Chapter 2

5 1 0
                                    

Mrs. Fuentabella

Bandang alas onse na ng gabe ng matapos ang handaan para sa aming kasal ni Justin.

"Inaantok na ata si Coleen, iho" baling ni Mrs.Fuentabella sa kaniyang anak.

"Sige po Ma, akyat na kame sa kwarto para makapag pahinga na si Coleen" at tumayo na kame.

"Sige" tipid na sagot ng kanyang ina at ngumiti sa akin. "Goodnight Coleen"

"Goodnight din po Tita" sagot ko

"Ano kaba iha, Mama nalang din" at niyapos nya ako.

"S-sige..po Goodnight Mama" at hinawakan na ni Justin ang kanang kamay ko hanggang ma karating kame sa kanyang kwarto.

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko sa kaniya. Di na namin kailangan mag panggap ngayon dahil wala namang ibang tao.

"Ok" nag hubad na sya ng sapatos at pumasok sa banyo upang magpalit ng damit.

Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko at dinial ang numero ni Shawn.

"Please.... S-shawn, sagutin mo" pumatak nanaman ang mga luha sa aking mga mata.

"He-hello?" Sagot nya sakin. Sa pag bigkas palang nya nito ay mababatid mo ng lasing sya.

"S-shawn" di ko alam kung pano mag sisimula. Ang sakit. Parang bawat patak ng luha ko ay unti-unting pinapatay ang aking puso.

"C-coleen? Bakit... ang s-sakit? Diba... sabi ko babalik ako ngayong buwan?" At narinig ko ang pagpiyok ng boses nya. "Sabi ko... magpapakasal na tayo. Bakit di mo ko inantay? Bakit!!!"

"Sha-shawn... sorry" sa bawat hikbing maririnig sa amin ay nagpapaalala sa akin ng masasayang ala-ala.

"Bakit? Dahil ba... mayaman sya?! Yun ba Coleen?! Dahil ba sa hindi ako mayaman tulad ni Justin! Dahil ba...muka kang salapi?!" Alam ko na ganon ang iisipin sa akin ni Shawn.

"Hin...di Shawn, please patawarin mo ako" dahil hindi na kita pwede pang pakasalan.

"Bakit?... dahil ba magaling sya sa kama?!" Sunod-sunod na mura ang pinakawalan nya.

"Patawad... sana maintindihan mo ako Shawn"

"Patawad! Bwisit na patawad yan! Utang na loob Coleen!" ramdam na ramdam ko sa bawat salita nya ang hinanakit sa akin.
"Hindi maaalis ng patawad mo ang sakit na nararamdaman ko!"

Hindi ako na kapagsalita dahil nawawalan na ako ng lakas.

Walang sinuman ang nakakaalam sa totoong nangyari sa akin. Tangging pamilya ko at pamilya lang ni Justin ang nakakaalam.

"Ano Coleen? Wala ka ng masabi? Dahil yun ang totoo!?" Sigaw nya sa akin.

"Sor-"  isang mura nanaman nya ang nagpatigil sa akin

"Sorry nanaman ba?! Wala akong gustong marinig mula sayo Mrs.Fuentabella. Sana... hindi na tayo magkita pa" at binabaan na ako.

"S-sorry Shawn, Sorry... for hurting... you so much" kahit alam ko na hindi nya ako naririnig.

Lumabas narin si Justin mula sa banyo. At lumapit sa akin.

"Ngayon palang sinasabi ko na sayo Justin! Hinding hindi kita mamahalin!" Sigaw ko kay Justin. Wala akong pakealam kung may makakarinig pa ba sa akin.

"Alam ko" at tinitigan nya ako "Kaya nga ginawa ko 'to Coleen. Alam ko na hindi ka magiging akin kaya napilitan na akong gawin ito. Hindi mo man ako mahalin akin ka par-" at sinampal ko sya ng buong lakas.

"Mamatay ka na!"

"Sana dumating ang panahon matutunan mo rin akong mahalin Coleen" at tinalikuram na nya ako at lumabas sa kwarto.

Kahit ikamatay mo pa hinding hindi kita mamahalin. Si Shawn lang, sya lang.

Sorry For Hurting You So MuchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon