PICTURE/LITRATO
1. Buti pa ang picture punong-puno ng memories, tayo wala man lang.
2. Buti pa sa pictures, nakasama ka. Ako kahit minsan, hindi ka man lang nakasama.
3. Sabi nila bawal ang tatlo kapag kinukuhanan ng litrato. Parang sa love, bawal din ang tatlo.
4. Sabi nila mamatay daw ang nasa gitna kapag tatlo ang nasa litrato. Parang sa love, bawal ang gumitna, dahil kundi mamamatay din.
5. Sana picture na lang ako, para lagi mo kong pinagmamasdan.
6. Sana ako 'yung pinaka-memorable na tao para sa'yo. Para kahit hindi mo ko kasama at kahit sa picture lang, dala-dala mo ko.
7. Sana katulad din ng feelings ko sa'yo ang mga pictures na nasa gallery ko, para madali lang burahin.
8. Sana litrato na lang ako na kahit kumupas, dumating man ang mahabang panahon, hinding-hindi lilipas.
9. Dati pahirapan pang kumuha ng litrato. Kailangan mo pang pumunta ng studio. Parang love, dati ang hirap ligawan ng mga babae, ngayon hindi na.
10. Sana hindi lang pictures ang nade-develop. Sana pati feelings rin natin sa isa't-isa nade-develop.
BINABASA MO ANG
Hashtag: HugotPaMore
De TodoHugot lang ng hugot! Ikaw? May hugot ka ba? by: Rhy Hernandez :)