A Light of Hope in the Darkness of Pain

196 89 13
                                    

Do you ever feel like nobody cares?

'Yong tipong kahit mamatay ka, walang may pakialam?

Oo, siguro meron. 'Yung mga magulang mo at kamag-anak pero pakiramdam mo alanganin pa 'yon?

Siguro ikaw hindi mo 'to nararamdaman pero may mga nakakaranas nito. Madaming nagkakaganito

Pakiramdam nila walang may pakialam.

Parang kahit mawala sila sa mundong 'to, walang mawawala.

Wala silang kuwenta.

Nabuhay sila nang wala katuturan.

Akala nila nabubuhay sila sa dilim.

At marami pang ibang hindi maipaliwanag na pag-iisip at nararamdaman.

Iba't ibang tao, iba't ibang problema't nararamdaman at nararanasan.

Parang laging may nakasunod, sinasabing, 'wala kang kuwenta, saktan mo ang sarili mo dahil 'yan ang nararapat.'

Siguro masasabi nating ang mga ganitong bagay at parte ng buhay ay isang laban.

Ano nga ba ang kailangan sa laban?

Hindi ba't sa laban ang laging nasa utak natin ay kailangan nating manalo.

Siguro naiisip nila na wala nang pag-asang mananalo pa sila.

Kaya nga nandiyan ka na mas nakakaunawa dapat sa kalagayan nila.

Ipakita at iparamdam mong nandiyan ka pa. Na kahit mag-isa ka lang, may dadating pang iba at lalaban din kasama niya, para sa kaniya.

At sa lumalaban na nawawalan na ng pag-asa, alam mong meron ka pang kasamang lumalaban at kailangan nating manalo.

Lahat ng bagay ay may katapusan kaya ang laban na 'to ay dadating din sa dulo.

Pero ang pagtapos sa buhay mo ay hindi pagpapakita at pagtanggap sa katapusan.

Siguro oo, ang pagtapos sa buhay mo ay pagtanggap at katapusan pero hindi ito ang tamang paraan.

Pagtanggap ito ng pagkatalo. Pero sa labang ito, mas lamang ka kaya mas dapat kang manalo at wala kang karapatang magpatalo.

Katapusan dahil tinapos mo na ang lahat sa pamamagitan ng pagpapatalo.

Kung nahihirapan ka na, h'wag mong kakalimutang matatapos din ang hirap sa tamang paraan, lumaban ka lang.

Kasalanan ang pagkuha ng buhay na hindi naman sa'yo.

Ipinahiram lang 'yan sa'yo kaya dapat pag-ingatan.

Huwag na huwag mong iisipin na nasira mo na siya noong isang beses kang natira sa kadiliman.

Parte ng buhay ang dilim pero tatandaan mo laging may liwanag na magbibigay sayo ng direksyon ano man ang mangyari.

Parang araw at gabi, may panahon ang pagliwanag at pagdilim.

Kung nagdilim, siguradong sisikat ang araw.

Kaya huwag na huwag kang mawawalan ng pag asang makakita ng liwanag na tatapos sa iyong paghihirap.

To The One Who Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon