Chapter 1

46 2 0
                                    

[A/ N] Ito ay ang revised version ng story na sinulat ko (same title lang po sila) at hindi natapos. Kaya eto po, sumulat ako ng bagong storya para ipagpatuloy yun. Sana po magustuhan nyo. Thanks

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

Angelo's POV

*kriiiiiiing* *kriiiiiiing* *kriiiiiiing*

Nagising lang ako sa tunog ng alarm clock ko..haixt guess what.. first day of school na naman -_- ..hmm hindi naman sa tamad ako, sa katunayan nga eh isa ako sa mga top students, pero nakakatamad lang na gumising ng maaga hehe..

Bumangon na ko tapos nag-punta sa banyo sa kwarto ko, tapos nag-bihis, humarap sa salamin at nag-pagwapo pa hehe ^_^ tapos bumaba na ako para kumain ng breakfast.

"Magandang umaga ma." masiglang bati ko kay mama

"Oh magandang umaga rin anak, here's your breakfast" bati rin sakin ni mama, sabay lapag ng pag-kain sa lamesa.

"Oh ma, nasan si papa?" tanong ko kay mama habang nakuha ng pagkain ko.

"Maagang pumasok ang papa mo sa trabaho nya" sagot naman ni mama sa tanong ko.

Wait nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko, ako nga pala si Mike Angelo "Anjo" Fabian Sorza, nickname ko ung Anjo. Hindi naman sa pag mamayabang pero gwapo ako, matalino, hindi naman sa mayaman kami pero parang ganun na nga pero hindi sobrang yaman, at mabait ^_^ , 3rd year high school na ako at gaya nga ng sabi ko kanina eh first day of school ngayon ...

Si Criestella "Estella" F. Sorza, sya ang mama ko.Maganda sya (may lahi kasi kaming magaganda't gwapo hehe ^_^) mabait sya, understanding, mapagmahal na ina at asawa, at maalaga.

Si Freddie "Ed" F. Sorza naman ang daddy ko.Gwapo sya (sa kanya kami nag-mana ni kuya hehe), mapag-mahal na daddy at asawa, work-a-holic sya kase gusto nya kaming mabigyan ng magandang buhay pero nag-leleave sya ng 1 araw sa 1 linggo para may oras sya para samin, medyo strikto sya pero hindi naman sobra.

At si Mark Adrian "Adrian" F. Sorza ang kapatid ko, mas matanda sya sakin ng 3 taon, dalawa lang kaming mag-kapatid ni kuya.Gwapo rin sya, mabait sya pero sakin lang at kala mommy at daddy lang, masungit kasi sya sa ibang tao, at mapag-mahal na kuya at anak.

"Eh si kuya nasan?" tanong ko ulit kay mama.

"Oh ayan na pala ang kuya mo" turo ni mama kay kuya habang nababa ito ng hagdan.

"Good morning ma, good morning bunso." masiglang bati ni kuya ng maka-upo sya sa upuan para kumain.

"Good morning rin kuya" bati ko rin sa kanya.

"Good morning rin anak, oh heto kumain kana" bati ni mama habang inaabot ang plato kay kuya.

"Oh si papa?, pumasok na?" tanong ni kuya.

"Oo anak, alam nyo naman ung papa nyo laging maagang pumasok sa trabaho nya" sagot naman ni mama.

Pag-katapos kong kumain eh nag-handa na ako para pumasok at nag-paalam na kay mama.

Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon