C H A P T E R - T W O

7.7K 293 21
                                    



*:・゚✧ ゚・:*

The Brat

*:・゚✧ ゚・:*

Pabalik balik akong naglakad sa kwarto ko habang iniisip lahat ng pangyayari kanina. Tama ba talaga iyong nakita ko? Na si Danger Montecarlo ay pumasok sa katabing bahay ng bahay namin? Na kapit bahay ko ang isang iyon? Seryoso ba talaga iyon?

"Baka naman may krimen siyang gagawin?"

Bigla akong napatigil sa sinabi ko at agad na napalingon sa paligid ko. Kinapa-kapa ko rin ang kawatawan ko at tignan kung may pulang tuldok rito at baka bigla na lang ako pagbabarilin.

Napailing naman ako ng bilis. Ano ba yan, Noreen! Sa pagiging fan mo ng action genre eh pakiramdam mo ma-aksyon rin yung buhay mo. My ghad, ano ba tong pinag-iisip ko.

Pero di nga? Kaya ba yung gawin ni Panganib?

Napailing ulit ako at pinagsasampal na ang sarili. Too much overthinking is bad for the brain okay! Dapat relax lang. Hindi naman siguro!

Huminga ako ng malalim at dahan dahang pumunta sa glassdoor ko kung saan may mga kurtinang nakasabit rito, ang alam ko sa pagbukas ko ng kurtina ay klarong kaharap nito ay isang mini balcony na katulad rin ng sa akin, na glassdoor rin at may kurtina. Siguro kailangan ko lang siguraduhing walang baril na nakatutok sa akin diba? Para kung meron man at least ready ako at makapag duck, cover and hold pa ako.

"This is it." Sabi ko.

I parted the curtains into half and suddenly saw something illegal in my eyes.

"JUICE COLORED!" sigaw ko at agad sinirado ang kurtina.

Napahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang aking hininga. Mas nakakagulat pa ata yung nakita ko kaysa sa naiisip kong may hawak na baril si Danger.

Bigla namang nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag at sinagot. Shete, nanginginig pa rin ako sa gulat at kaba. Teka, hindi ko iyon inaasahan. Pramis!

"Hi, I'm just checking on you. So ano na? Malungkot ka pa rin ba dahil hindi mo na ako makikita tuwing gabi?" sabi ni Austin sa kabilang linya.

"..."

"Noreen?"

Grabe feeling ko hindi na virgin ang mga mata ko duon sa nakita ko.

"Noreen?"

Bakit ba kasi iyon pa ang nakita ko of all?

"Noreen!"

"Ay abs!" bigla kong sigaw kaya agad kong tinakpan ang bibig ko.

Pussang gala naman Noreen, sabing wag mo ng isipin yun!

"Anong abs?"

"Ha? Ahhh ano abs...absolutely amazing! Hehehe, nakaka-adjust na ako. Sige ahm, may gagawin pa akong hunting----este homework. Sige kita na lang tayo bukas ha? Good night!" sabi ko sabay baba ng tawag.

Nakahinga naman ako ng malalim. Shete, kung totoo ngang kapit bahay ko ang isang iyon edi araw-araw kong makikita abs niya---este siya. Tapos paano kung mapansin na niya na nag-eexist ako sa mundong ito? Naku baka bigla na lang niya ako i-bully katulad ng nakakasuntokan niya sa school. Naku, paano na buhay ko nito?

Napailing ako! Hindi pwede! Ayaw kong maging dead meat! Ayaw ko pang mamatay ng maaga. Hindi ho ko katulad ng mga leading lady ng mga action movies na kaya din nilang ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Hala, hoy wag naman ganito tadhana! Umayos ka naman please lang!

Falling into DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon