Chapter 6

17 0 0
                                    

Angelo's POV

Maaga akong nagising, kahit 8 ang napag-usapang oras 5:30 pa lang gising na ako. Hindi na kase ako nakapag-impake kagabe sa sobrang pagod. Hindi pa nga din ako nakakapag paalam sa parents ko eh.

Nagpunta akong kusina para maghanda ng almusal ko. Pero pagdating ko dun nandun si Mama at nagluluto.

"Oh anak bakit ang aga mo? Wala kang pasok ngayon ah." Tanong ni mama.

"May lakad po kase kami ng mga kaibigan ko. Pupunta po kaming Batangas. Pwede po ba akong sumama?" Sabe ko kay mama.

"Ano namang gagawin nyo sa Batangas?" Tanong ulit ni mama.

"May resort po kase dun yung isa kong kaibigan, tapos nagyaya po sya.
Magbobonding lang po kami dun." Sagot ko.

"Ganun ba. Hanggang kaylan naman kayo dun?" Tanong ulit ni mama.

"Hanggang bukas po ma. Hindi ko lang po alam kung anong oras kami makakauwi." Sagot ko ulit.

"Oh siya sige, kumain ka na muna ng almusal bago umalis." Sabe ni mama.

-
Pagkatapos kong kumain umakyat na ako sa kwarto ko. Nag-impake na muna ako.

Medyo madami yung dinala kong damit, in case lang na kulangin ako. Kumuha din ako ng snacks sa cabinet namin sa may kusina. Nilagay ko na din yung iba ko pang kaylangang gamitin.

Pagkatapos kong mag-impake naligo na agad ako. Matagal akong maligo, mabagal kase akong kumilos.

Pagkalabas ko ng banyo kinuha ko muna yung phone ko para icheck yung oras. Shit, mag-7:30 na pala.

Dali-dali akong nagbihis. Tapos nag-ayos ng sarili. Then pagkatapos kinuha ko na yung gamit ko.

Pagbaba ko nagpaalam muna ako kay mama.

Naglakad na lang ako since malapit lang naman yung coffee shop na meeting place namin.

Malapit na ako sa coffee shop kaya naman natatanaw ko na sila.

Ako na lang pala atsaka si Kent yung kulang. Nasan na kayo yung masunget na yun? Baka naman hanggang ngayon eh tulog pa sya.

"Oh andito na pala yung dalawa." Rinig kong sabe ni Archie.

Napatingin ako sa likod ko at dun ko nakita ang naglalakad na si Kent.

Magkasabay lang pala kaming maglakad tapos hindi man lang sya umiimik, kala ko tuloy wala akong kasabay.

"Hay nako, akala namin hindi kayo sisipot eh." Sabe samin ni Alexa.

"Oa mo, tingnan mo nga oh 7:56 pa lang. May 4 minutes pa bago mag-8. Masyado lang talaga kayong maaga no." Sagot ko sa kanya.

"Oh sya, tara na guys. Umalis na tayo. Medyo malayo-layo yung pupuntahan natin." Sabe samin ni Zach.

Sumakay na kaming lahat sa van nila Alexa. Sinabe naman ni Zach sa driver yung place, mabuti na lang at alam daw nung driver yung lugar na yun.

Umupo si Alexa sa unahan, dun sa tabe ng driver. Tapos sa likod nun umupo yung dalawa, sina Archie at Zach. At kaming dalawa ni Kent ang magkatabi sa may likod nung dalawa. Tapos sa pinakalikod namin nilagay yung mga gamit namin.

Habang nasa biyahe wala kaming tigil sa kwentuhan, tawanan at harutan. Sumasali na din si Kent sa mga harutan at tawanan namin. Minsan pa nga siya yung nangunguna.

Hanggang sa napagod kami sa kakadaldalan. Nakatulog na silang lahat, maaga kase kaming gumising kaya kulang sa tulog.

Tumingin lang ako sa labas, ako kase yung nasa may bintana. Hanggang sa nakaramdam na din ako ng antok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon