Chapter 2

1.2K 49 23
                                    


Chapter 2


(Zed Alvarez POV)


My first class just ended. I stand up at lumabas ng room and there nakita ko yung barkada ko. Lumapit ako sakanila.


"May klase pa ba kayo mga brad?" tanong ni Miggy samin.


"Tatlo pa klase ko. Tsk. Tsk." reklamo naman ni Von.


"Buti ako dalawa nalang." sabi ko sabay sindi ng sigarilyo.


"Hi Ms.Beautiful!" napalingon kaming magbabarkada ng tawagin ni Vin si Leigh. Tumingin ako sakanya at nakita kong pumula ang mga pisngi nya at ngumiti ng pilit kay Vin.


Hmm.. Mukhang masarap paglaruan 'tong isang 'to ah!


"Gago ka Vin! Dumadamoves ka na naman!" binatukan ni Von yung kambal nya.


"Gago ka din!" said Von kaya nagtawanan kami.


"Wait! What if we make a deal?" biglang sabi ni Miggy kaya napatingin kaming lahat sakanya.


"What deal?" I asked


"Paano kung pagpustahan natin yung si Ms.Beautiful? Kung sino sa ating apat ang unang makapagpasagot sakanya then he will have 20,000 pesos galing sa isa sa atin? What do you guys think?" napaisip ako sa sinabi ni Miggy. Napatitig ako kay Leigh na sinasabi nyang Ms.Beautiful. Maamo ang mukha. Mukhang hindi ako mahihirapan pasagutin sya kung sakali. Madaling pikutin.


"Deal." sabay na sabi nung kambal. Tumingin silang lahat sakin at naghihintay ng sasabihin ko.


"Fine with me." I said that makes them scream.


"Okay. Deal na yan ah! Kung sino ang unang makapagpasagot kay Ms.Beautiful then he will have a total of 60,000 pesos." Miggy said which we all agreed.


"Osige mga brad, I'll make my move na!" Von said at lumapit na nga kay Leigh. Sumunod naman sakanya yung dalawa. Tss. Pababayaan kong sila muna ang gumawa ng move ngayon. I'll make my move soon. At sisiguraduhin kong mapapasagot ko sya and I'll have my 60,000. End of story.



(Leigh Herrera POV)


Katatapos lang ng first class ko dito sa DU. At kasalukuyang nagaayos ako ng gamit ko ngayon. Sana naman maging maganda ang kalabasan ng college life ko at sana magkaroon ako ng kaibigan dito.


Habang nagaayos ako ng gamit ay biglang may tumawag sakin.


"Hi Ms.Beautiful!" sabi nung isang lalaking di ko kilala. Tumingin ako sakanta at ngumiti ng pilit. Nakita ko ring nakatingin sakin ang buong barkada nya. Namumukhaan ko yung isa. Sya yung nakabunggo ko kaninang umaga lang.


Pinagpatuloy kong ayusin yung mga gamit ko at tatayo na sana ako para pumunta sa next class ko nang may lumapit sakin. Kahawig nya yung tumawag sakin kanina. Magkapatid siguro sila or kambal.


"Hi Pretty! Ang ganda ng umaga no? Pero mas maganda ka." sabi nya at kinindatan ako bago umupo sa katabi kong upuan. Ngumiti lang ako sakanya.


"I'm Von nga pala." pakilala nya at naglahad ng kamay.


"Leigh." I simply said at tinanggap yung kamay nya.


"Hi Ms. Beautiful! Wag mong pansinin tong kambal ko!" biglang may dumating na isang lalaki at binatukan si Von.


"Gago ka Vin!" sabi ni Von at binatukan yung kambal nya. Habang nagbabatukan sila ay may lumapit nanaman saking isang lalaki.


"Hello! Ako nga pala si Miggy! You know I like your name. It sounds music into my ears." He said then he winked at me.


"Ah. Haha! Thanks?" nagaalangang sagot ko sakanya. Kailangan ko nang umalis dito. Ayaw kong malate sa next class ko.


"You're always welcome Leigh." he winked at me once again.


"Ah sige ah? Punta na kong next class ko." sabi ko sakanya at tumayo na. Tumayo rin naman sya.


"Hatid na kita." alok nya pero umiling ako.


"Hindi na.. I can manage." sabi ko at umalis na at lumakad papuntang next class ko.



**


Kasalukuyang nagkaklase yung prof namin nang maramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Pasimple ko itong tinignan sa bag ko. AT halos lumundag ang puso ko sa sobrang kaba ng malaman kung sino yung nagtext.


From: Ate Daisy

Leigh nasa emergency room ang Nanay mo ngayon. Pumunta ka na dito dali!


Tinignan ko ang oras nang mabasa ko ang text na iyon ni ate Daisy. Meron pang 11 minutes na natitira bago matapos ang klase na'to. Naku! Baka kung ano na ang mangyari kay Nanay!


Matapos ng napakabagal na 11 minutes ay tumakbo na ako papalabas ng room namin. Wala akong pakialam kung may nakakabangga man akong estudyante. Ang mahalaga lang ngayon ay makapunta ako ng hospital at mapuntahan si Nanay.

How He Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon