Pag masaya ka, mae-enjoy mo yung music pero pag malungkot ka, maiintindihan mo ang lyrics.
Kaya eto ako nakikinig ng sad songs, wala lang trip ko lang mag emo ngayon. Ang boring kasi e walang pasok ngayon kasi saturday.
Tutal boring ako, mag pupunta nalang akong mall baka meron ng bago sa kpopstore.
-
Habang naglalakad ako napagdesisyunan ko munang kumain sa BonChon, gutom na kasi ako tsaka masarap dun yung Chicken nila tapos ang pogi pa ng stand nilang si Lee Minhoo haha!
habang inaantay ko yung order ko...
"Alam niyo ba girls, si Liah na at si Joshua "
"Oo nga girl nabalitaan ko na yan. Bagay nga sila e"
Tinignan ko kung sino yung naguusap na nasa katabi ng table ko. Mga ka Schoolmate ko sila. So si Liah na pati yung crush ko. Ang sakit naman nun.
naglalakad na ko pauwi, nakasuot yung usa kong tenga ng Earphones. Ang ganda talaga ng boses ni Baekhyun at D.O naiiyak ako.
"Miss nakita mo ba yun?"
"Ha?" Tinanggal ko yung earphone ko
"Sabi ko nakita mo ba yun?"
"Ang alin?"Tumingin ako kaliwa't kanan. Teka parang kilala ko yung kausap ko ah, ang pogi niya tapos nakashade pa siya e gabi na. parang nakita ko na siya e
"Aish. Nevermind" sumakay ito sa Van
"Ay sorry miss, kalimutan mo na yon. Bye" pagpasensya sakin ng isang babae na may pagkaedad na
Ang weird naman nun. Ano kaya pinagsasabi nun? May nakita daw ba ako? Ang weird talaga. Tsaka yung lalaking yun parang nakita ko na yun e. Saan ko nga ba siya nakita? Yah! Ayoko ng isipin ang hirap di ko matandaan.
nakarating ako ng bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko. Humiga at di hanggang sa makatulog na ako.
-
RINGGGGGGGGG!(Tunog ng Alarm Clock)
ang aga pa, inabot ko ng kamay ko ang alarm clock tsaka pinatay.
bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Baliw! Gumising kana! Maaga daw tayo magsisimba sabi ni mama!""Mmm... 5 minutes"
"Pagbalik kong di kapa naliligo bubuhusan kita ng malamig na tubig" lumabas na siya ng kwarto
Nananaginip ako na hahalikan ako ni James Reid ng...
"WAAAAAAAAAAH! ANG LAMIG! KUYA!" Sigaw ko dahil malamang binuhusan niya kong isang basong malamig na tubig
"Pfffft. Ang panget mo! Hahahahaha!" Pagpigil ng tawa nito
"Sabi ko sayo diba pagbalik kong di kapa naliligo bubuhusan kita" natatawa pa siya habang sinasabi yan
"Ang baliw mo e no! Lumabas ka na nga kuya! maliligo na ko" irita kong sabi
"Hahaha! Oo na bunso, nakakatawa talaga yang itsura mo"
Binato ko siya ng unan.
pagdating namin ng simbahan, kakaumpisa palang ng misa. Nakinig lang kami kay father. Then pagkatapos ng misa kumain kami sa labas hapon narin nung nagpasya kaming umuwi habang nakasakay ako sa passenger seat ng kotse, dahil traffic napatingin ako sa billboard sa taas ng isang building, sabi na siya yung nagtanong sakin kagabi habang pauwi ako e, kaya pala parang nakita ko na siya...
Si Shaun Mark Santos na isang Sikat na Artista at singer nakita ko at tinanong ako kahapon. Sayang. Hindi ako nakapagpa-Autograph at selfie.
BINABASA MO ANG
Love In Disguise
Teen FictionSuperstar who disguise into a weird student to feel a normal life, but one day he fell inlove with a simple girl, falling in love is not part of his plan.