"Hmmm-mmm🎶" Huni ng aking ina habang hawi-hawi nito ang aking buhokIto ang pinaka paboritong ginagawa saakin ni Nana. Napakaganda ng boses niya. Napaka-kalmado at parang may kung anong pampatulog ang mga himig nito.
Patuloy pa rin sa pag huni ang aking ina
"Nana may tanong po ako?" Napahinto ang aking ina
"Ano iyon?" Ngiting tanong naman niya "May bumabagabag ba sa iyo?" Patuloy ni nana saakin
"Uhmm...totoo po ba ang multo?"
Natawa ng kaunti ang aking ina.
"Bakit mo ba naitanong ito?"
"Kagabi po kasi may nakita akong babaeng lumulutang doon po sa labas ng aking bintana" turo ko sa bintana na nasa harap ko
Nawala ang mga ngiti ng akin ina at matagal na tumitig ito sa bintana
"Wala naman eh" tawang sabi niya "Baka guni-guni mo lang iyon anak" sabi nito
"Baka nga rin po. Pero Nana natatakot po ako" pag-aalalang sabi ko sakanya
Hinawi uli ng aking ina ang buhok ko
"Matulog ko na at hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo Sally"
Unti-unti na ring pumupungay ang aking mata dahil na rin sa antok. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko at simula ng lumalim ang aking pagtulog.
.
.
.
.
03:01 am
Naalimpungatan ako sa aking hinihigaan. Agad agad kong hinanap si Nana sa aking tabi.
Wala siya.
Inilibot ko ang aking paningin at di ko matanaw si Nana. Iniwan niya na ako mag-isa. Baka siguro bumalik na rin ito sa kanyang silid.
Babalik na sana ako at magsisimulang matulog na uli nang makita ko ang babaeng ikinwento ko kay Nana kanina bago ako matulog. Nasa labas nanaman ito ng bintana. Kitang-kita mo ang silweta at hugis nito.
Napaatras ako sa aking higaan. Nakaramdam na rin ako ng takot.
Inilapad nito ang kanyang dalawang kamay na tatangkaing buksan ang bintana ngunit naka lock ito kaya kumatok na lamang ito sa aking bintana.
"Anak buksan mo ito" sabi nito
Napahinto ako sandali. Tama si Nana hindi totoo ang multo. Pero bakit niya ako tinatawag na anak?
"Sally, sumama ka na saakin. Lumayo na tayo dito anak" sabi nito
Nawala ang takot na nararamdaman ko at napalitan ito ng mga ibat-ibanh katanungan.
Tumayo na ako sa aking hinihigaan at agad na lumapit sa bintana para buksan ito
Binuksan ko na ang bintana at tumapat saakin ang isang maamo at magandang babae. May kaedaran na rin ito. Naluluha sa saya nang makita ako at akmang yayakapin ako.
Sa gulat ko ay bigla ko siyang naitulak. Aksidenteng nawala sa balanse ang babae at nahulog ito sa ikalawang palapag. Napatingin na lamang ako sa bintana at tanaw na tanaw ang pagkabagsak niya
"S-Sally..." Huling salita bago ito nawalan ng buhay
Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto sa likura ko
"Sally!!" Sigaw na nanggaling sa likuran ko
Napalingon ako sa aking tinatayuan ng makita ko si Nana
"N-Nana!" Tumulo na ang aking luha
Agad ako niyakap ni Nana "Shhh..Tahan na anak"
"Yung babae po natul-" hindi ko na naituloy
"Ang nakita mo ay isang multo anak" agad na sabi nito
"Pero sabi niyo po hindi po totoo ang multo?" Tanong ko
"Minsan anak kailangan ko magsinungaling para sa kapakanan mo at para hindi ka na matakot" pagpapaliwanag nito "Matulog ka na ulit, pangako hinding-hindi na kita iiwan" pagpapatuloy nito.
--Next chapter
BINABASA MO ANG
Clementine
Mystery / Thrillersally an innocent girl who lived in a prestigious family however, there is something mysterious about her parents, and clem do not have any idea about that. Simula nang mawala siya sakanila little by little she already discover her family secret.