TEVQ Chapter 1: Miyuki Saisachi Sterious

4.9K 204 21
                                    

TEVQ CHAPTER 1

Nakita ko ang limang taong gulang na bata na umiiyak habang nagpupumilit na kumawala sa bisig ng isang matandang lalaki, at ng makawala ito ay agad siyang tumungo at humagulgol ng iyak sa harap ng walang buhay niyang mga magulang.

"Mama! Dada! Wake up! Wake up! Maglalaro pa tayo ng favorite game natin, ayt dada? Mama, you told me that you will teach me how to bake cookies pa! Wake up, please! Mama, Dada! Stop playing dead. Grandpa! Tell to mama and dada, that they will need to wake up," pakiusap nito. "Wake them up!" dagdag pa nito, pero umiling lang ang matanda senyales na wala na syang magagawa pa.

Kapwa biktima ang mga magulang niya ng car accident... Ang magulang ko.

Nagising ako na may butil butil ng pawis ang buong mukha ko, that was one of my bad dreams.

Paulit-ulit nalang, kung hindi si lolo o ang mga magulang ko, ay ang batang ako naman ang mapapanaginipan ko. Para bang gabi-gabi nalang nirereplay sa utak ko ang masasamang pangyayari noong bata pa ako.

Noong mga panahong, nakakapagsalita pa ako, yung may boses pa ako para sabihin ang mga bagay na gusto kong sabihin. Mga reklamo at sentimyento ko sa buhay.

At first, I gave all the blame to grandpa. He never mentioned about his power--tss, I know simula pagkabata ko ay hindi ko siya narinig na magsalita ni katiting na letra. Inakala ko pa nga na pipi si lolo.

'Till one day, he spoke for the very first time. The time when he left the biggest responsibility on my hand--tongue, then after that he was gone. He died.

Bago siya mamatay ay ibinilin niya ang mga dapat at hindi ko dapat gawin, kabilang na ang hindi dapat ako magsalita ng kahit na ano.

Sadyang makapangyarihan ang kapangyarihang 'Tongue of a Demon' iyan ang sabi ni lolo. Na kahit siya ay hindi niya nagawang kontrolin, kaya nanatili nalang siyang tahimik at never nagsalita.

Ang galing no? Pwede kitang patayin sa pamamagitan lang ng salitang 'mamatay ka na', at pwede rin kitang buhayin kapag sinabi kong 'mabuhay ka'.

How ironic, isn't it?

May kapangyarihan si grandpa na bumuhay ng patay, pero hinayaan niya lang na mamatay sina mama at dada. To think na anak niya ang mama ko, ay wala parin siyang ginawa, gayong nasa sakanya naman pala ang kapangyarihan para bumuhay ng patay.

Pero 'di nagtagal, nakita ko ang purpose ng pananahimik ni lolo, ang hindi niya paggamit ng kapangyarihan niya para buhayin ang mga magulang ko.

Ang pagtatago niya sa kapangyarihan niya. Right, ano nga naman ba ang gagawin at iisipin ng ibang tao? Ng mga normal na tao once na malaman nila ang kapangyarihang taglay niya--ko na ngayon.

Kaguluhan. Kawalan ng balanse sa mundong ginagalawan namin. Dahil hindi mawawala ang mga taong mapang-abuso.

Alam ko na ang bagay na yan, dahil sampung taon na akong naninirahan mag-isa. At naranasan ko na ang hindi dapat maranasan ng isang under age na bata. Si tita Florida, ang kapatid ni papa. Wala akong kamalay malay na nakagawa na siya ng paraan para kunin lahat ng ari-arian ng pamilya ko.

Mabuti na nga lang at hindi niya nakuha ang bahay ko, dahil nakapangalan ito sa side ni mama--kay lolo, which is sa akin na once na mag-18 na ako.

Nagtataka ba kayo kung paano ako nakapamuhay mag-isa ng walang dumarampot sa akin na DSWD o kung ano pa mang bahay ampunan? Simple lang, kaya nakuha ni tita Florida ang lahat ng mga ari-arian namin ay pumirma siya ng kasunduan sa lawyer nila Dada na siya muna ang magha-handle sa business namin at mag-aalaga sa akin... Sa madaling salita, si tita Florida ang tumatayong guardian ko--sa papel lang, dahil hindi ko naman talaga siya nakakasama dito. At kung paano naman ako nabubuhay? May pinapadalang monthly allowance ang bangko simula ng mamayapa si lolo. Iyon ang bangko kung saan may ipon si mama...doon ko kinukuha ang lahat ng panggastos ko. Mabuti nalang at malakilaki ang pera ni mama, at ang bangko rin ang nagba-budget ng monthly allowance ko hanggang sa mag-18 na ako--

The Enigmatic Voiceless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon