Chapter 2

1.9K 60 7
                                    

Gym Buddies

Matapos ang saglit na usapan, nag decide kami nila Ara na bumalik na sa dorm. May afternoon training pa kasi kami. You know, kailangan na maging maganda ang kalalagyan ng Lasalle this season. Last year na din kasi namin eh.

Dumiretso ako sa banyo at muling naligo. Napaka daming alikabok ang nasagap ko kanina. I want to freshen up. Tapos, pumili na din ako ng susuuting shirt. Yung 'One Big Faith' shirt nalang na galing kay Ate Wensh at jersey shorts.

Agad akong bumaba to see Ara na nag iintay na sa lounge. Naka pang training na din siya.

"Daks, nag text na si Kim. Tayo nalang daw ang wala. Bilis bilisan dahil wala sa mood si Coach." Nag nod ako at binitbit ang training bag ko. Tss. Lagi namang wala sa mood yung si Coach eh. Himala kapag masaya siya. Don't get fooled by his dimples.

Agad kaming pumasok sa razon at naabutan ang nagse sermon na Coach Ramil. Nandun din sa side yung archers na mukhang kakatapos lang ng training.

"Dawn! Kung gusto mong maging best receiver, aba ayusin mo! Walang best receiver na hindi marunong mag basa ng bola! At ikaw naman Majoy, bat butas yang kamay mo ha? Kaya nga nagba block para hindi maka lusot yung bola ng kalaban. Kung gusto mo ng block, edi ayusin mo. Dapat sarado talaga!" Dinuro duro niya pa sina Dawn at Majoy. Nagka tinginan tuloy kami ni Ara. Lagot. "Oh, eto na pala sina Ara at Mika eh." Napa yuko kami. Tas napatingin kay Kim na nagse senyas na patay daw kami.

"Sorry po Coach. Late na kasi kami na dismiss ng prof namin eh." Pag dadahilan ni Ara at napa kamot ng ulo.

"Hmm, ikaw Reyes. Anong reason mo?" Kung si Ara, academics yung dahilan, ako gala. Nako patay.

"Ah, kasi coach may mineet po ako. Sorry po." Bahala na nga! Kainis naman eh!

"Ara, get ready. Position ka na dun. Ikaw naman Ye, pumunta ka muna kay PT Clark, mag buhat ka ng weights dun. That'll be your routine before getting to training. For one month Ye. Parusa yun. And this isn't the first time kaya hindi ko to pakikielamanan. Understood?" Nag nod nalang ako bago tuluyang lumabas sa court. See Ye? That's what boys give back to you.

Bago ako tuluyang lumabas sa Razon, narinig ko pang kinantyawan ako ni Prince saying,

"May makaka sama ka dun. Pinarusahan siya." Sabi niya at tumawa. Napa kunot naman ang noo ko. Sino? Eh kumpleto naman sila eh.

Dumiretso na ako sa gym tapos non para sa aking so called 'routine' dapat kasi in the first place hindi nalang ako sumama kina Ara eh. Baka nag mukha pang double date yun in the eyes of the public.

Napa tingin sa akin lahat ng PT nang maka pasok ako sa gym. Ganun ba ako ka ganda at napapa lingon sila?

"Oh miks. Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni PT Clark nang makita akong nagre ready na para sa routine.

"Parusa to PT Clark. Na late ako sa training eh." Natawa nalang siya sa sagot ko at in assist na ako.

"Late ka din?" Napa tingin ako sa direction ng pinanggalingan ng boses. Wow. Seriously.

"Oo eh. I wasn't aware of the time. Tas naligo pa ako. Pag dating namin sa Razon, nakapag start na sila. Tas saktong wala sa mood si coach at nangse sermon pa kina Dawn at Joy. The timing was really great." Natawa siya dahil sa sarcasm ko

"Out coach is also a little off, I guess? That's why you shouldn't mess with him. You know, he's new. Hindi siya katulad ni Coach Juno na chill life lang." Natawa ako sa sagot ni Jeron sa akin. So ibig sabihin, na late din siya?

"So you mean, late ka din sa training?" I asked. He nodded

"Hindi kasi ako na orient na inagahan pala nila yung training. Napag bigyan si Thomas dahil ang alam ni Coach may class pa siya during that time. Sabay lang naman kami dumating eh. Pero, wala eh." Sabay kaming napatawa. Pareho pala kaming napag labasan ng sama ng loob ng mga coach namin. So ibig sabihin, every afternoon wala ako sa training? Oh male late ako?

My Chinese MARVEL (JeMik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon