Chapter 5 - The Battle

22 2 3
                                    

(Zoe)

Hindi ako mapakali kakaisip kung ano sasabihin ko para bukas, gulong gulo na isipan ko. Mag absent nalang kaya ako?! Kaso alam nila Naomi na hindi ako pala absent eh. Mag excuse nalang kaya ako na aalis kami na importanteng-importante. Mag sakit sakitan nalang. Jusko kung ano ano nalang iniisip kung gagawin ko na alam ko naman imposible akong payagan sa bagay nato. Makatulog na ngalang alam kong gagabayan ako ni Lord sa bagay na'to.

ring....
ring...
ring..
(1 missed call)

Ang aga kong nagising ngayon ala-sais palang ng umaga. Still now I don't know what to do. Pinatay ko nalang yung alarmclock ko mas nauna akong nagising kaysa sa alarm clock na ito.Naisipan ko nalang muna bumaba at uminom ng fresh milk. Para kahit papaano naman may maisip akong dahilan para makaiwas sa project namin, Isa pa para mag isip ng paraan na kapani-paniwala na makukumbinsi ko talaga si Naomi.

Mabilis lang lumipas ang oras naririnig ko na ang boses ni Naomi sa baba. Nagkumot ako na para bang tulog pa at walang balak na pumasok sa araw na ito.

"Zoe, gumising kana 8:00am na buksan mo yung pintuan mo!" Naomi

Wala akong balak na pumasok jusko ano ipapalusot ko rito!
Wala ring pumapasok sa isip ko na alibi haynako talaga, bakit ngayon pa ako naubusan ng alibi bahala na nga.

"Ah..Naomi may sakit ako eh hindi ako makakapasok paki sabi nalang ehem..ehem.. Pasensiya kana, Ingat ka bye!"

Siyempre kailangan kong mag ubu-ubuhan tila ba'y totoong may sakit kahit na wala naman.

"Luma na iyan Zoe wala na bang bago?" Naomi

Sagot niya sakin pabalik na naririnig kong binubuksan ang aking pintuan nag kumot nalang ako kunyari walang alam na binubuksan niya ang pintuan ko.

"Bumangon kana riyan Zoe wag kanang mag alibi pa, hihintayin kita rito kahit magtagal ka pa sa banyo!" Naomi

"Naomi naman masama nga ang pakiramdam ko, ano bang mahirap intindihin dun?"

Sagot ko sa kaniya at umayos ng upo sa kama.

"Natatakot ka ba, natatakot ka na baka kung ano yung masabi mo sa battle mamaya?" Naomi

Kilalang kilala niya talaga ako pero syempre ayokong sabihin ang totoo.

"Hindi iyon ang dahilan Naomi sadyang masama lang ang aking karamdaman." sagot ko

"Hindi mo ako maloloko parang sinabi mo naring hindi kita kilala, Andito lang ako Zoe andito lang kaming mga kaibigan mo lahit anong mangyari mamaya." Naomi

Niyakap niya akong mahigpit habang hinihimas ang aking likod.

"Maraming salamat Naomi!"

Wala nakong ibang magagawa kaya papasok ako kahit ma-late pa kami ngayon, wala eh mapilit ang isang 'to.

"Just express your feelings kaya mo yan, wag kang matakot magsabi ng totoo mong saloobin!" Aniya sa akin

Pasigaw niyang sabi bago ako pumasok ng cr, tama naman si Naomi eh natatakot lang talaga ako. Baka kasi kung ano yung masabi ko sa harapan pag nagkataon. Lord kayo na po ang bahala sakin, I know you have better plans for me. Kaya nangyayari ang lahat ng ito.

Heto na kami ngayon sa parking lot dahil dala ko ang kotse ko dahil late na late narin naman na kami kung maglalakad pa kami. Mas mabuti na ito kasalanan ko rin naman ngayon eh kung bakit kami late hays.

Naglalakad kami sa hallway medyo malapit na kami sa room namin pero ang ingay lahat ng estudyante, parang nakawala sa coral. Nagdahan dahan kami sa pagpasok ni Naomi para hindi mapagalitan ng teacher.

