C H A P T E R - T H R E E

11.2K 432 297
                                    


*:・゚✧ ゚・:*
Pervert
*:・゚✧ ゚・:*

Bwisit. Bwisit. Bwisit.

Imbes na kasama ko ng tumambay si Austin ngayon eh andito ako at pinaglilinis ng photography club president namin ng club room. Bwisit, feeling ko tuloy pinapahirapan niya ako dahil gusto niya si Austin tapos di siya pinapansin at ganti na rin dahil hindi ko napapayag na sumali si Austin sa aming club. Tss, Aba malay ko bang mas gustong mag soccer ng isang iyon.

"Dinaanan ba to ng bagyo?!" inis kong sabi sabay walis ng kalat.

Anong meron dito at puros papel ang nasa sahig, kainis naman oh. Pwede naman kasing may kasama akong maglinis pero ako lang talaga yung inutusan. Wow ha.

Atyaka loko! Ala-sais na ng gabi oh! Atyaka ibang klase dito sa Hwa Yang High eh mabilis na nauubusan ng estudyante pag gabi kapag walang school activities na nagaganap.

"Kailangan ko na talagang tapusin to." sabi ko sa sarili at mas binilisan ang pagwalis ng kalat.

Aish, dapat pala pinasama ko na lang si Austin at hindi na siya pinauwi.

Agad ko namang pinagpag ang aking kamay sa magkabila kong palad at napangiti, finally tapos na ang misyon ko.

Mabilis kong kinuha ang bag at agad lumabas ng club room. Grabe, sa paglabas ko palang ramdam na ramdam ko na yung malamig na hangin. Feeling ko tuloy nasa isang horror movie ako.

"Kaya to, Noreen. Wag kang matakot." bulong ko sa sarili.

Alam ko tong mga ganitong eksena eh. Yung ikaw na lang mag-isa sa campus at tanging ihip ng hangin yung naririnig mo tapos----

"Ay bakulaw!" Bigla kong sigaw nang biglang nag black-out.

Anak ng tokneneng naman oh! Hindi ko naman gustong gumawa ng horror movie bakit bigla bigla na lang magkakaroon ng black out sa Hwa Yang?!

Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad nang tumakbo papuntang main gate. Ang chaka alam niyo yung medyo kalayuan pa yung tatakbuhin ko dahil nasa may likuran ang club rooms ng paaralan? Shete naman ang malas ko!

Habang tunatakbo ay may bigla naman akong narinig na mga mabibigat na yapak na para bang humahabol sa akin. Anak ng pussang gala, hindi lang pala lotus feet yung multo ng paaralang ito, mukhang hukbong ata ang susugod sa akin. Sehete, tulungan niyo ako!

Mas binilisan ko naman ang pagtakbo, konting tiis na lang at---

Nanlaki ang mata ko ng may biglang humigit sa akin at tinakpan ang bibig ko. Agad namang nagdilim ang paligid, as in super dilim na wala na talaga akong makita.

Sinubukan kong gumalaw pero mas hinigpitan pa niya ang pagtakip ng bibig ko. Shete, sino ba tong taong to? Rapist ba to? Magnanakaw? Multo?!

Sinubukan ko pa ring tanggalin ang kamay niya pero ang higpit talaga. Gagi, lalake ata to kasi ang lakas ng pagtakip ng bibig ko oh!

Atyaka gusto niya ba akong patayin? Hindi na ako makahinga dito!

"Hmmm-ahsudmnnnmmmm." Pagsubok kong pagsalita.

"Talk and you'll die."

Agad akong naestatwa sa biglaang pagsalita ng isang pamilyar na boses. Nagsitindigan ang balahibo sa likod ng aking leeg at agad akong kinilabutan.

Para bang biglang nawala ang paghihisterikal ko at mas nabaon ako ng takot.

Pwede bang horror movie na lang at hindi suspense at Murder?

Kasi yung boses na yun, paminsan ko lang naririnig pero sigurado ako kung sino ang nagmamay-ari sa boses na iyon.

Danger Montecarlo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling into DangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon