Chapter 3

21 2 0
                                    

Angelo's POV

Hays, so eto ako ngayon naglalakad papuntang room namin. Hindi ko na ikekwento kung anong nangyare kaninang umaga kase wala namang espesyal na nangyare hahahaha.

So ayun nga, pagpasok ko ng room wala pang tao. Maaga kase akong napasok lagi, kahit nung mga nakaraang school years. So umupo na ako sa upuan ko. At nagkalikot sa cellphone ko.

Maya maya may dumating, si Kent. So, as usual naka-poker face sya, seryoso sya masyado lagi. Umupo na sya sa tabi ng upuan ko.

At dahil nakakabinging katahimikan na naman ang namamagitan eh nagpagpasyahan kong kausapin ulit sya.

"Hey, uhmm san kang school galing?" Tanong ko.

"Sa America ako nag-aral, nagpalipat lang ako dito sa Philippines." Sagot nya. Okay, so sa ibang bansa pala sya nag-aral, kala ko dito lang din sa Pinas.

"Ganun ba? So gano na kayo katagal sa America?" Tanong ko ulit.

"10 years old palang ako nung lumipat kami dun." Sagot nya ulit.

"Bakit mo naisipang magpalipat dito? Maganda naman sa ibang bansa ah." Sabee ko naman.

"Bakit ba andami mong tanong? Nakakairita ka, alam mo ba yun?" Inis nyang sabe sakin.

Srsly? Napaka rude nya talaga.

"Nagtatanong lang naman ako ng maayos ah. Bakit ba ang sungit sungit mo? Alam mo kung hindi mo babaguhin yang ugali mo wala kang magiging kaibigan dito." Inis kong sabe sa kanya.

"Nakakairita ka kase eh, dinaig mo pa ang test paper sa dami mong tanong. Tsaka I don't need to change myself just to please other people.  Wala akong pake kung walang kumaibigan sakin dito." Sagot naman nya.

"Bahala ka nga. Tinutulungan na nga kita para may makausap ka naman kahit papano dito." Sabe ko

"Sinabe ko bang gawin mo yun?" Tanong lang nya.

"Urgh! Bahala ka talaga sa buhay mo." Sabe ko lang sa kanya.

Inirapan nya lang ako. Tss, kalalaking tao nangiirap.

Pinabayaan ko na lang sya, nagcellphone na lang ako. Hanggang sa unti unting nagdatingan yung mga classmates namin. Dumating na din si Alexa, lumapit naman ako sa kanya.

"Oh, bakit ganyan na naman yang mukha mo?" Tanong lang sakin ni Alexa.

"Nakakabadtrip kase yung Kent na yun eh. Ako na nga nag-aapproach sa kanya para kahit papano eh may kaibigan naman sya dito." Sagot ko lang kay Alexa.

"Ikaw huh, may crush ka siguro sa kanya no?" Tanong ni Alexa sabay bigay sakin ng pilyang ngiti.

"Huh? Anong pinagsasabe mo dyan? Kadiri, ako magkakagusto dun sa masungit na yun? NEVER. Tsaka isa pa, pareho kaming lalaki." Sagot ko naman sa kanya.

"OA mo naman maka-react. Kadiri agad?" Sabe ni Alexa. "Tsaka uso kaya yung ganun, bromance. Yieee hahahaha." Sabe nya pa.

"So porket uso yung ganun eh makikiuso narin ako? Ganun ba sinasabe mo?" Tanong ko naman sa kanya na naka-poker face.

"Hindi naman pero malay ko ba, baka lang naman may gusto ka sa kanya." Sagot nya naman.

"Wala akong gusto sa kanya, nakikipagkaibigan lang ako kase nga transfer student sya at wala pa syang kilala dito." Depensa ko naman.

"Sus, for your information hindi lang po sya ang transferee dito sa room natin no. May 5 pang students na galing sa ibang school pero hindi mo naman sila inaapproach katulad nung kay papa Kent." Sabe ni Alexa.

Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon