Chapter 1

16 1 0
                                    

Daniel's POV

"Maaaaaaaaaaaa! Late na ako! Wala pa akong almusal at saka wala pa akong baon ano ba!" Hay nako. Napaka batugan talaga ng nanay ko. Oo, nanay ko ang late magising. Ibang story ito, hindi ito yung typical na story na laging late ang bida sa umpisa. Iba 'to oy.

Parang nagulantang naman ang nanay ko at napabangon siya agad.

"Saan ang sunog anak?" Gagi. Laughtrip! Kung makita niyo lang ang nanay ko, muntanga! Kala mo may reresbakan eh.

"Hayop ka anak! Akala ko kung ano na!" Sabay hampas sa aking braso.

"Aray ma! Wala pa po akong almusal." Pagmamaktol ko.

"Bakit hindi ka magpaluto sa katulong natin?" Sabi pa niya, with crossed arms.

"Baliw mama! Wala tayong katulong!" Laughtrip shet.

"Ay sabi ko nga! Hahahaha o siya, maligo ka na at magluluto na ako." Sabi ni Mama at saka nilisan ang kwarto nito.

Ka-vibes ko talaga ang nanay ko. Feeling teenager eh. Batang ina kasi iyang nanay ko. 18 lang siya nung ipagbuntis niya ang kuya ko. Nang dahil doon, hindi niya nasulit ang teenage life niya kaya ngayon niya ito sinusulit. Single mom iyan si Mama. Hindi ko alam, simula nung bata pa ako, hindi ko na nakita pa ang tatay ko. Well masaya naman ako kay Mama.

"Yaaaah! Good Morning baby!" Binuhat ako ni kuya. Isa pa po itong kuya ko na sobrang sweet sa akin. Tinatawag pa akong baby. Mahal ko din itong kuya kong ito. Karamay ko parati yan sa hirap at ginhawa.

"Kuya ko, malaki na ako! 16 na nga ako eh! Ayoko na ng baby!" Pagmamaktol ko.

"You will always be my baby!" Sabi pa niya. Kulit din nito eh! Tapos binaba na niya ako. College na iyan si kuya, Civil Engineering ang kinukuha. Gagraduate na siya this year eh. Ako naman 4th year high school na. At gagraduate na din.

Isa pa sa dahilan kung bakit mahal na mahal ko ang mga ito ay dahil sa tanggap nila ako. Opo, may pusong babae po ako. Pero hindi yung typical na bakla na nagco-cross dress. Ayoko nun. Ewan ko ba bakit ako naging ganito.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa caninet at saka kukunin ang tuwalya nang may nasagi akong bagay na nahulog sa sahig. Pinulot ko naman ito.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon, alam ko na bakit ako naging ganito, naging bakla. Dahil sa kaniya. Si Kevin. Childhood Best Friend ko. Siya. Siya ang dahilan kung bakit nalilito ako ngayon sa kasarian ko. Dati kalaro lang ang tingin ko sa kaniya, hindi ko alam na mag-iiba ang tingin ko sa kaniya. Ang harot no? Ang bata ko pa lang nun pero marunong na akong lumandi. Umamin nga ako sa kaniya actually eh. Laking tuwa ko ng sabihin niyang ganun din daw ang nararamdaman niya sa akin. Pero hindi ko akalaing dadating ang araw na hindi ko inaasahan.

*Flashback*

"Kevin! Tara na umalis na tayo! Pabayaan mo na siya! Hindi pwedeng magsama ang dalawang lalaki. Hindi kayo pwedeng magmahalan! Ang bata niyo pa, may alam na kayong ganiyan! Nalilito ka lang Kevin, kaya dadalhin ka namin sa America! Tara na!" Sabi ng mama ni Kevin. Nandito ako ngayon sa bahay nila at nasasaksihan ang sapilitan nilang pag-alis. Hindi ko mapigilan ang maiyak. Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko.

Tinignan ako ni Kevin sandali. At may sinabi pa siya bago siya pinilit na buhatin sa loob ng sasakyan.

"Babalik ako, promise!" At sinarado na ang pinto ng kotse nila.

