"Babe! Punta tayong mall since wala na naman tayong pasok ngayong hapon eh" pagyaya ng girlfriend ko.
Sino ba namang makakatanggi? Mahal ko 'to eh.
"Sure, whatever you want babe" pagpayag ko. Lumiwanag ang mukha niya at niyakap niya ako dahil sa tuwa.
Kahit simpleng skinship lang niya, nagwawala na ang sistema ko. Ibang klase talaga tong babaeng to.
Naglakad kami palabas ng building at papunta na kaming parking lot. Pero sa gitna ng paglalakad ay may biglang nagkumpulang estudyante at that means, it's hard to go out.
"Ano na naman ba ang meron?" Inis ng sabi ng girlfriend ko. Ang cute talaga nito kahit anong gawin niya.
"Baka may nag-away lang. Pero wag kang mag-alala lalampasan natin yan. Kagaya ng paglampas natin sa lahat ng pagsubok ng buhay" pagsigurado ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami palabas ng building. Nasa may garden na kami konti nalang ang lalakarin at sa parking lot na kami.
"Sayang talaga noh? Bagay na bagay na sana sina Drei at Aries naghiwalay pa sila" dinig kong bulong nung babae sa may gilid.
"Oo nga eh, pero okay narin yun. Hindi naman siya kawalan eh. Ang lalaking ginawa kalang rebound, laruan at higit sa lahat ay libangan ay hindi isang kawalan. At tsaka mas better kung ibamg lalaki ang magiging asawa niya. Wag lang siya!" galit na sabi ng babae.
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Total wala silang karapatang sabihan ako ng ganyan kasi una sa lahat wala silang alam kung ano ang totoo.
-
Medyo matagal-tagal na panahon narin ang lumipas simula nang naging akin ang babaeng matagal ko ng pinangarap. Ang sarap pakinggan noh? Pero hindi rin naging madali ang lahat.Noon nung naghiwalay kami ni Branzen hindi ko talaga nakaya yung sakit kaya pinaglaanan ko ng pansin ang mga babaeng nagkandarapa sa akin. Pinaglaruan ko sila para makalimot. Ngunit, wa epek ang lahat.
Pero sa lahat ng babaeng nakita ko may isa na ikadalawang bumihag sa aking puso. Tuwing sumasayaw siya, ang ganda niya tignan. Minsan astig siya, minsan mukhang anghel at minsan parang artista. Hindi ko kinaya kaya inilantad ko ang nararamdaman ko sa kanya.
Naging kami ng dalawang buwan. Ewan ko kung pano o bakit pero bigla ko nalang naramdaman na ayaw ko na sa kanya at hindi ko na siya mahal. Nang makita ko ang mukha ng girlfriend ko ngayon, naglaho lahat ng iyon nang makita ko kung gaano na karami ang humahanga sa kagandahan ni Branzen. Kaya nakipaghiwalay ako sa kanya. Alam kong nasaktan siya pero hindi ko inakala yun dahil umpisa palang alam kong playgirl rin siya. Pero mali ako, natamaan pala siya ni Eros (tropa ko yun 😉). Inaamin ko naconsencya ako pero hindi pwede, kailangan kong lumayo at abutin ang pangarap ko. Ang pangarap kong babae na gusto kong mapangasawa. Pero dahil hindi pa ako mahal ni Branzen noon ay naging ganito ang setup namin. Babalikan ko siya kapag binabaliwala ako ni Branzen pero hinihiwalayan kung nagiging okay kami. Ang sama ko noh? Tanggap ko yun at naawa ako sa kanya pero dahil nakikita ko ang sakit sa mga mata niya tuwing nakikita ko siya gusto ko siyang yakapin at sabihang andito lang ako. Pero hindi ko yun nagawa dahil baka mabugbog pa ako ng barkada niyang suklam na suklam na makita ako. Hindi ko naman sila masisisi eh, tanggap ko na may mali rin akong nagawa. For 2 years ganun ang nangyari. Pero nung last year niya nalang ay natigil ang setup. Alam na pala niya, simula palang nung bumalik ako sa kanya pero binaliwala niya dahil nga mahal niya ako. Pero hindi pwede eh, si Branzen ang mahal ko at hindi si Aries.
![](https://img.wattpad.com/cover/63556460-288-k618232.jpg)
YOU ARE READING
Blows of the Wind (One Shot)
Teen FictionJust read it. I won't put any description so you also won't know what would happen. I want you to be surprise.