Bianca
Naglalakad kaming apat ngayon sa hallway ng school. Maraming mata ang nakatingin samin at nagbubulungan pa.. Yung iba naiinis. yung iba naman naiinggit.
Dba sila yung sikat dito sa school? yung B.four? -girl 1
nakakainis! akala nila kung sinong maganda! -girl 2
nakakainggit sila.. sana ganyan din tayo ka sikat no? -girl 3
Hayys.. ang hirap talaga maging maganda no?. palaging pinag uusapan.
first year high school palang kasi kaming apat, sikat na kami dito sa school. at ngayong 4th year na kami, wala paring nagbago.
habang naglalakad kami, nakaramdam ako ng gutom. "girls, can we go to the cafeteria?" sabi ko sa tatlo.
"late ka nanaman nagising ano?" tanong ni Chloe. isa sa mga Best friend ko.
Oo na. hindi ako nagbreakfast kanina kasi late nako nagising..
tumango nalang ako bilang sagot. sumunod naman sila sa akin sa cafeteria.umorder ako ng juice tsaka burger at ganun din sila. tahimik lang kaming kumakain at hindi nagiimikan. busy kami sa pagkain kaya hindi namin namalayan na late na pala kami.
"Oh my holy kamote! late na tayo girls!." nagpapanic na sigaw ni Roxy, isa rin sa mga Bestie ko.
Kaya nagmadali kaming nag ayos. Dadalhin ko nalang yung juice ko kasi hindi pa nauubos..
tatayo na sana kami para umalis ng biglang...
*boogsh*
"Shit! look what you've done to my dress!" sigaw ng babae na bumunggo sakin. Natapon kasi ang hawak kong juice sakanya..
tinignan ko sya mula ulo hanggang paa..
"ayy, dress mo pala yan? akala ko kasi basahan.." sarcastic na sabi ko kaya nag tawanan yung tatlo sa likod ko at biglang sumabat si Ariane
"Wala ka bang common sense? kung tumitingin ka sa dinadaanan mo, do you think mababangga ka sakanya?" sabi ni Ariane sa babaeng mukhang paa at tinuro ako.
"How dare you say that to me?! ang yabang mo ha! akala nyo kung sino kayo!" sa lakas ng boses nya, lahat na ng tao dito nakatingin na samin. Naka lunok ba sya ng microphone?
"Totoo pala yung alien no? simula kasi nung nakita kita, naniniwala nako." mataray na sabi ko kaya napatawa naman yung tatlo. dahilan para mainis si mukhang paa. gustong gusto ko ng matawa sa reaksyon ng mukha nya pero pinipigilan ko lang.
"makalait ka wagas ha! bakit? magaganda ba kayo?!" inis na inis na sabi nya. magsasalita na sana ako ng bigla namang sumabat si Roxy.
"Aba! kahit saang banda kami tignan, maganda talaga kami." nakangiting sabi nya.
"Kami lang at wala ng iba."
nagulat ako sa nag salita. si Chloe lang pala. kanina kasi parang wala lang syang pakelam na nagkakagulo na dito.
"Kapal ng mukha nyo!" inangat nya ang kamay nya para sampalin ako. pero bago nya pa magawa yun, naunahan ko na sya. I slapped her ugly face.
Nagulat naman yung mga tao sa paligid. wala akong pakelam kung madami ng tao ang naka palibot samin basta ang alam ko lang, inis na inis ako sa babeng ito..
"I think mas makapal yung mukha mo. Nasaktan ako sa sampal na yun, eh." pero totoo naman kasi makapal talaga yung mukha nya.
"Bitch!" galit na galit na sya.
"We know right." sabi ni Ariane
"Gusto mo ba talaga ng away ha?!" sasabunutan nya na sana ako pero hinawakan ni Ariane at Roxy yung mga kamay nya.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at mata sa mata..
pumipiglas sya sa pagkahawak nina Ariane at Roxy pero hindi sya makawala. Tinignan ko sila Ariane. yung tingin na sinasabing "higpitan nyo pa." kaya mas nahirapan pang pumiglas si mukhang paa. lumapit ako sakanya. malapit na malapit.
"Gusto mo ba talaga kaming kalabanin, huh? sabihin mo lang at pagbibigyan ka namin." sabi ko at lumapit sa tenga nya dahil gusto kong marinig nya ang sasabihin ko. "kasi sa lagay mong yan, parang hindi mo na kaya." bulong ko sakanya kaya nagulat naman sya. hindi nya kilala kung sinong kinakalaban nya.
"ano? lalaban ka or tatakbo ka?" pagkasabi nun ni Chloe agad naman nilang binitawan si mukhang paa at tinignan ng masama..
"Teka. bago ka tumakbo, may ipapabaon kami sayo." kinuha ko yung natirang juice sa table namin kanina at biglang binuhos sa kanya. dahilan para magtawanan yung mga tao sa paligid. "oh ayan. pwede ka ng tumakbo." sarcastic kong sabi.
Parang maiiyak ma yung mukha nya. pero ni isa sa amin hindi sya tinulungan.
"ano? takbo na!" sigaw ni Chloe. kaya bigla namang tumakbo si mukhang paa. Tawa parin kami ng tawa pati yung mga tao sa paligid namin. napahiya talaga sya dun ha..
"well, that's what she get for messing up with us" sabi ko sabay smirk sakanila.
***
hindi na kami pumasok sa first subject namin kanina kasi sobrang late na kami dahil sa gulo kanina sa cafeteria.. bullsh*t kasi yung babaeng yun eh! nakakainis.
"cr muna tayo girls. na stress kasi yung beauty ko sa babaeng yun!" inis na sigaw ko sakanila.
"bakit kailangan mong mag cr kung na stress yung beauty mo?" tanong ni Chloe.
"naku Chloe.. hindi kana ba nasanay? malamang mag reretouch yan kasi nga na stress yung beauty nya." sarcastic na sabi ni Ariane.
pumunta kami sa cr. pagpunta namin dun, may tatlong babae sa loob kaya hindi muna kami pumasok at tinignan lang ng masama ang mga babae.
"out" cool na sabi ko. pero tinignan lang nila ako. "can't you hear me? I said out!" medyo napalakas yata boses ko..
"pasensya na po" -girl 1
"aalis na po kami." -girl 2
"mabuti naman." mataray na sabi ko at ng makaalis na sila, pumasok nako at nagretouch.
ng matapos na kami, lumabas na kami at nag lakad sa corridor. umupo muna kami sa isang bench at nag kwentuhan.
nakikinig lang ako ng music at nagpapahangin. kaya naisipan kong mag open ng facebook.
pag open ko ng account ko, tumambak sakin yung notifications ko. ang daming naka tag na pictures at videos sakin. binuksan ko yung isang video at nakita kong video pala ito kanina sa cafeteria.
"girls. tignan nyo to." inabot ko sakanila yung phone ko at pinakita yung video. "ang daming likes at comments" tumawa naman sila nung nakita nila yung video.
"bagay lang sakanya yan. para mas lalo pa syang mapahiya dito sa school" sabi ni Ariane.
"Oo nga eh. ang yabang kasi. sa una papatulan tayo tapos sa huli, tatakbo rin pala." napatawa kaming lahat sa sinabi ni Roxy.
"dumagdag na yung pangalan nya sa listahan ng mga napahiya natin.." napatingin ako sa sinabi ni chloe.
natandaan ko nanaman yung nangyari kanina at napangiti nalang ako.
kami lang ang pwedeng gumawa nun. kami lang at wala ng iba.
kami lang ang.....
THE B.FOUR
---------------------------------------
COPY RIGHT 2016
ALL RIGHTS RESERVEDenjoy reading :)
BINABASA MO ANG
The B.FOUR
Randomapat na babaeng sikat at kilala sa buong campus na pinaka BAD GIRLS at tinawag ang grupo na B.FOUR May magbago o may magpapabago kaya sakanila?? ---------------- COPY RIGHT 2016