Nagsimula nang umandar ang kotse nila. Nagsisimula na ding mawala ang sasakyan nila sa aking paningin, pero ang mga luha ko, tuloy tuloy pa rin. Wala. Wala na. Wala na ang kaibigan ko. Wala na siya.

*end of Flashback*

That was 8 years ago. Sa 8 years na yun, hindi ko pa rin siya magawang kalimutan. Hanggang ngayon, hindi maipagkakaila na umaasa pa rin ako sa pangako niya. Na babalikan niya ako.

Pumasok na ako sa C.R. Niligo ko na lang ang kalungkutan ko. Sa totoo lang, miss na miss ko na siya. Kailan kaya babalik ang Ken ko?

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng uniform. Kinuha ang ID at isinukbit sa leeg ko. Ayan very presentable na akong tignan.

"Baby, kain na!" Sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko.

"Oo kuya, bababa na ako!" Sigaw ko.

Kinuha ko na ang bag ko at bago ako lumabas, tinignan ko ulit ang picture naming dalawa ni Ken.

"Sana, bumalik ka na." Bulong ko at saka tumakbo pababa.

Nakita ko sina Mama at kuya na nakaupo na sa harap ng lamesa. Nakabihis na din si kuya ng uniform niya.

Umupo na ako sa tabi ni kuya na nasa harap ni Mama.

"Saglit nga, sinong kukuha ng tubig. Wala pa pala tayong tubig dito sa lamesa." Sabi ni mama.

Nagtinginan kami ni Kuya. Dahil parehas kaming tamad, wala sa amin ang gustong kumuha ng tubig.

"Ganito na lang, bato bato pick tayo! Ang matalo siya ang kukuha." Sabi ni kuya.

"Isa lang ha!" Pagsangayon ko.

Pinwesto na namin ang mga kamay namin.

"Bato bato pick!" Sabay naming sabi.

Kuya-gunting
Ako-bato

"Whahahahaha! Ikaw kukuha kuya!" Asar ko sa kaniya.

"Ang daya mo eh!" Sabay kiliti na sa akin.

"Kuuuuuuuyyyaaaa, ayoko n--- hahahahahaha!"

"Tama na iyan, kumuha ka na dun Simon." Sabi ni mama.

Umalis na si Kuya. Ako naman nagsimula nang kumuha ng pagkain.

Pagkatapos kumain, ayun busog na busog. Parang ang bigat ng tiyan ko.

"Tara na baby. Ihahatid pa kita sa school mo." Kinuha na ni kuya ang bag niya at yung dalawang helmet.

Tumayo na ako at kinuha ko na din ang bag ko sabay labas ng pinto.

Nakita ko namang inayos na ni Kuya ang motor niya.

"MAAAA! ALIS NA PO KAMI!" sigaw ko.

"SIGE! INGAT MGA ANAK!" sigaw din ni mama.

Sumakay na ako sa motor. Yumakap sa bewang ni Kuya and

"Waaaaaaaah! Kuya! Dahan dahan lang! Madidisgrasya tayo eh!" Sigaw ko kay kuya. Pano ba naman, pinaharurot. Hayp na yan.

"Hahahahahaha!" Tawa pa niya. Suntukin ko ito eh!

After 10 minutes na paghihirap sa motor, nakarating na kami sa school ko. Bumaba na ako at binigay sa kaniya ang helmet ko.

"Bye baby!"

"Bye kuya! Ingat!" Sabi ko at saka naglakad na papasok sa gate.

*krrrrriiiiiiiiinnnnnnnnnng*

Oh shet! Late na ako! Nag-bell ba eh! Kailangan ko nang maging cheetah! Sinimulan ko na ang pagtakbo.

Habang tumatakbo ako, hindi ko namalayan ang isang lalaki kaya nabunggo ko ito dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"Ouch!" Daing ko. Shet nauna ang pwet ko dun ah. Ang sakit gagi!

Tinignan ko ng masama ang lalaking bumunggo sa akin. Pero oras na makita ko kung sino ang nabunggo ko naging malumanay ang itsura ko at any minute from now, tutulo na ang luha ko.

"K-ken?"

********************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon