Nagulat ako pag labas ng gate nakita ko si mayen nakatingin sa akin ..
gusto ko siya lapitan at sabihin "sorry" pero natakot ako lumapit lalo na ng makita ko yung mga babae sa likuran niya parang gigil sa akin ng bigla ako hawakan ni Tin-tin sa kamay ..
napalingon ako at ngumiti rin .. lalong sumama tingin sa akin ni mayen pero wala ako magagawa sa takot ko .. lumipas ang school year takot ako kay mayen lalo na sa mga kaibigan niya ang tangi kong sa classroom ay yung teacher ko na laging tinatanong kung gumawa naba ako ng assignment ko tapos ko naba project ko pumasok ka ng maaga bukas grabe minsan gusto ko tanungin teacher ko kung may crush siya sakin ee ..
grade six .. graduation day .. eto na ang araw na hinihintay ko at ng magulang ko ang maka graduate ako at makatungtong ng highschool .. ako naman ang nasa isip ko buong araw na makapag laro walang pasok walang assignment walang project . the best di ba?
makalipas ang isang linggo masaya naman ako kalaro ko lagi si Tin-tin at Samboy pero nababagot na ako nakakasawa na o ganito lang talaga ang pakiramdam pag malapit kana maging binata nawawala na yung gana mo sa mga larong pambata .. pinokus ko nalang ang sarili ko sa ibang bagay tulad ng pag guguhit ng mga lugar at matuto ng kung ano ano tulad ng gitara keyboard at kung ano ano pa ..
isang araw pumunta si Tin-tin sa bahay
Tin-tin: Tita! andyan po ba si Rin?
Mommy: Ou nandun sa kwarto niya at nagkukulong.
narinig ko yun mula sa baba namin gusto pasikatan si Tin-tin ng mga natutunan ko kaya kahit nanonood lang ako ng TV pinatay ko yun at kinuha yung gitara at pumuwesto sa bandang bintana para cool binuksan ng konti yung pinto para naman di na siya kumatok at kusa nalang pumasok ..
ng marinig ko ang mga yapak niya na alam ko malapit na siya sa kwarto inumpisahan ko na ang pag kanta at sabay strum sa gitara. pero nasa kalagitnaan nako wala parin siya pero tuloy lang ako sa pag gigitara . naiinip na ako kaya umusog ako ng konti para sumilip sa labas ng pinto nakita ko siya na nakatayo at sabay bukas niya medyo nagulat ako ..
Tin-tin: Aba! angaling mo na ahh!
Rin: Hmm..? wala yun Ako pa?..
Tin-tin: Yabang anu ba trip mo ahh ? bakit di ka lumalabas at sumasali sa laro namin ni Samboy?
Rin: hmm.. wala lang.. gusto ko lang kasi maiba naman ..
Tin-tin: So buong araw ang ginagawa mo ay mag gitara lang?
Rin: Ou! pampalipas ng oras
Tin-tin: Saan mo naman natutunan mag Gitara sino nag turo sayo?
Rin: wala ako lang dahil gusto ko lang !
Tin-tin: para saan?
Di ko alam anung pumasok sa isipan ko nung mga oras na yun at naisipan kong asarin si Tin-tin
Rin: hmm? para sayo!
ini isip ko magagalit siya at babatuhin ako ng unan pero namula siya at naka titig sa akin nagulat siya sa mga sinabi ko.. natuwa ako sa reaction niya kaya tinuloy ko pa na kala ko ay maasar ko pa siya
Rin: Kasi habang kumakanta ako ikaw ang nasa isipan ko kaya...
nagulat ako sa ginawa niya ang dapat na sasabihin ko ay "kasi habang kumakanta ako ikaw ang nasa isipan ko kaya ang panget ng mga kanta ko ee" pero di ko natapos dahil bigla nalang siyang yumuko at pinatong ang kamay niya sa gitara na unti unting lumapit sa kamay ko at hinawakan "lagot" yan ang nasa isipan ko .. pero di ko na mababawi to gusto ko idaan uli sa biro ang lahat pero natatakot na ako mag bitaw pa ng salita dahil baka mas lumala pa ang sitwasyon ko ..
kalahating oras na ang lumipas walang imikan pero nakahawak parin ang kamay niya sa kamay ko "awkward" di ko gusto ang sitwasyon ko para akong sinasala di ako maka galaw ng maayos ..
pero anu nga ba ang dapat na gawin ko? kalahating oras na ako nag iisip pero wala akong magawa pero naramdaman ko na medyo mainit na yung kamay niya dahil sa di niya pag bitaw sa akin kaya ginawa ko ay tumayo at alukin siya ng inumin ayun lang ang alam ko na paraan para bumitaw siya at maka alis sa ganung sitwasyon ..
Rin: Nauuhaw na ako ikaw gusto mo ng juice baba muna ako at kukuha kita
nakayuko parin siya at medyo tumungo tanda ng pag sang ayon sa akin dahan dahan ako lumabas na parang okey lang ang lahat pero ang totoo gusto ko na tumakbo sa labas ..
ng maka punta ako sa kusina kung nasaan ang ref namin doon ako nag isip ng mabuti kong gawin para sa ganung sitwasyon wala sa isip ko ang ligawan o anu man sa mga sinabi ko kanina pero anu nga ba ang dapat gawin kung ayaw mo masaktan ang isa sa matalik mong kaibigan ?
wala akong maisagot sa sarili ko at walang ibang magawa kung di sabihin ang "bahala na!" nag lakad ako pa akyat na parang walang nanyari buo na ang isip ko susundin ko ang desisyon kong bahala na .. binuksan ko ang TV at nanood kami di kami nag imikan pero nakikita ko naman na tumatawa siya . nasa isip ko okey na to baka bukas may maisip na ako .. bahala na!
mag hahapunan na ng mag paalam si Tin-tin sa mama ko.
Mommy: dito kana kumain! handa na ang ulam
Tin-tin: di napo baka hanapin na ako sa amin.. salamat nalang po Tita!
nakatayo ako sa likod ng mommy ko at akmang kakaway sakanya para mag Bye bye
pero ng makita ko ang tingin niya na makahulugan alam ko nato nag papahatid siya palabas
mag mamaang maangan sana ako pero biglang sumingit ang mommy ko at sinabi na hatid ko si Tin-tin sa labasan..
kaya naman wala akong magawa kundi ihatid siya sa labasan. di naman sa ayaw ko siya ihatid o kinakabahan pero kasi wala pa sa plano ko ang ganitong sitwasyon pero tulad nga ng sabi nila "BAHALA NA SI BATMAN" ..
BINABASA MO ANG
Break My Heart Plsss...(Tagalog Verse:)
Roman d'amournerd pero cute .. Cool pero sobrang yabang ... astig pero takot sa responsibilidad .. im the worst person on earth ... alam nila yan pero khit ganun im still looking for someone na kaya akong bagohin gusto ko pren maramdaman ang umasa at umiyak para...