Sacrifice 15

7.6K 69 0
                                    

"Friendly kiss, on lips."

Eirenna Aldi's POV

I resigned already and I'm done with the clearance and all.

Wala na siguro kaming pag-aawayan ni Sil, binigay ko na ang gusto niya. Ang iniisip ko ay wala akong ibang pinagkakakitaan. Paano kaya ako kapag naghiwalay na kami?

Kanina pa ako nanonood ng mga movies sa bahay ni Sil. Wala kasi akong magawa, hindi ko din gustong lumabas ng bahay dahil noong isang araw ay lumabas na kami nang mga kaibigan ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Iza. Matapos ang tatlong ring ay sinagot niya ito kaagad. "Hello, Aldi." Tugon nito.

"Asan ka ngayon?"

"Nasa bahay lang ako, nagpapahinga." Gusto ko sana siyang makausap baka may alam siyang mga work na home-based. Para mayroon akong kita kahit nandito lang ako sa bahay.

"Kailangan ko kasi nang tulong mo, baka naman may alam kang home-based job? O ibang pagkakakitaan na 'yung hindi katulad sa firm." Tanong ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago sumagot sa akin.

"Hmm... Sa totoo lang walang pumapasok sa utak ko na suhestiyon ngayon. Magulo kasi ang utak ko ngayon eh. Kailangan ko kasi nang ano eh. Paano ko ba 'to sasabihin?" Hindi ko naman siya maintindihan ngayon.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Ako na lang kaya, wala ka pang gastos. Game na game ako makipag-rak-rak-an!" Sigaw ng boses lalake at ngayon ko lang nalaman na may kasama pala siyang lalake.

"Sino 'yon, Iza?"

"Ha? Wala 'yon. Sige bye na muna, Aldi. May daga ditong malaki kailangan kong puksain. Bye." Pinutol na niya agad ang tawag. Sino naman 'yong kasama niyang lalake? Boses lalaki kasi iyong narinig kong nagsalita. At ano ba 'yong kailangan niya?

Sinubukan kong tawagan si Rella, ngunit mukhang naka-Airplane mode ang phone niya kaya tinigil ko na. Nahihiya naman akong tawagan ang mga lalake kong kaibigan dahil ayaw kong magka-issue kay Sil. Baka bigla na naman siyang magalit, mag-isip ng kung anu-anong bagay na maging dahilan na naman ng pag-aaway namin.

Kinuha ko na lang ang laptop ko at naghanap ng kasagutan, baka dito pwede na akong maghanap. Mag-iingat na lang ako sa mga scam, mahirap na at baka maging biktima ako. May naipon naman akong pera kahit papaano.

*

Kasalukuyang naghahanda ako nang susuotin bukas ni Sil ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto namin. Mukhang hindi maganda ang mood niya kaya hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa gamit niya.

"Eirenna."

"Hmm..." Pinagpapatuloy ko pa din ang ginagawa ko dahil wala akong magandang ma-ipartner sa kurbata niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa likod ko at ang pagbibigay niya nang muntik halik sa leeg ko.

Hinarap ko siya at ipinakita ang susuotin niya bukas. Sana magustuhan niya ang pinili ko para sa kanya. "Sil, ayos na ba ito?" Nakatingin lang siya at tumango sa akin. Kumuha ako nang sapatos na babagay sa napili kong kasuotan.

"Nakahanda na ang pagkain." Sabi ko habang iniayos ko na ang susuotin niya bukas pati na rin ang bag niya.

Tinanggal niya ang sapatos niya at sinuot ang tsinelas niya na pambahay. Niluwagan niya din ang necktie niya at binuksan ng kakaunti ang buttones ng kanyang polo. Hindi ko naman maiwasang hindi mapatitig sa kanya. Ang gwapo naman ng asawa ko. Lulubusin ko na ang pagiging asawa ko sa kanya, tutal maghihiwalay din naman kami.

Ang kasal namin parang pagkain, may expiration date.

Matapos kung ayusin at ihanda ang mga gamit niya ay lumabas na kami nang silid at kumain ng hapunan. Kanina habang, naghahanap ako sa internet at may nakita akong paraan para kumita nang pera. Pwedeng sa paggamit ng stocks or funds, kailangan ko lang pumunta s bangko o maghanap ng broker o mga tao na nagbebenta nang stocks nila.

The SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon