Chapter 14

3K 85 8
                                    

Ilang minuto na nag daan ng mag simula si karylle mag work out kasama naman niya si Vhong, si Katrice naman ay nasa front desk kasama ang isang staff na si Maine.

"May gusto ba Tito vhong mo sa mommy mo?" Tanong naman nito. Hindi naman maiwasan na makita ni katrice ang ginagawa ng tito Vhong niya sa mommy niya.

Kasalakuyan, Pinupunasan ni Vhong ang pawis ni Karylle sa noo napangiti naman si Karylle sa pagiging maalaga ng kaibigan pero para sa kanya naman ay wala lang ito.

"Mommy, Where's daddy?" Nakapamewang na sabi ng kanyang anak, na hindi man lang niya namalayan na nakalapit na pala ito. lumapit naman si K para bigyan ng isang kiss ang anak.

"Pupunta daw siya kay tito billy mo diba"

"I miss him, Do you miss him?" Pagtatanong ng kanyang anak sakanya sa totoo lang ay hindi naman niya alam ang isasagot niya pero sa part niya nagsasabing Oo dahil nasanay siya na nasa paligid niya si Vice.

"O-of C-course naman" Utal na sabi ni Karylle

"Yehey!!!!!" Natuwa naman si katrice sa sinabi ng kanyang ina kaya bigla niya itong niyakap, Sa pag yakap niya sa ina tumingin siya kay Vhong at Bineletan ito na parang nang aasar. Nagulat naman si Vhong sa ginawa ng bata.

"Talaga miss mo ko?" Sabi ni Vice. naka adidas na sando, Basketball short at naka sport shoes naman ang suot ni Vice makikita mo talaga sa kanya ang taglay na kgwapuhan marami namang babae na napatingin sa mga oras na yun kay Vice yung iba naman ay kinikilig pa.

Asungot bulong ni Vhong pero sapat na para marinig ni Vice. Napangiti naman ng nakakaloko si Vice sa narinig niya from vhong magsasalita na sana siya ng magsalita si Billy.

"Hi, Karylle it's nice to see you" Lumapit naman si Billy kay karylle para ibeso ito.

"Si Anne nga pala?"

"Ah, Pumunta siya ng Australia for emergency meeting ng mga investors Hindi na siya nakapag paalam kasi nagmamadali narin siya" Sabi ni billy "So tara na brad, sarap na mag exercise oh dami pang girls!" Isang makapang lolokong ngiti naman ni Billy kay Vice.

"Sige, Papakainin ko muna si Katrice susunod ako, Hmm Vhong sama ka muna kala Vice"

Nang umalis na si Karylle naiwan naman si Vice at Vhong. Tinitigan naman ni Vice si Vhong na tila sinasabi niya Subukan-mo-lang look. Napangiti nalang si Vhong at nilampasan si Vice pero hindi pa nakakalayo si Vhong ng magsalita si Vice

"Duminstansya ka Vhong" maAwtoridad na sabi ni Vice.

Lumapit naman si Vhong kay Vice "Bakit naman ako mag didistansya? Unang una sa lahat Vice pinakawalan mo si Karylle Pangalawa anim na taon ako nag paubaya tapos mababalitaan ko nagpakasarap ka lang sa buhay? Canada lang hindi mo mahanap? at pangatlo...." Lumapit maigi si Vhong kay Vice na parang nanghahamon

"Bakit naman ako didistansya? tandaan mo hindi mo pag mamay-ari si karylle, may anak lang kayo pero hindi ka niya mahal Vice" Tumalikod na muli si Vhong para puntahan si Karylle pero huminto siya para magsalita muli "It was a big mistake na nag paraya ako noon sayo Vice, Anim na taon ko sinayang ang pagkakataon na sana mas naiparamdam ko kay karylle na mahal ko siya" At patuloy na ito naglakad.

Ilang minutong lumipas tulala parin si Vice napansin naman nito ni billy kaya nagpasya ito kausapin dahil nararamdaman may pinagdadaanan ang kaibigan.

"Bestie, Okay ka lang ba?" Sa pag tatanong palang yun ni billy, Hindi na napigilan ni Vice na mapaluha, Naiinis kasi siya sa sarili niya

"Kulang nalang halug hugin ko ang buong mundo para makita sila, Siguro totoo nga sinabi ni Vhong bestie, Hindi ako mahal ni Karylle at hinding hindi ako mamahalin ni Karylle, Eh ano ba naman ako? isa lamang make up artist! isang bakla! at isang duwag" Patuloy lang ang pag iyak ni Vice sa mga oras na yun. Nasasaktan siya dahil sa ginawa niya kay karylle date, Ang tanga niya dahil tumigil siya sa pag hahanap, Ang tanga niya dahil hindi niya masabi sabi kay karylle ang nararamdaman niya.

The Beauty and The Beks (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon