I love you
"Sorry wala 'kong gift sayo" palusot ba kamo? Taon taon naman akong walang regalo sa kaniya. Sya lang ang nagbibigay palagi. Birthday gift, anniversary gift at iba pa.
"Ok lang, masaya na kong nandito ka" nakabalik na sya sa upuan nya.
Taon-taon nalang ganito sya sa akin. Pag sinasabi ko sa kaniya na wala akong regalo ay ganyan ang sinasabi nya.
Nginitian ko sya at ganon din sya sa akin.
"Mama, Papa antok na po ako" si Josiah at nag pout pa. Ang cute talaga na baby ko.
"Let's go baby" sabi ni Justin kay Josiah "We're gonna take a half bath muna bago ka matulog ok?" Sabi ni Justin
"Yehey! Papa's gonna clean me!" Tuwang-tuwa si Josiah kapag sila ng papa nya ang sabay maligo.
"Haha, your so cute little boy. Let's go na. Say goodnight to mama" sabi ni Justin kay Josiah habang buhat na nya ito.
"Goodnight mama" sabay kiss sa akin.
"Goodnight baby" at kiniss ko rin sya sa lips.
At umakyat na sila sa taas para makapag linis ng katawan bago matulog.
Mabilis ko namang niligpit ang mga pinagkainan at hinugasan. Wala kaming kasam-bahay ngayon dahil kailangan daw umuwi sa probinsya dahil may sakit ang kaniyang ina.
Nakabukod na kase kami ni Justin mula sa pamilya nya at isang simpleng bahay lang ang gusto ko kaya nagpagawa sya ng bahay para sa amin. May dalawang palapag, may tatlong kwarto sa taas at isang kwarto sa baba para sa kasam-bahay. May isang pool sa labas na pinagawa nya at isang maliit na playground din para kay Josiah. At garden naman na pwede kong pagtaniman ng mga roses at orchids.
Sa ngayon ay di na ako nagtuturo sa paaralan samantalang si Justin naman ay sa kumpanya na ng mga Fuentabella nag tatrabaho. Nag-aral ulit sya ng apat na taon para mag-aral ng Business Management para madali nyang magampanan ang pagiging CEO sa kumpanya pag nagretiro na ang kaniyang ama.
Pagkatapos kong maghugas ay umakyat na ako sa kwarto.
Wala si Justin.
Hindi kami nagsasama sa isang kwarto. Kaya tatlong kwarto ang pinagawa dito sa taas para hindi kame magkakasama. Ngunit pag may ibang bisita ay napipilitan syang matulog sa kwarto ko dahil hindi naman sya pwedeng matulog sa kwarto ni Josiah.
Naghuhubad ako ng damit ng biglang pumasok si Justin.
"Ahhhh" ang arte ko diba. Ganon talaga.
"S-sorry!" At lumabas na ulit.
Nagmadali akong nagbihis at binuksan ang pinto ng aking kwarto.
"S-sorry...Collin" nauutal nyang sambit.
"Hindi ok lang" sagot ko "Anong kailangan mo?"
"Sasabihin ko sana sayo na aalis ako bukas ng madaling araw para sa isang business venture sa France" sabi nya habang nakatitig sa akin.
"Ilang araw ka doon?"
"Mga two months"
"Bakit ang tagal naman ata?" Tanong ko. Kahit naman na di ko sya mahal ay nag aalala naman ako sa kanya.
"Kailangan ko pang bantayan ang pamamahala sa pag tatayo ng bagong hotel na itatayo doon"
"Ah, ok sige mag-ingat ka"
Nginitian nya ako at tumalikod.
Natulog na ako pagkaalis nya.
Isang bulong ang nagpagising sa akin.
" I love you, Coleen" sabay halik sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
Sorry For Hurting You So Much
Romance"How can we change the fact that you hated me so much? So much, for hurting and killing me so much?" -Coleen