"Alam niyo para kayong tanga dahan dahan pa kayong naglalakad eh wala namang teacher sa harapan." Jewel

Unti unti naming tinaas ang ulo namin ipinako ang mga mata sa harapan at totoo nga walang teacher sa harapan magulong ayos ng upuan kaniya kaniyang kausap.

"Buti nalang at walang teacher ng first subject Zoe ligtas tayong dalawa." Naomi

"Ano daw meron bakit wala tayong teacher ngayon Jewel?" Tanong ko sa kaniya.

"May meeting raw ang mga teachers sa faculty room first subject lang naman, umupo na tayo dadating na si Mam.Candy" Jewel

Kaya umupo na kami sa kaniya kaniyang upuan at nag bell na tila ba nag transform ang lahat parang kanina lang dinaan ng bagyo ang upuan ngayon maayos na at walang maingay mga anghel kuno haha.

"Goodmorning class are you ready?!" bati ni Mam. Candy sa amin

"Goodmorning Mam.Candy yes we are!" Sagot ng mga kaklase ko

Tumayo lang ako pero di ako nag greet wala kasi talaga ako sa mood para sa project na'to jusko naman ang hirap kasi eh, hirap na hirap ako mag express ng saloobin na alam kong matagal tagal narin yung nangyari pero nasasaktan parin ako.

"First yung group 1 so yung dalawang nasa unahan ang unang mag battle for now."Aniya sa amin

Kapag minalas malas ka nga naman oh, kaming dalawa pa ang unang mag d debate damn this life ugh no choice maka tayo na nga.Tumayo na kaming dalawa tumayo sa harapan para masimulan na ang dapat tapusin.

"Mr.De Witt Ikaw na ang unang magsimula about our topic." Mam Candy

"Alright, So Miss what is your opinion about love?" Tanong sakin ni Wayne

"What is love ba ka'mo? Eto yung dalawang tao na nagsimula sa infatuation or mas kilalalang tawag ay crush, nagsimula sa nagkagustuhan hanggang sa parehas na nahulog at unti unting nagmahalan." Sagot ko

"Pag ibig lang naman yan na walang kasiguraduhan kung hanggang saan tatagal Miss." Wayne

"Wag mong i 'lang, lang ang pag ibig Wayne oo tama ka walang kasiguraduhan hanggang saan tatagal ang pagmamahalan niyong dalawa. Tumatagal ang relasyon kung parehas kayong lumalaban sa mga problema." Sabi ko sa kaniya na may inis.

"We're too young for this called love don't take it seriously chill." sabi niya sakin na tila walang pake sa nararamdaman kong hinanakit.

"Wala kang alam Wayne kaya wag ka magsalita ng tapos hindi mo kasi alam kung ano nararamdaman ko ngayon!!" Sigaw ko sa kaniya

"Then spill it out ng malaman namin mas magandang sabihin kesa kimkimin mo sa iyong dibdib, lalo kalang mahihirapan o masasaktan." Sabi niya sakin na di mo alam kung concern ba talaga oh ano eh.

"I.. I don't want to, I have to go now..." Ang huli kong sinabi bago ko sila lahat talikuran na tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.

"ZOE COME BACK HERE!!!" rinig kong sigaw ni Wayne na rinig na rinig sa buong hallway nag patuloy parin ako sa pagtakbo.

(Wayne)

Hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito parang may sinabi akong mali this is so bad.Tatakbo na sana ako para habulin at sundan siya baka kung ma'pano pa ito.

"Where are you going Mr.De Witt?" Tanong ni Mam

"I have to go Ms.Kelly Candy were sorry, I will find her."

Sagot ko sa kaniya bago patakbong umalis sa room namin. Pano na ngayon san kita hahanapin hays... This is all my fault ughh!!!



















Just leave a comment and vote wag kalimutan sulit naman ang pag update ko ngayon diba guys?! :'))

nawawala talaga nb ko eh so saulo ko naman ang kwento nito kaya kayang kaya mag update!!
Sana naman natuwa kayo for now till next time guys thankyou!!

J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Manhaters Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon