Chapter 1: The First Victim

18 1 0
                                    


ako si Rinne grade five eleven years old birthday ko dito umpisa ang lahat ng ito crush ko dati si mayen ang bata ko palang may crush na ako, pero siya rin naman bata pa may boyfriend na well naingit ako sa boyfriend nya lagi sila nag haharutan sa klase lalo na pag wala ung teacher namin at pag recess naman lagi sila share sa food nila di ko alam kung sweet yun o sadyang mahirap lang isa sakanila at walang pambili ng baon kaya ganun ... lagi ko sila napapansin pero ako di nila napapansin kasi wierd ako kulot malaki eyebag mataba at higit sa lahat tahimik lang .. wala akong kaibigan sa klase namin pero pag uwian na may mga kasabay ako na kaibigan ko si Tin-tin at Samboy pero madalas si Tin-tin lang kasabay ko umuwi sip sip kasi sa teacher si samboy kaya yun lagi siya nag lilinis ng silid aralan nila ..  si Tin-tin naman mas matanda sa akin ng isang taon at matalino kaya parang ate turing ko sa kanya at di ko alam anu turing niya sakin pero bata pa kami so anu naman paki ko dun pero siya lagi nag sisintas ng sapatos ko nag aayos ng gusot na polo ko at pinupunasan niya ako ng panyo pag madungis na ako. minsan habang palabas ng school ako lang mag-isa napansin ko si mayen at yung boyfriend niya na di ko na ma alala yung pangalan ng boyfriend niya pero nakakapikon lang yung mukha ayun ung palatandaan ko dun sa boyfriend niya.. 

Mayen: Rin! sabay ka sa amin?

Rin: di  may sundo ako ("kahit wala")

Mayen: ahh Tanda mo na sinusundo kapa?

tawa silang dalawa ... medyo nahiya ako at maiyak iyak well iyakin kasi ako ee pero gusto ko sapokin yung boyfriend niya nakaka asar kasi tawa niya ee .. pero biglang may humawak sakin na babae si Tin-tin pinag tangol niya ako kinotongan niya yung boyfriend ni mayen .. nagulat si mayen at kami narin ng bigla umiyak yung boyfriend niya .. tumakbo kami ni Tin-tin dahil baka dumating yung teacher dahil biglang may sumigaw ng ANO YAN!! ng medyo malayo na kami sa school tawanan kaming dalawa dahil nakita namin ung sipon niya habang umi iyak ang dami yung iba pumupunta na sa bunga-nga niya at hinihigop pabalik .. kulay green pa naman .. kaya di namin ma pigil tawa kami ng tawa pa uwi nung kinuwento namin sa ibang kaibigan namin nag umpisa yung asaran .. girlfriend ko daw si Tin-tin crush ko daw .. naging tapunan kami ng tukso ng mga kaibigan kaya simula nun dumidistansiya na ako sakanya 

kinabukasan napansin ko di na nag uusap si mayen at yung bofriend niya .. at malala sakin pa siya dumidikit .. hinihiraman ako ng lapis kahit meron pa siya pantasa kahit ballpen na gamit namin ilang araw pa lumipas ganun ang ginagawa niya .. ng bigla ako may naisip na ligawan siya .. pumunit ako ng papel sa note book at sumulat sa kanya natawa siya nung mabasa niya pero binigay niya uli sakin yung papel at may nakasulat na "Okey sabay tayo uwi mamaya ahh " na bigla ako pero natawa ako ng makita ko yung ex niya na nakatingin sakin pero tawa lang 

di nag tagal naging girlfriend ko nga si mayen sabay kumakain sabay umu uwi minsan pumupunta pa si mayen sa bahay namin at dun gumagawa ng assignment masaya naman pero na miss ko sina Samboy at Tin-tin gusto ko uli makalaro sila pero ini isip ko paano si Mayen ? ayaw ko naman pakilala siya kila Samboy at Tin-tin o sa ibang mga bata dahil baka asarin nanaman nila kami nilihim ko nalang yun .. pero di nag tagal sa class room namin nung malaman ng ex-boyfriend ni mayen na girlfriend ko si Mayen naging tapunan kami ulit ng tukso lalo na ako keso kulot , malaki mata , kuwago. ayaw ko naman ng away dahil bawal daw yun sabi ng mama ko kaya naisipan ko iwasan nalang si Mayen .. 

ilang araw ko siya iniwasan binibilisan ko ang mag lakad para di niya ako maabotan minsan lumalabas ako pag pumupunta siya ng bahay. hangang sa siya nalang ang nag sawa at pabayaan ako pero nakakatakot pala yun dahil binalikan ako ng mga kaibigan ni mayen ginantihan nila ako hinila nila ung brief ko pataas ang sakit pero nag karoon ako ng kakapi si Samboy binato niya ng eraser yung mukha nung babaeng humila sa brief ko hinabol si Samboy ng mga babae ako naman hinawakan nung dalawa .. sinasambunutan ako ng isa kaya kinagat ko yung kamay niya at tinulak silang dalawa sabay takbo .. naabutan ko si Samboy sa labasan at tawanan na naman kami pero di pala libre yun ako gumawa ng assignment niya sa Math ng isang linggo kapag di ko daw ginawa susumbong niya daw ako sa mommy ko na nakipag away daw ako sa mga babae .. sa takot ko napapayag niya ako ..

naging regular nanaman yung takbo ng oras ko balik sa dati kaming tatlo ulit ang mag kakasama at nag lalaro wala na sa isip ko si mayen wala na akong paki sa mga humabol sakin. laro at kung ano ano pa ang ginawa ko. pero minsan na aawa ako sa ginawa ko kay mayen .. at di siya makatingin sa akin nahihiya minsan sa labasan nakita ko siya kasama yung mga babae na humabol sa amin bigla ako natakot at pina una sila lumabas ng makita ako ni Tin-tin habang nag tatago sa isa sa classroom doon .. 

Tin-tin: anu ginagawa mo diyan ?

Rin: ah wala may hina hanap lang 

sabay kami at nag lakad palabas ng kwarto pero medyo takot ako baka kasi andyan pa yung mga babae at ina abangan ako .. para akong adik palingon lingon at di mapakali .. takot na takot ako na lumabas ng school gusto ko tumakbo pero di ko magawa sa takot na bigla ako tisodin ng isa sa mga yun ...  

Break My Heart Plsss...(Tagalog Verse:)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon