Two-Timer

20 2 0
                                    

Clea's POV

Mamatay ka na sana Chuck! I hate you, I hate you, I hate youu!! Kung nasan ka man ngayon sana madisgrasya ka! Sana salpukin ka ng malaking truck at pagkatapos tumilapon ka sa malayo na kalas-kalas ang mga buto mo! Magiging masaya ako at parang nakaganti na rin sa panlolokong ginawa mo.

Yan ang madalas kong sabihin kapag naaalala ko ang ginawang panloloko ni chuck sa akin.

-

I will never forget how Chuck courted me. Third year highschool kami noon. Nakipagkaibigan muna sa akin ang transferee na ito sa akin. Magkaibang section kasi kami. Binubuntot-buntutan nya ko before flag ceremony. Kukwentuhan ng tungkol sa sarili nya. Kapag recess time, hindi rin sya nahihiyang lumapit sa amin ng best friends ko at mag-o-offer ng kung ano-anong food para sa akin. Pero dahil malakas mangantiyaw ang mga friends ko, pati sila tini-treat tuloy nya ng snacks. Kapag naman uwian, nakasunod rin sya sakin hanggang sa isang araw pumayag na rin akong magpahatid sa kanya sa bahay. Isang araw nagpropose sya sakin at after a couple of weeks sinagot ko na sya.

Tulad ng ibang mag-partner, sweet kami sa umpisa. Pero after a month, biglang nagbago si Chuck sa akin. Halos mag-uumisa na ang flag ceremony kapag dumadating sya sa school.

"Ayaw nya akong makasama sa vacant time before mag flag ceremony." Nagtatampong sabi ko kay Aya, isa sa mga bestfriends ko.

"No. Hindi naman siguro ganun. Ikaw nga wag kang masyadong sensi."

At kapag malapit ng magbell for next subject saka lang sya lilitaw at magtatanong kung kumain na ba ako. Nakakainis. Parang gusto ko na syang paliguan ng isang boteng malamig na softdrinks.

"Don't." Sabi naman ni Mabell, isa rin sa mga bestfriends ko.

"Hindi ba love mo sya? Intindihin mo okay?"

Yup. Love na love ko talaga si Chuck. Siya na yata ang first puppy love ko. Intindihin? Okay sige. Iintindihin ko sya tulad nga ng sabi ni Mabell.

Kapag uwian na, nauuna na ko magpaalam sa kanya.

"Hey. Wag ka muna umuwi. Ihahatid kita sa inyo." Madalas sabihin ni Chuck pag nagpapaalam na ko.

"Pero mamaya pa yun, magbabasketball pa kami ng barkada ko. Mga... Uhm... Two hours lang naman eh. Maghintay ka pwede?"

"Hindi pwede. Ang dami ko kayang assignments." Inis na sabi ko.

"Edi sige, mauna kana!" na para bang pinagtutulakan pa nya akong umuwi.

Kapag nagiisa ako sa bahay, (dahil gabi na nagsisiuwi ang ate at kuya kong college students, at ang parents kong may small bussiness sa palengke), napapaluha ako kapag naiisip ko kung bakit nagbabago na si Chuck sa akin. What could be the reason?

"Nako. Sa tingin ko, may iba na si Chuck, Clea." sabi ni Arianne, isa rin sa mga bestfriend ko.

Kinabahan at nakatakot ako sa sinabi niya. "P-pano mo nalaman?"

"Ano ka ba, eh ganyan din ang nangyari samin ni Edwin noon noh. Nagbago sya sakin ayun pala may ibang girl na."

Nilingon ko sina Mabell at Aya. "Agree ba kayo sa sinabi ni Arianne?" Hindi agad nakasagot ang dalawa. Kasi alam kong bilib na bilib sila kay Chuck.

"Sige, ganito nalang ang gagawin natin Clea, huhulihin natin si Chuck. Aalamin natin kung ano-ano ang pinag gagagawa nya. Kung bakit bigla bigla na lang sya nawawala. Kung bakit naging ugali na nyang magbasketball kahit uwian na."

Gusto ko ang idea ni Arianne, at dapat akong makinig sa sinasabi nya dahil may experience na siya sa panloloko ng isang guy.


Kami lang nina Aya at Mabell ang ang kumain sa canteen. Si Arianne wala. Bago magbell, dumating si Arianne. Mukhang galit na galit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon