TBF: The beginning

23 1 1
                                    

Chapter 1:

*Bianca's POV*


nagising ako sa lakas ng kalabog na narinig ko...

pagdilat ko, nakita ko yung tatlo sa harapan ko..

"GOOODDMOOORNIIING!!" sabay sabay nilang sigaw habang hinahampas ako ng unan.

"wake up! wake up! wake up!" sigaw ni Chloe.. habang niyuyugyog ako...

"Gosh! its saturday for the pete sake!" sigaw ko sabay takip ng unan sa mukha ko... ugghh! ang ingay padin!!

"actually, hindi na dapat good morning yung sinabi namin sayo, kundi goodnoon" sabi ni Ariane. dahilan para mapatingin ako sakanya.. kinuha nya yung alarm clock sa tabi ng kama ko at tinutok sa mukha ko.. "see? lunch na! kaya bumangon kana jan dahil naka handa na yung pagkain sa baba." nabigla ako sa sinabi nya. grabe! ganun pala katagal yung tulog ko?

"pakelam ko?" sabi ko sakanila. bumalik nalang ako sa pagtulog at hindi nalang sila pinansin..

"ahh. ayaw mong gumising ha?" rinig kong sabi ni Roxy.

"pffttt.. wahahahhahahahhahaahhahah" tawa parin ako ng tawa habang kinikiliti nila ako sa paa. malakas talaga kasi yung kiliti ko sa paa.. "hahahhaha!! oo na! oo na! babangon na! hahahahah!" rinig ko parin silang tumatawa. huhuhu! grabe talaga kayo..

"gumising kana jan bago pa namin ipakalat yung picture mong natutulog habang tumutulo yung laway. hahahah"
sabi ni Chloe sabay labas ng kwarto ko. sumunod naman sakanya yung dalawa.. naririnig ko parin silang tumatawa. anong sabi nya? tumutulo yung laway?!

kinapa ko yung bibig ko at nagulat nalang ako sa nakita ko.. hala! meron nga! ugghh!! ang hilig nyong mang blackmail!

nasa iisang bahay lang kasi kami nila Chloe, Ariane at Roxy nakatira.. para daw malapit lang sa school namin.. yung mga parents din kasi namin, busy sa kanikanilang mga business kaya konti nalang yung oras nila para samin..  pero minsan dumadalaw naman sila dito sa bahay..

***

bumaba ako ng naka salubong ang kilay. Im expecting kasi na magiging maganda yung weekend ko pero hindi pala.. hayy nako, inaantok parin ako.

nakita ko naman sila sa kusina habang masayang kumakain. grabe. hindi man lang nila ako hinintay?

"ang lakas ng loob nyong gisingin ako tapos makikita ko kayong magtatapos ng kumain? wow ha." sarcastic na sabi ko. mga best friend ko nga sila..

"ang tagal mo kasi.. tsaka, gutom narin kami no.." sabi ni Roxy.. I just rolled my eyes..

padabog akong umupo katabi ni Chloe.. nag uusap parin sila habang ako, na OP (out of place)... hindi ba nila alam na may kasama pa sila? hayys.

binilisan ko nalang ang pagkain.. hindi ko na talaga kayang tumagal dito.. nang matapos ako, agad naman akong tumayo at dumeretso sa sala. nagulat naman sila kaya napahinto sila sa pag uusap at tumingin sakin. hindi na kasi ako uminom ng tubig.

pagdating ko sa sala, nonood nalang ako ng TV. kahit hindi ko feel mag movie marathon ngayon, gagawin ko nalang para hindi ako ma OP.. habang nanonood ako, dumating naman yung tatlo. tumabi sakin si Chloe habang sila Ariane at Roxy naman ay umupo sa sahig... heller! may upuan pa kaya! anong silbi ng sofa kung sa sahig sila uupo? hayys.

tahimik lang kaming nanonood at hindi nag iimikan habang ako naman, nag fefacebook.. ang boring kasi ng pinapanood namin. mabuti pa siguro kung horror eh..

bigla namang binasag ni Chloe yung katahimikan.

"girls. anong magandang gawin today?" tanong nya at tumingin sakin. himala? pinansin na nila ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The B.FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon