring yun." paliwanag ko naman at napakamot sa ulo.

"Pwede mo bang ikwento sa 'kin ang iyong nakitang pangyayari?" tumango ako at nagsimula ng mag-kwento.

Nang dahil sa kinwento ko, hindi siya makapaniwala. Biglang natahimik si Master pero maya-maya ay nagsalita na din siya.

"Nanganganib na ang buhay ng anak ko nun kaya kailangan namin siyang itago. Nalaman kasi ng Mahal na Reyna na may anak kami. Kaya sinubukan niya itong kunin at patayin pero hindi ko hinayaang mangyari yun. May kakilala ang asawa ko sa bayan kaya ibinilin niya muna sa kanila ang anak namin." kwento ni Master at napayuko siya.

"Pagkatapos po?" pang-uusisa ko.

"Nang umalis ang Mahal na Reyna, umalis din ako upang—" di natuloy ni Master ang sasabihin nang may bigla kaming narinig sa labas na mga sigaw. Nagkatinginan kami ni Master at lumabas agad sa opisina.

Nang makalabas na kami, nanlaki ang mata ko sa nakita. Kinurkuryente din yung ibang estudyante. Katulad ng nangyari sa 'min kahapon.

"Pinutol nila." rinig kong sabi ni Master kaya napatingin ako sa kanya. And I asked him "Ang alin po?" tanong ko sa kanya.

"Ang Treasure na iniingatan ng mga sidekick." sagot niya. Hindi naman nabanggit nina Cherry at Maine na may treasure pala kaming dapat bantayan at alagaan. "Tara dito lang tayo!" nakita ko si Master na papasok ulit sa opisina niya kaya sumunod ako.

Secret UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon