Sanga

30 0 0
                                    

Close friends na tayo since first year high school. Naalala ko noon nagkatabi tayo kasi nagpalit ng seating arrangement sa klase. Nasa pinakalikod tayo. Naiinis ako dahil di yung crush ko ang katabi ko. Imbes na siya, ikaw pa. Inis na inis ako noon at sobrang gusto ko nang isigaw sa teacher natin na pwede bang katabi ko na lang ulit yung crush ko tutal mas matangkad naman siya sayo.

Naging magkaibigan tayo. Nagkapalitan tayo ng number at nagkatext. Naalala ko nung unang pagkakataon na nagkatext tayo, di ko alam kung bakit pero ang saya ko. Kinabukasan pagdating sa klase, bigla na lang akong nahiyang humarap sayo dahil lang nagkatext na tayo. Kaya naman nung dumating ka umalis agad ako sa upuan ko.

Madalas na tayong nagkakatext hanggang sa pati problema mo sa pagibig, alam ko na. Lahat na ng babaeng sinuyo mo, kilala ko. Lahat ng problema mo tungkol sa kanila, sakin ka humihingi ng payo.Sabi ko sa sarili ko, ayos lang kasi gusto kitang matulungan. Di ko namalayan may nagbago na pala. May nagbago na sakin.Sa tingin ko sayo. Nahulog na pala ko.

Pero may problema. Ayaw ko. Nandun pa rin ako, nakakapit pa rin dun sangang malapit ng mabali. Dun sa tanging bagay na kinakapitan ko wag lang ako mahulog, Mahulog sayo.

Hanggang sa isang gabi, nakatanggap ako ng mensahe galing sayo.

I miss you :(

SangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon