4- Past vs. Present..??

424 30 27
                                    

para naman ito kay... yep! para kay Sam!! :) dahil mahal na mahal mo si Teuk at dahil love ko din siya. love ko kayo pareho! ^____^

spread the LOVE ♥

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

...BX’s P.O.V...

Badtrip! Nakausap ko si Artemis kanina. Kilala siya nina James. Nabangga daw nila. Tss. Nagpapa-cute pa ang babae sa mga barkada ko. Bakit ako hindi niya gusto? Samantalang pare-pareho lang naman kame. Labo! Makabalik na kaya sa parents ko para malaman na ng lahat ang pagkatao ko! Tsk. Teka. Masyado akong naapektuhan kay Artemis. Kasi naman first rejection ko yun, eh. Pag nalaman niya na...

Di bale na nga. Basta, babalik na ako simula sa Monday sa parents ko. It’s final! Oras na nga siguro para bumalik na ako sa bahay namin. Teka, parang type nina James at Kenji si Artemis, eh. Hinatid pa nga nila sa class niya, eh. Badtrip talaga. Eto namang si Vince kanina pang binobola mga kaibigan ni Barbie! Si Barbie ay si Artemis. Code name ko sa kanya yun nung hs. Sobrang gusto ko kasi siya noon. Bahala na nga. Tss. Ba’t ko ba yon iniisip? Kaasar! Ayan na si Keira.

“Keira!” Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi man lang ako kinakausap ni Vince. Narinig kong nagpaalam na si Vince sa dalwang babae at lumapit samin.

“Sorry, ha? Buong araw ako may klase, eh. Ngayon lang vacant ko at last subject.” Nag-sorry siya. Ang ganda talaga niya. Siya naman ang Dyosa ko. Kung may Barbie ako dati, siya ang Dyosa ko ngayon. Haha. Barbie lang siya, eto Dyosa. Anyway, full nga siya ngayon. Nagtext lang siya saken na intayin ko na siya.

“Okay lang. Basta ikaw.” Yun. Mga padali ko! Haha! Napangiti tuloy siya.

“Hi, Ji Eun! Long time no see, ah!” Singit ni Vince.

Napatingin si Keira kay Vince. “Jin Ri?! My! What are you doing here?! What a surprise!” Nagulat talaga si Keira tagal na niyang di nakikita si Vince, eh.

“Hehe. Plano talaga naming manorpresa ni James.”

“Nandito din si James?” Ewan ko lang pero parang naglighten ang boses ni Keira sa pagbanggit sa pangalan ni James o shocked pa din siya. Parang excited siya na ewan. “Kayong dalawa talaga. Hindi kayo matigil sa isang school, ha.”

“Oo nga, eh. Tsaka, namiss namin tong si BX!” Inakbayan ako ni Vince. “Syempre gusto na rin namin kayong makita ulet. Ang ganda mo lalo, ah!” Galing mambola talaga, o! Lahat na binola, eh!

“Salamat. Alam ko naman yon. Haha.” Pagbibiro naman ni Keira.

“Tama na yan. Alis na tayo, Keira. Baka hinihintay ka na ng driver mo. Pupunta ka pang Cebu, eh.” Putol ko sa usapan nila.

“Aalis ka? Bakit?” Nagkatinginan kami ni Keira sa sinabi ni Vince. “Nagmo-model ka pa rin?”

“Oo, eh. Passion ko talaga yun.” Sagot ni Keira. Oo nga. Kahit ako hindi niya mapili dahil importante sa kanya ang dreams niya, and I respect that. Okey lang saken.

“Ah... Naku. Umuwi ka agad, ha? Baka mamaya may makaagaw pa kay BX. Alam mo naman, magandang lalaki. Haha!” Biro ni Vince. “Pano nga pala ang pag-aaral mo?”

“Nakuha ako ng advance lessons para hindi ako mahuli o kaya sa ibang subject special consideration naman.” Ngumiti pa si Keira. Matalino naman si Keira, eh. Kahit na 1 month siyang magshoot at mag vtr kaya niyang humabol. Mana sakin, eh! Haha! Kaya nga bagay na bagay kame! Hehe. ^_^

“Ah. O, sige na. Baka ma-late pa kayo. See you soon na lang!” Paalam ni Vince. “Sayang! Gustung-gusto ka pa namang makita ni James! Haha!”

Napatigil si Keira, di ko alam kung bakit. Tss. Labo. Ngumiti lang siya. “Tell James, I said hi.” Tumingin lang ako sa kanya tapos parang may iba akong nakita, eh. Ewan ko! Dati hindi naman ganito, eh! Basta! Ang gulo! “Bye, Jin Ri. Nice meeting you again.”

“Sige! Bye! Ingat! Ge, BX!”

“Ge! Pasabi na lang kay Kenji umalis na ako, ha?” Paalam ko tapos naglakad na kame papunta sa parking.

...Vince’s P.O.V...

Ganda pa rin talaga ni Keira! Grabe! Lalu atang gumanda! Tss. Hindi na ako magtataka kung ba’t patay na patay si BX dun tsaka gusto ng ipagdamot. Hahaha! Joke. Pero may napansin lang ako kay Keira. Dati napansin ko na rin to, eh. Pag nababanggit yung pangalan ni James parang nag-iiba expression niya. Ewan ko ba. hindi ko mapin point, eh. Hindi naman siguro niya type si James kasi mahal nun si BX, eh. Basta. Wag na nga tayong gumawa ng issue. Hehe. Ang chismoso ko talaga minsan, eh. Oo nga pala. Yung mga babaeng kasama ko!

Lumingon ako sa inupuan namin kanina, wala na sila. Tss. Badtrip. Hay nako! Bahala na nga! Teka, napansin ko lang. Ba’t ang tagal nung dalawang kolokoy?! Nawili ata sa paghatid kay Artemis, ah! Sa bagay, maganda yon. Hehe. Totoo, maganda nga yon. Kanina nga parang napansin ko halos kasing ganda niya si Keira. Tunay! Promise! Sa utak ko bagay sila ni BX, eh. Haha. Pero baka magalit si BX pag sinabi ko dun. Mukha pa namang mainit ang dugo niya dun sa babae. Haha. Praning din yung si BX, eh!

“Vince!” Tawag sakin ng lalaki. Lumingon ako. Aba sina Kenji at James.

“Oy! Tagal nyo, ha! Mukhang nakipag-chikahan pa kayo kay Artemis!” Sabi ko.

“Eto kasing si Kenji. Ayaw pang umalis. Tss. Sumilip pa talaga one last time.” Sabi naman ni James.

“Sus! Anong ako? Ikaw nga dyan, eh! Sabi mo pa nga kung gusto niya dun muna tayo, eh!” Pang-aasar naman ni Kenji. Loko tong dalawang to.

“Tama na nga yan.” Awat ko. “Nga pala, si Keira kausap ko kanina. Umalis na sila ni BX. Hi daw, James, sabi niya.” Tumango lang si James. Minsan feeling ko ayaw ni James kay Keira. Ewan ko ba dito. Ganda-ganda nun, eh. Hindi kasi siya naglalalapit dun. Parang allergic! Ano si Keira, fungi? Haha! peace. Pansin ko nga talaga. Parang hindi niya feel si Keira.

“Ay! Oo nga pala! Hindi ako nakasama sa airport! Pupunta nga palang Cebu si Keira!” Sabi naman ni Kenji. Tingnan mo to. Parang naluging businessman at hindi tumama sa lotto na may prize na 80 million kung magreact, eh! Hahaha! =D

“Ewan ko senyo! Tara na nga! Punta tayo sa inyo, Kenji! Miss ko na bahay mo, eh!” Yaya ko na lang.

“Sige. Wag kayong magugulat, ha? My mansion turned into a palace kasi, eh! Wahahaha!” Pagmamayabang pa ng loko. Let’s checkt it out na lang! Hehe. Nagpunta kami sa parking at sumakay sa mga kotse namin. Sosyal ba kame? Tigi-tigisa ng kotse. Ganyan talaga mayayaman, eh. Haha. Peace. ^__^.v

Switch! He's the Master!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon