Bakit ba naman ngayon maraming “corrupt” sa ating lupang Sinilangan?
Kaliwa’t kanan ang problema, hindi naman nasosolusyonan
Pumapasok sa pulitiko, puro na lang pangako
‘Wag naman kayong mangako, mauubusan na tayo ng pako :D
Kailangan bang maging mayaman para respetuhin ng mamamayan?
Sa’kin hindi, dignidad at katapatan lang ang kailangan
Kung may mag-seseribisyo sa ating bayan nang walang kapalit
Halika’t sasambahin kita, pupuriin hanggang langit!
Hindi lang ang may kapangyarihan ang gumagawa ng problema
Isama na diyan ang mga taong salot sa lipunan
Pasaway, pabigat, tambay na nga lang ginagawa
Simpleng pagkain ni hindi man lang tinuring na biyaya.
Ako’y Pilipinong nagmamatyag sa lipunan
Simpleng estudyanteng gustong maka INSPIRE sa taong bayan
Na gawin ang tulang ito, pero gusto kong malaman niyo
Ang ating LUPANG SINILANGAN sana’y maging maayos man lamang. :)

BINABASA MO ANG
Lupang Sinilangan: Saan na napunta?
PoetryTungkol ito sa...mga taong pabigat sa lipunan at problema ng bayan ^^