2 - Mixed Emotions

10 2 1
                                    

                                                                                      2

                                                                                RAINE

Tuwa, kaba, lungkot. Lahat ng iyan nararamdaman ko ng sabay-sabay ngayon. Pero hindi ako baliw; busog pa ako. Masaya kasi aalis ako at makakapunta sa favorite country ko sa ngayon. Fan yata ako ng 1D. Kinakabahan kasi six months ako mawawalay sa pamilya ko (kahit hindi ko naman talaga mami-miss ang nakakaasar kong kapatid), pero kaya ko naman kasi nag-camping na kami dati na walang kasama na parents. At malungkot, kasi hindi ko kasama ang best friend ko.

"Di bale Raine, ikakamusta nalang kita sa mga K-Pop idols mo. If ever na malapit yung school sa Gangnam-gu, kakamusta nalang kita kay Eunhyuk, okay?" Hindi ko alam kung may concern ba o pang-asar yung sinabi sakin kanina ni Maxi nung pauwi kami galing sa school.

Okay, binabawi ko na, hindi na ako malungkot. Aish.

Sumabay sa amin ni Maxi si Janz pagkatapos ng orientation namin kay Mrs. Tamundong. 

                                                                                      ***

"Nakaimpake ka na ba anak?" Nasa likod ko si Mama, tinitignan ata ako kung nakaligpit na ako.

"Opo, ma. Ayos na lahat." Tinabi ko yung maleta sa gilid ng pintuan ng kwarto ko, pati yung backpack, ayos na din. Nginitian ko si mama para hindi na siya mag-alala pa. Ang kailangan ko nalang ay isang good night sleep at ready na ako para sa araw ng bukas. Ang deep, ha?

                                                                                      ***

"Nagugutom pa ako." Nakita ko si Janz na nakaupo sa maleta niya. May hawak pa siyang isang baggage at hand bag. Napakadami niya naman atang dala.

"Gaano ba kadami inalmusal mo?" Kanina ko pa nakikitang kumakain ng Hershey's nuggets si Sheryl, kanina niya pa din kami inaalok, kaso si Maxi lang talaga ang tumatanggap.

"Di bale, antayin mo nalang yung breakfast sa airplane. May ganun daw tayo, diba?" Inabutan ako ng chocolates ni Maxi pero tumanggi ako.

"Sabagay. Raine, huwag mo kakalimutan yung bagong album ng The Wanted ha? Gusto ko nun. Kahit bayaran ko nalang sa'yo 'pag nagkita na ulit tayo." Sabi sakin ni Janz. Pumayag ako, pero hindi ko na sinabi na huwag niya ng bayaran sa'kin. Surprise birthday gift ko na sa kanya 'yun.

"Excuse me, are you the students for the exchange program?" Lumingon ako sa likod at may isang lalaking napakatangkad na nakangiti sa akin. Or sa amin. Siya ata 'yung nagtanong.

"Yes, we are. Why?"

"I'm Mr. Jones from Maxwell-Wellington Corporation." Biglang tayo kaming apat pagkarinig ng sinabi niya. So, pinadala pala siya ng school. Hay, buti naman. Kala ko pinabayaan na kami dito sa airport. "I'm the representative sent to accompany the four of you to your designated flight terminals. Shall we go?" ngumiti siya sa amin. Ngumiti nalang din kami sa kanya. Isa-isa niya kaming hinatid sa terminals na dapat naming puntahan. Unang umalis si Sheryl, tapos si Janz. Antagal magpaalam ni Maxi sa'kin ("Beshie, kahit picture lang ni Zayn ang pasalubong mo sa'kin ok lang. Bibilhan kita ng life-size poster ni Eunhyuk, promise."). Nakita ko na habang naka-bear hug sa'kin si Maxi, napangiti sa amin si Mr. Jones. After the last call ng flight ni Maxi, pumunta na siya sa plane. Huli akong hinatid ni Mr. Jones. Kaso, hindi siya humiwalay sa'kin. Tinignan ko siya at tinanong kung bakit hindi pa siya umaalis.

"Oh, I forgot to mention. I am going to accompany you to London, since I was the representative sent by the Wellington International Centre as well." Ngumiti siya ulit sa'kin tapos pinakita niya yung passport niya doon sa guard.

                                                                                      ***

A/N: I know, hindi pa siya talaga ganun kahaba.. pero pag-iigihan ko pa po. (:

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fantasy turns RealityWhere stories live. Discover now