Lupang Sinilangan: Saan na napunta?

89 3 4
                                    

Bakit ba naman ngayon maraming corrupt sa ating lupang Sinilangan?

Kaliwa’t kanan ang problema, hindi naman nasosolusyonan

Pumapasok sa pulitiko, puro na lang pangako

‘Wag naman kayong mangako, mauubusan na tayo ng pako :D

Kailangan bang maging mayaman para respetuhin ng mamamayan?

Sa’kin hindi, dignidad at katapatan lang ang kailangan

Kung may mag-seseribisyo sa ating bayan nang walang kapalit

Halika’t sasambahin kita, pupuriin hanggang langit!

Hindi lang ang may kapangyarihan ang gumagawa ng problema

Isama na diyan ang mga taong salot sa lipunan

Pasaway, pabigat, tambay na nga lang ginagawa

Simpleng pagkain ni hindi man lang tinuring na biyaya.

Ako’y Pilipinong nagmamatyag sa lipunan

Simpleng estudyanteng gustong maka INSPIRE sa taong bayan

Na gawin ang tulang ito, pero gusto kong malaman niyo

Ang ating LUPANG SINILANGAN sana’y maging maayos man lamang. :)

Lupang Sinilangan: Saan na napunta?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon