*ISH* 15--

109 2 2
                                    

15--

Nagtulong kami ni Reich para madala agad si Yeyen sa baba. Katulad kanina, mabilis din ang pagpapatakbo ko ng kotse papuntang ospital.

Dun kami dumaan sa back door. The nurses attended to us immediately. Pinaghintay nila kami sa labas ng ER. Nakaupo lang ako, samantalang si Reich, pauli-uli lang.

‘May sakit pala si Ate AC? Why didn’t I know?’

Napahawak na lang ako sa mukha ko habang nakatuon ang siko ko sa hita ko.

‘Andrei.’

‘O.’

‘Anung sakit ni Ate AC?’

Di agad ako nakaimik.

‘Andrei?’

‘When we were on third grade, that was third grading, she was absent for a whole week. Ako lang sa buong klase yung nakakaalam ng dahilan.’

‘And?’

‘She had rheumatic fever. After nun, ingat na ingat na kaming lahat sa kania. Hindi namin hinahayaan na mapagod sia. Kasi di ba, kapag nagkaganun ka, there’s a possibility na magka-RHD? Pero one time, on our 6th grade.. Umalis sia ng bahay. Lahat kami, nag-alala. Di namin alam kung san sia nagpunta. Tapos.. Nakita namin sia playground sa village namin, masayang nakikipaglaro sa ibang bata dun. Akala namin, okay lang yun. Kaya hinayaan namin sia. Then, nung nasa high school na kami.. Saka naman namin nalaman na may RHD na pala sia. Mas naging protective kaming lahat sa kania. Bawat pag-alis nia, kelangan may kasama siang chaperone. Kami madalas ni Era ang sumasama sa kania. Maraming beses ng inatake sia before. Nung last time, ang sabi ng doctor, isa pang atake, kelangan na niang mag-undergo ng heart transplant.’

Nung tingnan ko si Reich, he was just looking at me. He looked shocked.. Pero mas lamang yung pag-aalala nia.

‘And now this..’

I looked away. Di ko kayang isipin kung anong pwede mangyari kapag di nakahanap ng heart donor. Di ko kayang wala si Yeyen. She’s my angel..

Simula bata kami, wala na kong ginawa kundi ang protektahan sia..

Tapos ganito lang?

I won’t let this happen.

Di ko hahayaan na mawala sia ng ganun-ganun lang..

*AC*

Pagmulat ng mata ko, puro puti lang nakikita ko.

Nakngtokwa, nasa langit na ba ako?

I looked around..

And surprise..

 Nasa ospital lang pala ako.

‘Yeyen..’

‘Laurence.. Kelan pa ko dito?’

‘3 days ago.’

‘Eh? Ang tagal na din pala..’

‘Tss. Ikaw kasi. Ano bang nangyari?’

‘Huh? Ah eh.. Wala.’

‘Sure ka?’

‘Oo. Ano kasi.. Naglaro ako.’

‘Naglaro ka?’

‘Oo. Nakipaglaro ako sa mga bata dun sa playground. Napagod siguro ako ng sobra.’

‘Yeyen..’

‘Di ko na uulitin, I swear. Dinalaw na ba ako ni Daddyloves?’

He looked away. Alam ko na ang ibig niang sabihin. :(

*Insert Title Here*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon